Yung ilang na nararamdaman ko kanina dahil sa two piece ay biglang nawala.Mukhang sumang ayon saakin ang araw na ito para makaganti kahit papano sa mga nagpapainit ng ulo.
"Kumusta na kaya si higad ngayon?haha." tanong ko sa sarili habang nakababad dito sa dagat.Simula kasi ng mag walk out ito ay hindi na ito bumalik pa.Napapangiti akong hinahagod hagod ang mga braso ko dahil sa kasiyahan.Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ni Samantha kanina.Para itong nabuhusan ng mainit na tubig.
"Hoy! anong nginingiti ngiti mo dyan ha?" biglang sulpot ni shane saakin mula sa likuran ko.pinaningkitan ako nito ng mata habang nakangisi kaya napakamot ako sa kilay.
Lumapit ako at Bumulong sakanya dahil NASA di kalayuan lamang ang asawa nito at Si carl.Ayokong marinig ako ng mga ito dahil baka makarma ako agad haha. "Hindi kasi maalis sa isip ko iyong nangyari kanina eh hehehe." napatawa namam itong si shane.
"Hahaha ikaw lang ba?ako din kaya.este kami pala haha.grabe ka noh nakakawindang iyong pasabog mo kanina haha." tawa nitong turan.Napatingin ako sa gawi ni carl at jake at nakatingin din ang mga ito sa gawi namin kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ni shane dahil baka naririnig na pala kami ng mga ito dahil sa lakas ng boses.
"Ang lakas ng boses mo pasaway ka." at tinanggal din agad ang kamay ko sa bibig niya baka kasi magalit si jake alagang alaga pa naman niya ito haha. "Kahit ganon,nahihiya kaya ako na Nagawa ko iyon kung di lang pinainit ni Samantha ang ulo ko diko naman gagawin ang bagay na yon.tapos yung two piece mo,naku ikaw babae ka senet up moko noh!?sinadya mo siguro yun." nakanguso kong turan.
"Hahaha uy hindi ah!nagrereklamo kapa eh bagay mo naman tapos napatigas mo si carl kanina hahaha." sabi nito na tumawa ng pagkalakas lakas.Anong napatigas ang sinasabi niya?.bigla akong pinamulahan ng mukha at napatingin muli kina carl.papalapit ang mga ito saamin.
"Anong napatigas?bwesit ka noh kung dika lang buntis nako natuktukan na kita.tsaka hinaan mo nga iyang boses mo papalapit na kasi sila dito." sabi ko at umirap pero itoy tumawa lang.sinabi ng hinaan ang boses eh pero mas lumakas pa ang boses nito dahil sa pagtawa.
"Ibig ko sabihin natuod siya dahil sayo at sa paghalik mo sakanya haha Ikaw ha iba ang nasa utak mo." sabi pa nito.naku tumigil kana shane malapit na sila.sarap lagyan ng packaging tape bibig mo. sabi ko sa sarili.hindi na ako sumagot at nag kunwaring busy sa tubig alat.
"Anong pinag uusapan niyo?" tanong ni jake sa asawa ng makalapit.
"Wala hon,chismoso ka noh." sagot naman ni shane.Napailing ako at napangiti.
Lumayo ako sakanila para makaiwas na mapag usapan ang ginawa kong kalokohan kanina lalo na sa paghalik ko kaya pumunta ako sa bandang dulo na maraming malalaking bato at tila parang may maliit na kweba.Hindi ko na sila pinansin pa o pinag ukulan ng tingin kahit saglit dahil baka pag napatingin ako ay mata ni carl ang sasalubong saakin.takot ko lang na gantihan ako nito.
Napasandal ako dito sa malaking bato at napapikit.napaka presko sa pakiramdam.ANG tubig dito ay hanggang tuhod ko lamang dahil tanging malalaking bato ang nakapalibot dito.Hindi narin ako nailang sa two piece na suot ko kahit pa medyo labas kaluluwa na sa pang ibaba.Kay tahimik dito na tanging hampas lang ng alon ng dagat ang maririnig.Nakakarelax.
"Happy?" agad akong napamulat ng mga mata dahil sa nagsalita.It's carl! bigla akong nailang,kanina lang ay hindi nako nakakaramdam ng kahit konting pagkailang pero ngayong nasa harapan ko ito ay parang gusto kong gumulong o umupo sa dagat para lang matakpan ang katawan ko. "Nakakarelax diba?" ulit nito pero hindi ko ito pinansin.nanatili akong nakatingin sa malayo dahil namumula ata ang mga pisngi ko dahil kahit hindi ko ito tignan ay alam kong napapatingin ito sa katawan ko,lalo na na singit ko!
Hindi ako makakilos at naiinis ako dahil doon.Pasimple akong tumalikod sakanya pero ramdam kong mas lalo pa itong lumapit sa gawi ko.
"Nice ass babe." sabi nito na ikinalaki ng mata ko.Bastos talaga ang Hayop na ito.Napaharap ako sakanya ng dahil sa sinabi niya at tinapunan siya ng masamang tingin.Pero lalo akong nagsisi na humarap pako dahil mabilis na napatingin ito sa kaselanan ko sa baba at kita kong napalunok ito.
"Bastos! " sigaw ko sabay hawi ng tubig alat sa gawi niya.Nabasa ito ng konti at ngumisi lang.Napatingin ako sa dibdib niya pababa sa tyan,sa pusod at sa.SHIT!nakaumbok! mabilis akong humakbang para lumayo ng konti sakanya.Biglang uminit ang pisngi ko sa nakita ko.Bakit ko pa kasi tinignan.
"I love the way you kiss me." sabi nito.Hindi ko ito nilingon.kahit hindi ko ito tanungin,alam kong ang tinutukoy nito ay iyong ginawa kong paghalik sakanya.baka gantihan ako neto. "Can you do it again?but this time sasabayan kita." nanlaki nanaman ang mga mata ko.Wala talagang kasing manyak ang lalaking ito.Humarap ako sakanya at namaywang.Tinaasan ko siya ng kilay habang seryosonh pinakatitigan siya.bakit parang mas lalo siyang naging gwapo ngayon? napailing ako at tumingin ulit sakanya ng matalim.nakangisi ito na tila ba tuwang tuwa saakin.
"Seneswerte ka manyak.ginawa ko lang iyon para asarin si higad noh." matapang kong sabi.Tumawa ito ng malakas dahil sa narinig na pinangalan ko Kay Samantha.
"Hahaha higad pala ha?bakit nagseselos kaba sakanya?ehem, I told you bibigay ka din saakin." mayabang nitong sabi.
"Duh!? at bakit naman ako magseselos sa higad na iyon!ang kapal talaga ng pagmumukha Mong lalaki ka!"
"Ayaw mo pang aminin,naku Lali Wag ka ng mahiya ramdam ko naman haha." sabi nito na sinabayan pa ng tawa.nagseselos nga ba ako?
Lumapit ulit ito saakin.Parang bumagal ang oras dahil sa paglapit nito.Napatingin akong muli sa matipuno nitong pangangatawan at hindi sinasadyang napaawang ang labi ko.Hindi ko alam kung bakit.
"You like the view?" sabi nito habang patuloy sa paglapit saakin.Bigla akong nahiya. "This is all yours." dugtong niya.Bigla akong nilamig sa sinabi niya pero pilit akong nagpapakatatag at huwag ipakita dito na kinakabahan ako.
"Sa dinami dami ng babaeng nagdaan sayo tila naging scripted na ang mga sinasabi mo." sabi ko at napangisi.Sinong niloloko niya?ako?tsk hindi ako magpapauto sa kagaya niyang babaero na manyak pa.
Nakalapit na ito ng tuluyan saakin at yumuko para pumantay sa mukha ko ang mukha niya.napaatras ako.Napasandal ako sa malaking bato.MAbilis niyang itinukod ang dalawang kamay sa mga gilid ko na para bang binabakuran ako o kinukulong para walang takas.Napalunok ako sa sobrang lapit niya.jusko ito naba ang karma ko?bakit ang bilis naman!
"Oo maraming dumaang babae sa buhay ko,pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako magbabago." bulong nito saakin at tumingin.Kinagat nito ang ibabang labi niya kaya napatingin ako doon.Kumikinang ang labi n ito dahil sa pagkagat niya.Halos maduling ako sa sobrang lapit niya.Parang may bumara sa lalamunan ko kaya umubo ako para klaruhin. "Ehem!" pero ngumisi lang ito.
"Subukan mo akong kilalanin at papatunayan ko sayong Kaya kong magbago." seryoso nitong turan.dapat ko ba itong paniwalaan?naku mahirap na baka sinasabi niya din ito sa lahat ng babae. "PARA LANG SAYO Lali." natigagal ako sa huling sinabi niya.napatitig ako sa mga mata niya.BAKIT nakikita ko sa mga mata nito na parang nagsasabi ito ng totoo?May Mali dito! nagsasabi nga ba ito ng totoo o ako itong may Mali dahil pakiramdam ko unti untin lumalambot ang pagkatao ko sakanya. wag naman sana akong bumigay!