“WHAT DO you mean by that?” tanong ni Beckett habang tinititigan si Vivianne, ngunit hindi sumagot ang babae. Ngumiti lang si Vivianne habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ni Beckett. May bahid ng lungkot sa ngiti at sa ekspresiyon ng mga mata nito na nakatingin sa labi ng lalaki. “I’m just telling you the same…” ani Vivianne sa isang mahinang tono bago muling umangat ang tingin. “Kung paano mo nalaman na may inililihim ako sa ‘yo, ganoon ko rin nalaman na may inililihim ka sa akin. Kaya maghihintayan tayo.” Beckett’s heart skipped a bit after hearing Vivianne’s answer. Tila ay tinakasan siya ng dugo sa buong katawan niya. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay mayroong nalaman si Vivianne… Kung ano man ‘yon ay hindi niya alam. “Pero paano pala kung wala tayong balak mag