“TELL ME, who is it?” Napalunok si Vivianne at tila napako sa kan’yang kinatatayuan. Sanay naman siya sa ganitong ugali ng ama. Bigla na nga lang naghahagis ng kutsilyo si Alfred paminsan-minsan pero hindi siya nagugulat doon. Pero ngayon ay may kakaiba kay Alfred… Para bang handa itong pumatay ano mang oras. Vivianne wondered what she said that triggered her father to be like this. “Saan mo nakita ang tattoo na kaparehas ng sa akin?” muling tanong ni Alfred. Mas malalim na ang boses nito kaysa kanina. “Hindi pa ako sigurado.” Yumuko si Vivianne at huminga nang malalim para mapigilan ang panginginig ng katawan niya. “Common ang infinity sign tattoo, kaya nagtataka ako kung bakit gan’yan na lang ang reaksyon mo.” “My tattoo has small thorns surrounding the sign,” said Alfred, his gaze