Sa ilang taong pamumuhay ni Beckett sa pagdadalamhati at pighati, isang bagay lang ang tanging nagpapakalma sa kan’ya, lalo na sa mga oras na pinanghihinaan na siya ng loob. Iyon ay ang family picture nila na ipinakuha niya pa sa studio noong bata pa siya—Noong bago ipadala si Beckett sa Milan para ituloy ang kan’yang pag-aaral. He was only ten years old at that time, and he wanted to spend more days with his family. But he can’t. Saglit lang kasi siyang pinapanatili ng magulang sa Pilipinas, at pagkatapos ay ipapa-book na siya ng ticket papuntang Italy. Beckett, at such a young age, didn’t knew that something was wrong. Ang iniisip niya lang ay baka ayaw sa kan’ya ng magulang kaya palagi siyang pinalalayo ng mga ito. “Anak, kapag naging maayos na ang lahat, susunod kami sa’yo roon, oka