BECKETT STOPPED breathing for a second upon the mention of his late mother’s name. Ni hindi niya napansing nakakunot na pala ang noo niya habang nakakuyom din nang matindi ang kaliwang kamay. Mas lalo lang siyang binalot ng kaba dahil unti-unting itinuturo ng kan’yang mga natutuklasan ang relasyon ni Alfred sa ina noon. “Do you have his file?” tanong ni Beckett kay Nathan. Umiling si Nathan habang binabasa ang dokumentong hawak sa isang kamay. “Mayroon, boss. Pero kaunti lang ang laman nito. Ang hirap hanapan ng impormasyon ng bata dahil mukhang may pilit nagtatago no’n sa publiko.” Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Beckett. “Any idea or hunch who it is?” “Puwedeng ang mama mo boss, o kaya naman ang papa niya. Si Dyrus Hechanova.” Ini-scan ni Nathan ang file habang hinahana