Chapter 2

1045 Words
CHAPTER 2 (When I Met You) Maaga siyang nagising kinabukasan. Masigla siyang nagliligpit ng kanyang higaan dahil pinayagan siya nga kanyang Lolo at Lola na pumunta sa bahay ni Cheska at mag-stay doon ng ilang araw. Mabilis niyang naayos ang gamit na dadalhin. Kinuha niya ang mobile phone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa at nakitang may isang unread message. Kailangan niyang pumunta ng university! Nagmadali siyang naligo at nagbihis. ‘Hello Cheska! Dadaan muna ako sa school bago pumunta sa inyo ah. Pinapapunta ako dun ngayon eh.’sabi niya sa kaibigan matapos sagutin nito ang tawag niya. ‘O..okay. Hintayin na lang kita dito sa bahay.’anito sa inaantok pa na boses. Halos takbuhin niya papunta palabas para lang makahabol sa maagang bus na masasakyan. Super excited siya dahil first time niyang pupunta sa pinapangarap niyang college school. Isa ito sa napakagandang university sa buong Asia at maraming dayuhan ang mga pumupunta lamang sa Pilipinas para makapag-aral dito. Pang-world class ika nga, ang naturang eskwelahan. ‘Hay, salamat naman!’sabi niya sa sarili. Pababa na siya ng bus ng mapansin ang isang pamilyar na mga taong halos kakalabas rin lang ng dala nitong kotse. Todo iwas siya para hindi siya makita ng mga ito ngunit kahit humalo na siya sa karamihan ay narinig pa rin niyang tinawag siya ng mga ito. ‘Tiffany! Nandito ka pala.’dahan-dahan siyang lumingon. ‘Good morning po sa inyo.’yumuko siya kasabay ng pagbati. ‘Ano naman ang ginagawa mo dito bata ka?’sabi ng Tito niya. ‘Dad, we’re in public place.’saway nito sa ama at bumaling ulit sa kanya.’ Kumusta pinsan? Huwag mo na lang pansinin si daddy.’ ‘Naku! Sigurado naman ako na kung sino-sino na naman ang kakausapin ng batang yan para makapasok dito.’ngumiti lang siya. ‘Mommy, pati ba naman kayo. Mag-eenroll ka rin ba Tiffany?’ ‘Ah hindi. Nakapasa kasi ako sa scholarship application nila kaya pinapunta nila ako dito.’sabi niya sa mababang tono. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng mga ito at dahil di niya alam kung ano ang gagawin ay napagpasyahan niyang umalis na. ‘Sige po mauna na ako sa inyo.’tumakbo siya mula sa mga ito. ‘s**t nagkita pa kami!’ Napailing-iling siya habang papasok sa loob ng eskwelahan. Dahil sa nangyari ay maaring hindi na naman siya tantanan ng mga ito. Naalala niyang muntik na siyang matanggal sa scholarship sa high school na dating pinasukan dahil sa pagwawala ng tita niya sa school nila. Kung ano-ano ang sinumbong ng magaling niyang pinsan na si Riza para lang matanggal siya sa list ng scholars kahit wala naman siyang ginagawa ng kahit na ano. Naiinggit sa kanya ito palibhasa di palaaral at madalas bagsak sa mga exams nila. Magkaedad sila at palagi silang magkaklase. Napapikit siya sa pagbabalik-alaala niya at hindi napansin ang kasalubong na parating. ‘Ouch!’hinawakan niya ang kanyang noo. Nakita niya ang isang nakapamaywang na lalaki at diretsong nakatingin sa kanya. May dalawa itong kasama. ‘You deserve that.’may galit sa boses na sinabi iyon ng lalaki. ‘Ha?’medyo nadaig siya ng malakas na awra nito ngunit pinilit huwag ipahalata. ‘Nagmamaang-maangan ka pa ngayon!’nabigla siya sa paglakas ng boses nito. ‘Hindi ko alam ang sinasabi mo.’natawa ito pagkasabi niya. ‘Sa susunod, tingnan mo ang daraanan mo.’lumakad na ito at sadyang tinabig siya sa balikat. ‘Akala mo kung sino. Ang yabang mo!’nakita niyang sa kanya lahat nakatingin ang mga tao doon at ikinagulat pa niya ng naglakad pabalik ang lalaki palapit sa kanya. Awkward ang pakiramdam niya kaya ang naisip niyang paraan ay ang tumakbo palayo dito. Hindi niya makalimutan ang galit na galit na mukha nito. Sakto na nakasabay niya ang isang professor sa direksyon na tinutungo niya. ‘Good morning po Prof! Pwede po bang magtanong?’aniya.‘Saan po dito ang admin office?’ ‘Doon ka ba pupunta?’ ‘Opo.’ ‘Sakto papunta ako doon. Sumabay ka na sa akin.’anito. ********* ‘GOOD MORNING po! Nakatanggap po ako ng message regarding po sa scholarship application.’magalang na bati niya pagpasok sa admin office. ‘Okay ano ang pangalan mo iha?’tanong ng isang lalaki na nasa 30’s ang edad. ‘Tiffany Buendia po.’maagap niyang tugon. ‘Tama ikaw nga ang hinihintay ni Prof. Cindy. Puntahan mo siya doon sa bandang dulo.’tumalima naman siya agad. Isang nakasalamin na babae ang nakita niya doon. Halatang bata pa ito. ‘Excuse me po. Kayo po ba si Prof. Cindy?’tanong niya. ‘Ako nga. May kailangan ka ba sakin?’ ‘Opo. Ako po ‘yung tinext niyo kagabi.’ ‘Ikaw ba si Tiffany?’ ‘Opo.’ ‘Maupo ka muna. Ang aga mo dumating kahit medyo may kalayuan ang bahay mo dito sa university.’ngumiti ito sa kanya.’Anyway, congrats kasi nakapasa ka sa scholarship application. Actually mataas ang nakuha mong score. Meron ka bang mga challenges sa pagpasok dito?’ ‘Sa totoo lang po, meron. Pero magagawan ko naman po ng paraan. Maghahanap ako ng mapapasukan kahit part-time.’ ‘Tamang-tama. Meron kasi kaming i-ooffer sayo. It will assure you na pati allowance mo sa pagpasok ay maibibigay ng school.’ ‘Ano po ‘yun Prof?’ ‘May i-aassign kaming student din na katulad mo na kailangan i-track ang progress niya sa araw-araw.’ ‘Ganun lang po ang gagawin?’ ‘Yes. Kaya nga lang mga anak ng mayayaman ang mga iyon pero isa lamang naman ang ia-assign sayo.’ ‘Wala po sakin kaso Prof. Cindy. Kakayanin ko po ‘iyon.’ Hindi na ulit nagsalita ang kausap ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at mabillis na tumalikod dahil isa sa mga iyon ang nakabangga niya kanina. ‘Mabuti at nandito ka na Dion. Nais ko ipakilala sa iyo ang magta-track ng progress mo dito sa university.’di sumagot ang lalaki. ‘Tiffany, siya si Dion Wang. Dion, siya naman si Tiffany Buendia.’lumingon siya paharap. ‘He...llo.’bati niya at sumilay ang nakakalokong ngiti sa lalaki. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki na kasama nito. ‘So, you’re Tiffany.’anito. ‘Okay guys, ito ang mga magiging schedules niyo pareho. Make sure to coordinate each other ha?’tumango siya. ‘Thank you Prof. Cindy’narinig niyang sinabi nito. ********* Hay! Pakiramdam ko may away na magaganap ?? Anyway, let see na Lang kung ano susunod na mangyayari.☺️ Maraming Salamat Po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD