The Queen Of Spade (Gorgeous Men Series 5 : Spade Suarez)

The Queen Of Spade (Gorgeous Men Series 5 : Spade Suarez)

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

TRIGGER WARNING: EXPLICIT CONTENT R-18

Blurb: 

Hanggang saan ang kaya mong gawin, makamtan lang ang pinakaasam mong pag-ibig? 

Nakatakdang ikasal si Virgina Queen Xiu sa mafia prince na si Kainer Allesandro Clemente dahil sa kagustuhan ng kanyang amang si Harold Xiu ngunit isa lang ang itinitibok ng puso niya, iyon ay wala ng iba kundi si Spade Suarez. Spade is the epitome of a gorgeous yet a very dangerous man, a taekwondo champion and a notorious gambler na anak ng ama-amahan niyang si Wade Suarez. Ngunit paano kung sa iba tumitibok ang puso ng lalaking kanyang itinatangi? Magkaroon pa kaya siya ng lakas ng loob na ipagtapat ang kanyang nararamdaman? O pasasakop na lamang siya sa kagustuhan ng kanyang ama?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SPADE'S POV: “Lahat ng tao ay may kanya-kanyang swerte sa buhay, nasa atin na lamang kung paano natin hahanapin ito.” That's what my mother said, kung kaya't nandito ako ngayon sa Casino Clemente upang subukan ang swerte ko. Sa simula pa lang ng pagbalasa ng bahara ay alam kong nakatakda akong manalo sa gabing ito kung kaya't walang kakaba-kaba akong sumugal ng pataas ng pataas hanggang sa umabot na ito sa sampung milyon ngunit natalo ako at naubos ko ang sampung milyon ng isang gabi lang. SUAREZ RESIDENCE "Walang hiya ka! Kailan ka pa natutong magsugal?! Huh?! Puta ka! Hindi ba't sinabi ko sayo pag-aralan mo ang operations sa kumpanya?! Anong ginagawa mo?! Puro pasarap! Puro sugal, alak, babae! Tang ina!" saad ng daddy kong si Wade na galit na galit at sinuntok ako ng malakas sa tiyan. Namilipit ako sa sakit at napahiga sa sahig hawak-hawak ang tiyan ko, pakiramdam ko ay maisusuka ko ang lahat ng kinain ko kanina. Damn it, ang lakas sumuntok ni Daddy. "Wade, ano ba! Tama na!" sigaw naman ng mommy kong si Rosenda na pumagitna na sa aming dalawa at saka inawat si Daddy. "Pagsabihan mo 'yang anak mo, nilustay na naman ang pera ko sa sugalan! Akala ata niyan pinupulot ko ang pera! Tang ina!" sigaw ni Daddy Wade na akmang aambaan pa ako pero hindi na tinuloy. "Wade naman! Spade is just enjoying himself," patuloy na pagtatanggol sa akin ni Mommy. "Enjoying?! Wala bang ibang nakaka-enjoy gawin?! Kailangan magsusugal talaga?! You know how much I value money, right?! It's my hard earned money! Tapos 'yang gagong yan dadalhin lang sa pasugalan?! I lost ten million because of your ungrateful son!" galit na galit na saad ni Daddy na sinasamaan ako ng tingin. "Well, maybe he was so stress about the company's operation, baka nag u-unwind lang ang anak mo," pagtatanggol pa sa akin ni Mommy. "Rosenda, Cupcake, nag u-unwind tayo once in a while pero hindi tayo gumagastos ng ten million ng isang bagsak! tapos 'yang damuhong 'yan isang gabi, sampung milyon?!" parang puputok na ang mga ugat ni Daddy sa galit sa akin while pointing his finger at me. "Chill Dad, because I will make you win twenty tonight," saad ko at saka kinuha ang coat ko at nagdire-diretsong naglakad palabas ng bahay. "Aba't sasagot ka pa?! Talagang hinahamon mo pa 'ko?! Huh?! Bumalik ka ditong hayop ka! Wala kang utang na loob! Suwail!" sigaw ni Daddy na nanggagalaiti habang sinusundan ako ng masamang tingin palabas ng bahay. "Wade please naman, tama na kasi! baka tumaas na naman ang blood pressure mo niyan eh," narinig ko pang saad ni mommy kay daddy. Napabuntong hininga na lang ako habang pasakay sa kotse ko. Bwisit. Nakakabadtrip! Habang nagmamaneho ako ay hindi ko alam kung saan ako pupunta Hanggang sa tumawag sa akin si Kainer na kaibigan at kababata ko. “Pre, saan ka?” “Driving lang, bakit? Badtrip sa akin si erpat eh nag-away kami.” “Nag-away din kami ng erpat ko eh.” “Ano?! Ikaw din pinagalitan? Bakit?” “Sus, wala ng bago palagi namang galit ang matandang iyon sa akin. Pumayag na nga ako na pumalit sa kanya bilang Don ng Clemente crime family tapos gusto pa magpapakasal ako. Ayoko pang matali. Yang mga babae na yan they are just good in my bed.” “Gago ka talaga!” “Eh Ikaw bakit ka pinagalitan? Inano mo na naman si Teacher Wade?” rinig na rinig ko pa ang pagtawa niya habang nasa kabilang linya. “Ano eh, natalo ako sa sugal.” “Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko eh. Magkano ba talo mo?” “Sampung milyon.” “Ano?! Puta ka! Edi inis na inis sayo si gurang?” Hindi pa rin siya matigil sa kakatawa. “Nasuntok nga ako sa tiyan eh. Oo na! Alam ko naman iyon eh, nagpadalos-dalos ako.” “Pumunta ka na nga lang dito grabe yung tawa ko sayo.” “Saan ba?” “Dito sa Mariposa Strip Club. Dami chickababes dito, may mga bagong salta rin, balita ko virgin pa.” “Manyakol ka talagang hayop ka.” “Basta pumunta ka dito, mag-inom tayo.” “Sige, on the way na.” Nang makarating ako doon ay kaagad kong natanaw sa VIP room si Kainer. Salamin kasi iyon at kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano babuyin ng mga babaeng binili niya nang gabing iyon ang sarili nila sa harap ni Kainer. Kaagad akong nakapasok mula sa mga security guard, marahil ay nagpa-abiso si Kainer na darating ako. “Oy, pare nandito ka na!” bati sa akin ni Kainer at saka Ako inapir-an. Maya-maya ay nagsalita naman ang isa sa mga stripper na naroon. “Sir, hindi mo naman sinabi na may gwapo ka pa palang kaibigan.” “Iwan niyo muna kami. Mamaya na lang ulit.” Sa utos ni Kainer ay nagsi-alisan ang mga babae na kanina pa ay nagsasayaw ng malaswa sa harap ni Kainer. “Ano? Kamusta?” tanong niya sa akin. “Ikaw ang kamusta, tangina ang dami mo ngang pera at laki sa layaw ka pero ikukulong ka naman ng magulang mo sa responsibilidad.” “Pa-ulit ulit lang akong tatakas. Tss.” “Good luck with that.” aniya ko sabay kuha ng baso. Nagsalin ako ng brandy na iniinom niya at nilagok iyon ng straight. “Pero problema ko nga talaga ang arrange marriage na iyon. Kailangan Kong makipagkita bukas.” “Oh eh, bakit naglalasing ka pa din ngayon? May lakad ka pala bukas.” “Bro, Kilala mo naman ako diba? Hindi naman ako basta-basta nalalasing, wala lang ‘to.” “Sino ba yung babae? Kilala mo ba?” “Hindi pa nga eh, kahit pangalan hindi naman nagbigay ang walang hiya kong ama.” “Kilalanin mo muna baka mamaya sobrang ganda at sexy pala, aba, baka magsisi ka.” “Eh ano pa nga ba, wala naman akong choice.” Maya-may ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko at pagtingin ko ay tumatawag ang tatay ko kung kaya't sinagot ko naman agad. “Ano?! Hindi ka pa tapos sermunan ako?!” “Aba talagang sinusubukan mo pasensya kong damuho ka?! Nandito si Queen sa bahay! Umuwi ka na!” “Pakialam ko kung nandyan siya?!” “Amin na nga! Nag-aaway lang kayong mag-ama eh.” narinig kong saad ni mommy sa kabilang linya at inagaw ang cellphone ni daddy. “Spade, please, can you go home now? Queen needs us. She was crying right now. We’re not mad at you. Sige na naman, Hijo.” “Sige po Ma, pauwi na.” iyon lang at pinatay ko na ang tawag. “Pre, sibat muna ako.” “Oh bakit? Kakarating mo lang dito, ang labo mo naman.” “Itulog mo na yan. Kailangan ko umuwi sa amin may emergency lang.” “Ah ganon ba, sige, ikamusta mo na lang ako kay Sir Wade.” Nang makapagpaalam ako kay Kainer ay bumalik na kaagad ako sa kotse ko. I haven't seen Queen in years. Bakit siya bumisita all of a sudden? What does she want now?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
16.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

His Obsession

read
97.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook