⚠️ Warning: Mature Content ⚠️
Read at your own risk. If you are a minor (18 years old or below), please do not read this. This book is rated 18+, and it contains a lot of s****l content, as well as significant violence and hate that might trigger discomfort in some readers.
Paano kung isang gabing pagkakamali ang makasiping niya ang kaibigan ng kanyang ama na kagagaling lang ng Italy ay hindi na siya binitawan pa? Sa isip at puso niya, isa lang itong larong hindi niya akalain na mauuwi sa komplikasyon. Isang araw, nakilala niya si Ryder Delavega, isang lalaking may malamig na puso at ubod ng kasupladuhan. Paano kung ang kanyang maselang puso't isipan na hindi naniniwala sa tinatawag na pag-ibig ay mararamdaman niya sa lalaking hindi niya lubos na nakikilala? Isang gabi sa isang party, uminom siya ng sobra at nauwi sa isang panandaliang pagtatagpo kay Ryder Delavega. Pero paano kung matuklasan niya sa kalaunan na ang lalaking napagdesisyunan niyang paglaruan ay talagang mag-ama pala? Saan hahantong ang lahat ng ito?
Ryder Delavega is a cold-hearted man na may pagnanasa na makamit ang hustisya para sa kanyang yumaong ina. Sa kanyang isipan at damdamin, ang pakikipagkumpitensya sa kanyang ama ay walang iba kundi isang larong kumukulo sa loob niya. Nalaman niya na si Leling Mondragon, ang kasintahan ng kanyang ama, ay nakakuha ng kanyang interes, na nag-udyok sa kanya na gawin ang lahat ng hakbang upang mapagtagumpayan siya. Ngunit paano kung ang dalawang puso ay makahanap ng isang paraan upang kumonekta? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pag-ibig, na lubos na nababatid ang maraming buhay na maaaring maapektuhan ng kanilang pinili?