Siera's POV [KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGG~] [BOOOOOOOGSSH~] Napadilat ako ng mata ng marinig na bumagsak si Gin sa kama. Kaagad itong bumangon at halatang iritado ang mukha. "Tsk! Inaantok pa ako!" Iritang turan nito. Tumayo narin ako sa kama at umiiling na pumasok sa banyo. After 20 minutes ay natapos na akong maligo at nakapagbihis narin. Bumaba na ako sa hagdan at nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin ni Gin. Tutal ay naliligo pa naman ito. Habang nagluluto ay hindi ko parin maiwasang hindi magisip. Napagdesisyunan ko ng makipaglaro sa kanila. Paniguradong gagawa na sila ng pinkaunang hakbang. Ilan sa kanila ay nalaman na ang katauhan namin kaya siguradong dadanak na naman ang dugo. Katatapos ko lang magluto ng saktong pumasok si Gin sa loob ng kusina a