Siera's POV
*Underground*
"*cough*u-ugh-*cough*" hinampas ko yung ulo nito sa pader habang umuubo siya ng dugo. Suot ko ang maskara na kulay itim na puno na ng dugo na tumatalsik sa mga taong pinag-gilitan ko ng leeg.
Nilingon ko yung isang natira na nagpupumulit gumapang para malatakas. Nakapaskil sa mukha niya ang takot at kabang nararamdaman.
"S-spare m-my l-life... p-please! i-im b-begging y-you..." pagamamakaawa nito. Papalit na ako sa kanya habang nakasayad ang hawak kong katana na gumagawa ng ingay. Nanginginig itong gumapang palayo.
"Stop running..." sabi ko gamit ang himig na may pagbabanta. Nang malapit na siyang makapunta sa gate ay binilisan ko ang pag lalakad at huminto sa harapan siya. Takot na tinitigan niya ako.
"AHHHHHHHH!!" Daing niya ng saksakin ko yung hita niya. Bumaon yung talim ng katana ko at nag umpisang tumagas yung dugo mula roon. Mababakas sa mukha nito ang sakit at paghihirap na nararamdaman. Wala akong pakialam kung ano pa ang itsura niya ngayon. Ang tanging nasa isip ko lang ngaun ay tapusin ang buhay niya.
"P-ple-ase..." hirap na hirap nyang pagmamakaawa. Bigla itong humawak sa binti ko habang nakaluhod. Bigla akong napangisi.
"If you say so..." pagkasabi ko nun ay nakita kong nagliwanag ang mukha niya. Ang akala niya siguro ay makakaligtas siya? Tinaas ko yung hawak kong katana. Nakita kong nanlaki ang mata niya. Huli narin ang lahat para makapalag siya. Itinarak ko yung katana ko sa leeg niya at tumalsik sa buong paligid ang dugo nito. Nang bitawan ko yung hawak kong katana ay bumulagta ang katawan niya sa lapag.
Tinanggal ko yung suot kong maskara na may tunutulo pang dugo. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Nasisiyahan ako habang pinagmamasdan ang sinapit nilang lahat.
"Akako" napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko. Ngumisi lang ako. Seryoso niya lang akong tinitigan.
"This is too much sis." Sabi niya sakin. Lumapit lang ako sa kanya at humito sa harapan niya.
"Gin." Pagkasabi ko nun ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Napapikit ako saglit. Naramdaman ko nalang na kumalma ako. Muli kong idinilat ang mata ng maramdamang bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.
"Welcome back." nakangiti niyang turan. Tinap ko lang siya sa balikat.
"Thanks. You save me." Sabi ko naman at muling nilingon yung mga patay na nagkalat.
" Dono yōna konran. Anata no shin no akuma." (What a mess. Your truly a devil.) naiiling na turan ni Gin ng makita ang nasa paligid namin. Nag kibit balikat lang ako.
" Ima anata ga shitte iru." (now you know) sabi ko naman at tsaka hinila siya paalis.
"Where are you planning to go?" Nagtatakang tanong ni Gin sakin ng makasakay kami sa kotse niya. Napaisip ako saglit.
"Sa unit mo?" Suhestyon ko. Napakunot naman yung noo niya.
"Bakit ayaw mong umuwi sa bahay?" Tanong niya pa. Seryosong tingin ang ipinukol ko sa kanya.
"Sa tingin mo makakauwi ako?" Sarkastikong bwelta ko. Napasimangot lang siya.
"Bahala ka nga." Pagkasabi niya nun ay nag-umpisa na siyang magmaneho.
•••
Siara's POV
Pagkapark ko palang sa garahe ay mabilis agad na bumaba si Akako at pumasok agad sa loob ng unit ko.
"Hoy!! Tumutulo yung dugo sa sahig!" Sigaw ko dito ng maglakad ng walang suot na tsinelas. Paano ba naman ay puno ng dugo yung buo niyang katawan. Naiiling nalang akong sinundan siya.
Humiga muna ako sa kama habang hinihintay siya. Pumasok kasi siya sa banyo. Ilang minuto lang ay lumabas siya sa sa banyo at natigilan ako ng makitang may dugong tumutulo sa braso nito. Mabilis akong tumayo at nilapitan siya.
"Gamutin ko yang sugat mo." Sabi ko sakanya. Nag nod lang ito. Kinuha ko yung medic box sa drawer ko at kumuha ng bandage, alcohol at bulak. Nang limgunin ko siya ay patay malisya lang itong nangangalikut ng cellphone niya. naiiling nalang akong umupo sa harapan niya. Kinuha ko yung braso niyang may sugat. Medyo malaki rin iyon. Hindi niya siguro napansin na napuruhan siya nung nakikipaglaban siya. Kinuha ko yung bulak at binuhusan ng alcohol yung sugat niya.
"Aray! Ano ba?!" Pagalit na sabi niya habang iniihipan yung braso niya. Muntik na akong mapatawa.
"Tsk! Alcohol lang yan." Nang-aasar na turan ko. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Hindi ko nalang iyon pinansin at kinuha yung betadine at nilagyan ng kaunti sa bulak tsaka ko pinahid sa sugat niya. May kaunti paring dugo na dumadaloy pero di na gaano. Binalutan ko nalang iyon ng bandage. Nang matapos ay nilingon niya ako. Nakakunot lang yung noo ko.
"What?" Tanong ko nang hindi parin siya nagiiwas ng tingin.
"Nagugutom ako." Sabi niya.
"So?" Tanong ko naman. Hindi ko kasi siya maintindihan.
"Bumili ka ng makakain" nakangiti niyang turan. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Bakit ako bibili? Pwede ka namang magluto ah!" pagdadahilan na sabi ko. Kung hindi ako nagkakamali tinatamad lang itong magluto. Hindi niya ako sinagot at bigla itong humiga sa kama ko. Napabuntong hininga nalang ako.
"Fine!" Napipilitan kong turan tsaka tumayo. Bigla pa itong umupo ng tuwid ng marinig niyang sinabi ko iyon.
tss -______-
"Nice! Beef stew will do!" Masiglang turan nito. hindi nalang ako nagsalita at dumiretso ng garahe. Ginamit ko nalang yung motor ko. tutal hindi naman kailangan ng kotse. Bibili lang naman ako.
Habang nagmamaneho sa napukaw ng ang atensiyon ko sa isang matandang nakatayo sa gilid ng kalsada habang may bata itong hawak sa kaliwang kamay. Dahil sa kuryusidad ay binuwelta ko yung motor ko at huminto hindi kalayuan sa kanila. Nagulat pa nga ito ng makitang huminto ako sa harapan nila.
"May problema po ba kayo?" Magalang na tanong ko sa matandang babae. Ngumiti ng kaunti at mukhang nahihiya pang magsalita.
"Ay naku hija? Naabala kapa namin. Wala naman kaming problema." Nakangiting turan ni lola. Napalingon ako sa batang hawal nito. Napansin kong kinukulit nito ang matanda. Tsaka ko lang namalayan na wala itong perang pambili ng pagkain sa apo niya.
"Lola, kung ayos lang po sa inyo? Pwede po kayong sumabay sakin para kumain." Nakangiting suhestiyon ko sa matandang babae na ngayon ay hindi alam kung ano ang sasabihin dahil sa hiya.
"Naku! Nakakahiya naman sa iyo." Sabi pa nito at umiiling. Bumaba ako sa motor ko at pinarada saglit sa gilid ng kanto ma malapit sa eskinita tsaka muling binalikan sila lola.
"Tara po! Wag kayong mag-alala at ako naman ang magbabayad. Isa pa, alam ko namang hindi niyo kayang tiisin ang apo niyo." Sabi ko dito at nilingon ang apo nitong ngayo'y nakangiti. Ilang saglit lang ay napilit ko si lola na kumain kasama ako.
Sa hindi kalayuan ay dinala ko sila isang kainan na hindi naman ganun kamahalan dahil iyon ang gusto nila. Hindi naman ako umiling dahil baka umayaw pa sila.
Pagkapasok namin sa loo ay agad din kaming umorder ng makakain. Nang maalala ko yung sinabi ni Akako kanina ay lihim akong napangisi ng may pumasok na ideya sa isip ko.
Imbis na orderin ang gusto niya ay umorder ako ng pagkain na inorder namin. Tingnan ko lang kung hindi iyon mainis sakin mamaya.
Nang dumating ang inorder namin ay agad na kumain sila lola kasama ang apo nito. Masaya lang akong pinagmamasdan ang dalawa. Sa ganitong paraan ay nagawa kong mapasaya ang tulad nila.
Nang mapansin nitong hindi ako kumakain ay agad itong huminto at nilingon ako.
"Bakita hindi ka kumakain hija? Nakakahiya naman at kami lang ang kumakain dito." Sabi nito gamit ang nahihiyang tono. Umiling-iling lang ako habang nakangiti.
"Ayy! Sa inyo po talaga lahat ng pagkain nato. Kumain na po ako kanina kaya busog pa ho ako." Sabi ko naman. Nilingon ko saglit lang apo nito na masayang kumakain.
"Ano ho bang pangalan niyo?" Tanong ko kay lola ng matapos itong kumain.
"Ako nga pala si Margaret at ito namang apo ko ay si Angela." Pakilala nito sa sarili maging sa apo. Napatango ako.
"Ako naman ho si Siara. Mabuti po at walang nangyaring masama sa inyo. Gabi narin at marami na ang nagkalat diyan na masasamang loob." Sabi ko dito. Sa sinabi kong iyon ay feeling ko tinutukoy ko na ang sarili ko. Not knowing na masama rin akong tao...
"Kagagaling lang kasi namin ng ospital. Dinala kasi doon ang anak ko dahil nabundol ng sasakyan." Pagkasabi niya nun ay napansin ko agad ang pagkalungkot sa mukha niya. Natahimik nalang ako.
"Saan ho ba kayo mauwi?" Tanong ko pa dito.
"Malabo kaming makauwi ngayon dahil wala na kaming pamasahe. Ang problema namin ngayon ay kung saan ako makakahanap ng pang-gastos sa anak ko." naiiyak na turan nito. Ilang saglit akong natahimik habang nag iisip.
"Hintayin niyo ho ako dito." Sabi ko sa matanda. Kahit na naguluhan ito ay tumango lang ito. Bakas sa mukha niya ay pagod at lungkot. Tao lang ako at madaling madala sa emosyon. pagdating sa mga bagay na ito ay malambot ang puso ko.
kinuha ko yung cellphone ko tsaka dinial ang numero. Nanatili lang ako sa pwesto ko. Maya-maya lang ay sinagot agad niya yung tawag.
"Can you lend me some of your money?" Bungad na tanong ko agad dito.
[Why?] Nagtatakang tanong nito.
Haist... kailangan pa kasing itanong amf...
"I need it right now for emergency!" Sabi ko dito. Saglit itong natahimik.
"Are you done?" Muli kong tanong dito.
[Yeah. I've already send it.] Pagkasabi nito ay agad kong pinatay yung tawag. Kinuha ko yung wallet ko at kinuha duon yung check. Pinirmahan ko iyon at inabot kay lola Margaret. Nang lingunin ko ito ay natigilan ito sa nakita. Napakingiti ako ng makitang may luhang pumatak sa mata nito.
"Kunin ho ninyo ito para may pangpagamot yung anak nyo. Isama niyo narin po dito ang pagumpisa niyo para naman makatulong sa inyo. Kailangan ko na ho kasing umalis. Mag iingat ho kayo ah?" Turan ko kay lola Margaret na ngayon ay nakangiti at nangingilid ang luha sa kagalakan. Napangiti nalang din ako.
"Maraming salamat sa tulong mo hija! Napakalaking tulobg na ito para samin. Maramimg salamat talaga." Sobrang sayang turan nito. Ngumiti nalang ulit ako.
"Wala ho iyon. Mauuna na ho ako at may naghihintay sakin." paalam ko dito. Bago ako umalis ay niyakap pa ako ng matanda.
Nang makaalis ako ay dala ko ang inorder kong pagkai para kay Akako. Tiyak ay gutom na iyon. Ngunit ng marating ko ang pinagpaparadahan ng motor ko ay natigilan ako ng may nakatalikod na lalaki ang nakaupo doon. Akala mo ay pagmamay-ari niya ang motor kung makaupo. Muntik ko nang masipa yung lalaki kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko ng makalapit sa motor ko.
"What do you think your doing with my property?!"