Siara's POV Nakatulala lang ako sa kinauupuan ko habang pinaglalaruan ng tinidor yung spaghetti sa plato ko. Ako lang ang mag-isang pumasok dahil hanggang ngayon hindi pa nagkakamalay si Akako. Sa tuwing maaalala ko yung nangyari kay Akako ay gusto kong magwala. "Bakit hindi mo kasama yung kambal mo?" Napalingon ako sa nagsalita. Walang paalam itong umupo sa harap ko. Wala ako sa mood makipagbiruan. "Leave me alone..." malamig na saad ko. Halata sa mukha nito ang pagkagulat. Nabura ang pagkakangiti nito at napalitan ng seryosong mukha. "Ano bang problema mo?" Seryosong tanong nito. Ngunit hindi ako nagsalita. Tumayo na lang ako at nagumpisang maglakad. Mabuti na lamang at hindi ako simundan nito. Dahil kung sinundan niya ako at kinulit ay baka sa kaniya ko mabunton ang galit na narara