"New student?" tanong sa akin ng isang lalaking estudyante nang lapitan niya ako habang nakatingin sa hawak kong sched. "Uhm... oo eh, hinahanap ko kung saan ako nakatalaga," sagot ko na medyo nahihiya pa. "By the way, I'm Lester," pakilala niya sabay abot ng kamay sa akin na agad ko naman tinanggap. Nagkamayan kami at napansin kong titig na titig siya sa mukha ko at may nababasa ako na pagkamangha sa mga mata niya ngunit nanatiling casual ang eskpresyon. "Ako naman si Tyla," pakilala ko rin ng aking sarili at binawi ko na rin agad ang kamay ko na mukang wala ata siyang balak bitawan. Tumikhim ako dahil sa naramdamang pagkailang sa binata, mukang matanda siya sa akin ng dalawa o tatlong taon. Masasabi kong maganda itong lalaki at soft ang kanyang features. Mukang mabait. "Can I see y