Magkasunod kaming pumasok ng aming silid nang makauwi na kami ng bahay. Tumungo siya sa harap ng tokador habang nakayuko niyang tinatanggal ang kanyang suot na relo at ako naman ay naupo sa ibabaw ng kama. Ramdam kong galit ito dahil kanina pa niya ako hindi kinakausap simula pa makalabas kami ng resto at hanggang sa ganap na niyang nai-enroll ako sa University. "What's going on between you and my brother?" biglang tanong niya habang nanatiling nakatalikod mula sa akin at tinitiklop ang kanyang longsleeve. Kahit hindi siya nakaharap ay kita ko naman sa may repleksyon ng salamin ang walang emosyon niyang mukha. He is so calm... "W-Wala namang namamagitan sa amin ng kapatid mo Henrix, at kahit magkaibigan ay hindi rin. Palagi lang siya napunta noon sa club kaya kami nagkakilala," paliwan