Marahan na nag-alis ng bara sa kanyang lalamunan si Bettina. Hindi niya sukat akalain na sa paglipas ng napakaraming taon ay ganito pa rin ang magiging epekto sa kanya ni Luis. Disi-otso anyos pa lamang siya ay iba na ang nadarama niya para dito. Kahit pa labis na siya nitong nasaktan noon ay hindi man lang iyon nagbago. Yes, she just realized it now. Ngayon habang nakatitig siya sa mga mata nito ay napagtanto ni Bettina na kahit pa nabigo na ang puso niya dahil sa binata ay sadyang espesyal pa rin ang nadarama niya para dito... na mahal niya pa rin ito. At hindi man lang nawala iyon kahit pa pumasok siya sa isang relasyon. Hinayaan niya ang kanyang sarili na maging nobya ng iba samantalang hayun at ang lalaking nasa kanyang harapan pa rin ang kanyang iniibig. Mabilis na siyang nag-iwas