CHAPTER 39

2638 Words

"What?" kunot ang noong tanong sa kanya ni Bettina. Nagkataon na nang banggitin niya ang mga sinabi niya kanina ay siya namang paglakas pa ng patugtog ng DJ sa ibaba. Sinabayan pa iyon ng mas malakas na hiyawan ng mga taong nagkakasiyahan. Naging dahilan iyon upang hindi naging malinaw sa pandinig ni Bettina ang mga sinabi niya. Tama ito. Ito na nga ang ikalawang pagkakataon na may nag-akalang kasintahan niya ang dalaga. Una ay noong sadyain siya nito sa kompanyang pinapasukan niya. Inakala din ng dalawa niyang kasamahan sa trabaho na nobya niya si Bettina. He did not correct them. For him, he was okay being tagged as her boyfriend. Katulad na lamang kanina. Sina Vincent at Ysabella ay alam na walang namamagitan sa kanilang dalawa ng dalaga. Nabanggit na niya ang lahat kay Ysabella at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD