Hindi pa man naisasara ni Bettina ang pinto ng kanyang kotse ay nakita na niya ang binatang kakababa lang din mula sa sasakyan nito. Halos kasabay niya lamang na pumarada sa harap ng Villamor Italian Cuisine si Luis. Katulad niya ay kararating lang din nito sa naturang lugar. Pasado alas-otso nga ng umaga at matapos ng ilang araw ay ngayon lang nakabalik sa pagpasok sa eskwela si Jaime. Inihatid niya pa ito at nang maibilin sa mga guro ay dumiretso na siya sa kanilang restaurant upang magtrabaho naman. Nang makalabas siya mula sa kanyang sasakyan ay napansin na niya ang kotse ni Luis. Ngayon niya lang ulit ito nakita mula nang gabing lumabas sila kasama sina Vincent at Ysabella. Hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang usapan nang gabing iyon. And after that night, it was only no