Hindi sana nais ni Bettina na sumabay sa binata sa pag-uwi. Kahit pa sabihin na iisa lamang ang patutunguhan nila ay hindi siya komportable sa ideya na makakasama niya ito. But in the end, Bettina found herself agreeing to his offer. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakasakay sa owner-type jeep ng binata. Kanina pa ito tahimik lamang na nagmamaneho. Si Bettina ay hindi mapigilan na tapunan ng tingin ang lalaking kasama niya. Naroon pa rin sa kanyang sarili ang pagkailang na hindi niya maunawaan kung bakit niya nararamdaman sa tuwing nakikita niya ito. "Kanina mo pa ako tinitingnan. May mali ba sa hitsura?" Bigla ay nakadama siya ng pagkapahiya nang marinig niya ang mga sinabi nito. He was talking but his eyes remained on the road. Kung hindi lang sa ideya na sila lamang da