FERDIE'S POV "Saan ka galing?" Nahinto si Elizabeth sa pag lalakad sa britonong boses ni Ferdie. "Sa spa, kasama ang mga kaibigan ko." "Hindi ka ba talaga titigil Elizabeth?" May galit sa tono ng pananalita ni Ferdie na tinignan ang asawa. "Hindi kita maintindihan Ferdie." Humarap sakaniya si Elizabeth, at wala lamang sakaniya ang mga nangyari. "Hindi ko nagustuhan ang pag sugod mo sa Shop ni Rhea." Kahit man naka-tuon si Ferdie sa pamamalakad sa kaniyang kompaniya, bukas din ang taenga niya sa mga balitang nasasagap niya. Napag alaman niyang sumugod ang asawa niya sa mismong Flower shop ni Rhea, at hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. "So tell me, pinasundan mo ba ako?" Bahid ng inis ang tinig nito. Alam na alam ni Ferdie ang ugali ng asawa, at hindi niya inaasahan na aabot sa g
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books