Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang hapdi ng aking katawan. Ilang beses ba naman namin ’yon ginawa. Matapos naming gawin ang unang round, withdrawal ang ginawa niya. Iyong mga sumunod na round na ay gumamit na siya ng condom. Hindi ko nga alam kung ilang box ang nagamit namin. Kaya paanong hindi sasakit ang katawan ko kung ganito ang nangyari? Umasim ang aking mukha nang maramdaman kong nakayakap pa rin siya sa akin. Ang rason niya kagabi, delikado raw kung uuwi pa ako at magta-taxi lamang tapos hindi ko naman alam na mas delikado rito sa condo niya. Napaismid na lamang ako dahil sa inis at dahan-dahang iniangat ang kaniyang bisig na nasa aking bewang. May kabigatan din ang kaniyang bisig. Ang kinagandahan din ay hindi siya madaling magising. Kung baga ay malalim talaga ang kani