ANG SIMULA
CHAPTER ONE
"AKYAT lang ako," paalam ni Luis sa kay Kristal pagdating nila matapos ang linggohang pagsimba nilang dalawa. Tumango-tango si Kristal bilang tugon dito. Matapos nitong isarado ang malaki at matangkad nilang pintuang gawa sa Narra tumalima na ang asawa niya. Sinundan ito ng tingin ni Kristal--- tatlong buwan na ang nakalipas mula ng ikasal sila ni Luis. For her? Everything was perfect.
Nasa maayos naman ang lahat lahat mula sa bahay kung saan sila nakatira ngayon. Malaki at maganda ang bahay nila, regalo ito ng mga magulang ni Kristal. Mula sa pagpasok bubungad sa'yo ang isang pinto na nagsisilbing powder room para sa mga bisitang magagawi sa bahay nila.
Naglakad si Kristal sa gitnang bahagi ng bahay kung saan naroon ang malawak na sala at ang katapat nito ang fully furnished na glass railings ng hagdan mula sa baba hanggang sa taas.
Maayos ang disenyo ng bahay nila na located sa Ayala Alabang sa tulong na rin ng kapatid ni Luis kaya mas lalong naging maganda ang kabuuan nito mula sa baba hanggang sa ikalawang palapag. At ang lahat na Narra na makikita mo sa mga pinto at wall ng bahay galing iyon mismo sa kompanya ng pamilya niyang pinamana sa kaniya at ngayon si Luis na ang tumatayong CEO ng Kristal Furnitures Group of companies. Okay lang naman ito kay Kristal, bukod doon malaki ang utang na loob niya sa asawa niya--- malakas kasi ito mag-close ng deal sa mga mayayamang tao sa kalakhang Manila at halos sa iba't ibang bansa na rin.
Magaling sa salestalk si Luis--- kaya nga siguro binigyang basbas ito ng mga magulang niya. Knowing her parents mahirap itong pakibagayan, hindi basta-basta nagtitiwala ang mommy at daddy niya. Sabagay walong taon na rin sila ni Luis bago sila nagpakasal na dalawa. Buo na rin ang tiwala ng Mommy Kristina niya at Daddy Vincent niya sa lalaking pinili niyang pakasalan.
Wala naman siyang hihilingin pa kay Luis at heto nga mag-asawa na silang dalawa, kulang na lang anak matatawag na silang isang buong pamilya at iyon ang pangarap ni Kristal ang maging ina sa anak niya kay Luis.
Inikot niya ang paningin niya at nahinto ito sa gawing bahagi kung saan siya nakaupo. Tanaw niya ang formal dining table nila at kaharap nito ang formal kitchen ng bahay nila--- halos ang bahaging iyon ay gawa sa kahoy na Narra mula sa mahaba at makintab na lamisa hanggang sa mga upuan. Ganoon din ang mini-bar nila at halos lahat ng built in cabinet gawa rin sa Narra na pinagmamalaki ng pamilya nila. Ito ang kinalakhang mundo ni Krsital bago umalis ang mga magulang niya nang nagpasyang sa Amerika na ang mga ito tumira naging maayos ang buhay nila.
Napakunot-nuo siya sa natanggap na text message mula kay Eury. Iniimbitahan siya nito sa isang birthday party sa isa sa mga kaibigan nitong naging kaibigan niya na rin halos. Hindi niya alam ang siyang itutugon dito. Wala siyang balak lumabas ngayon, gusto niyang maglagi lamang sa bahay nila buong maghapon since wala ring trabaho ang asawa niyang si Luis.
Pero hindi niya rin naman magawang tanggihan si Eury, matagal niya na itong kaibigan lalo pa n'ong nag-aral siya sa Quezon. Naisip niyang magpaalam kay Luis alam niyang papayagan naman siya nito, madalas pa nga itong magsabi sa kaniya na paminsan-minsan lumabas naman siya. Ayaw niya lang kasi, mula nang ikasal siya kay Luis wala na siyang ibang pinupuntahan pa; bahay-grocery-church-bahay nalang ang naging routine ni Kristal. Kahit sabihing mula noon taong bahay o condo lang siya, pero ibang usapan si Eury. Ito lang kasi ang nag-iisang kaibigang sinamahan niya mula pa noon. Ayaw niya naman itong biguin sa minsanang imbitasyon nito sa kaniya.
"Gusto mo ng meryenda, Kristal?" Napataas ng tingin si Kristal sa katiwala nilang si Manang Aida. Nasa gilid niya na pala ito hindi niya agad napansin sa kaiisip kung pupunta kay Eury.
"Please po, Manang. Medyo mainit din sa labas nakauuhaw," sagot niyang nakangiti rito. Agad itong tumalima para ikuha siya ng maiinom. Tsaka niya naisip na thankful siya dahil may isang Manang Aida na natira sa kaniya matapos umalis ng mga magulang niya.
Matagal na itong katiwala ng pamilya nila. Ito ang taong bukod sa Mommy Kristina niya at Daddy Vincent niya ito ang nagmahal sa kaniya. Kaya nga hindi na ito halos nakapag-asawa. Hindi bale naisip ni Kristal--- maayos naman ang cash retirement ni Manang Aida mula sa mommy at daddy niya, maliban pa ang galing sa kaniya mismo.
Hindi niya rin naman ito pababayaan gaya ng pangako niya sa mga magulang. May utang na loob siya sa Manang Aida nila, dahil sa mga panahong wala siya sa tabi ng nanay niya nandoon ito para sa kaniya. Kaya hindi niya ito basta-basta pababayaan na lamang, bukod doon kay Manang Aida siya binilin ng daddy niya maliban kay Luis.""
"Ito na ang tubig mo," ani ni Manang Aida. Nilapag nito ang isang basong tubig sa harap niya.
"Thankyou, Manang. Pero teka hindi ba dapat nagpapahinga ka? Bakit ka pa nagtratrabaho, usapan natin 'diba sunday rest mo?" sabi niya rito.
"Hay naku, Kristal! Parang hindi mo ako kilalang bata ka. Humihina ang katawan ko pag nagpapahinga, gusto kong magtanim sa garden ng mommy mo sa harap," tugon nito sa kaniya.
Napangiti na lamang si Kristal--- parehong-pareho talaga ito ng mommy niya. Humihina ang katawan pag walang ginagawa.
"Oo nga pala, Anak. May bago na tayong kapitbahay." Lumiwanag ang mukha ni Kristal sa narinig mula rito. Sinundan niya ng tingin ang siyang tinitingnan nito sa labas kung saan halos nakikita nila ang lahat sa paligid dahil sa mga kristal na nagsisilbing dingding ng buong bahay nila.
Alam niya ang siyang tinutukoy ni manang ang katabing bahay lang nila na matagal ng walang nakatira. Maliban sa isang caretaker na si Manong Dado na nag-aalaga sa malaking bahay.
"Good po. Halos wala ring nakatira d'yan. Pamilya po ba?"
"Solo lang, Kristal. Babae--- at tingin ko dalaga pa," sagot nito sa kaniya. Napangiti siya ng maluwag sa narinig mula rito sa bagong magiging kapitbahay nila.
"Mabuti naman po. No worries, Manang. Pag may oras ako I will bake cookies for her. Para maging kaibigan natin siya," masayang sambit ni Kristal sa kaharap. Pero wala man lang siyang bakas ng emosyong nakikita sa mukha nito.
"Huwag kang basta-basta magtitiwala, Kristal. Kilalanin mo ang mga taong nasa paligid mo. Hindi mo kilala ang mga tao. Huwag kang magtitiwala kahit kanino." Napataas ng tingin si Kristal kay Manang Aida dahil sa makabuluhang tugon nito sa kaniya.