Mage Academy

871 Words
Charlie's POV "Anak gising na andito na yung sasakyan na maghahatid sayo sa bagong school mo" sabi ni mommy habang hinahalikan pisngi ko at bigla akong napabungisngis dahil sa ginawa niya . "Hi mommy wait lang po susunod na rin po ako bababa mag totoothbrush lang ako" sabi ko kay mommy . Pagkatapos kong sabihin kay mommy yun ay lumabas na siya ng kwarto ko nang matapos na ako ay sumunod na ako at nakita ko si mommy nakausap yung mag hahatid sakin sa bago kong school . "Bye mommy ingat ka po lagi ah at i love you pasabi na rin po kay daddy love ko siya" sabay halik sa magkabilang pisnge ni mommy . "Oo anak i love you too always careful anak ah para di ako mag alala sayo bye" sabay halik din sa noo at pisnge ko . "Yes mommy promise, bye" sabi ko pagkatapos ay sumakay na ako habang nasa biyahe kami ay bigla akong napaisip ano kaya ang mangyayari sa akin doon may magiging kaibigan kaya ako roon . Nang tumingin ako sa bintana ay nagtaka ako bakit puro puno na lang ang nakikita ko kaya nagtanong ako sa driver . "Kuya bakit puro puno na po yung mga nakikita ko po" tanong ko habang nakatingin parin sa bintana ng kotse . "Maam dito po daan papunta po sa mage academy eh"sagot niya. "Ay kuya wag mo na po akong tawaging maam nakakahiya tawagin mo na lang po akong Charlie"sabi ko kay kuya nakakahiya kasing tawagin akong maam dahil masyadong pormal. "Ah sige, Charlie tulog muna kayo mahaba pa naman ang biyahe natin eh"sabi ni kuya. "Ah sige po pagising na lang pag andun na po tayo salamat kuya ^_^"sabi ko kay kuya driver . Pagkatapos ay nakatulog na ako nagulat ako nung parang kakapikit ko ay may gumigising na agad sakin pag mulat ko ay nakita ko si luya driver pala . "Ay sorry kuya haha . Andito na po ba tayo"sabi ko habang nag aayos nang buhok . "Oo Charlie labas na kayo"sabi ni kuya driver . Nang makalabas ako ay mapanganga ako sa nakita ko dahil parang palasyo sa laki at ganda . Nang bigla akong kalabitin ni kuya driver ay bumalik ako sa ulirat at humingi ng paumanhin . "Charlie haha hatid na kita gate"sabi ni kuya habang natatawa pa . "Sige kuya salamat ano po pala name mo " tanong ko kay kuya . "Ako nga pala si Zeref , Charlie ^_^"sagot ni kuya . Wow ang ganda ng name niya ah haha . "Sige po salamat ulit kuya Zeref. Paalam po ^_^"sabi ko sa kanya . Nang mahatid niya ako kay may biglang sumalubong sa akin sa tantiya ko ay mga nasa 30 years old palang . "Hello , ikaw ba si Charlie Serfentes?"sabi niya agad akong sumagot sa kanya . "Hello po , Opo ako nga po si Charlie"sagot ko sa kanya "Ah , ako nga pala ang headmaster ng school na ito ako pala si Jennifer Santillan. Sumama ka pala sakin para maibigay ko na sa iyo ang uniform mo at schedule mo"sabi ni Maam Jenny. @Headmaster Office "You may sit Charlie"sabi ni maam "Thank you po"sagot ko . Habang nakaupo ako ay inabot na niya sakin ang uniform at schedule ko nang akmang tatayo na ako ay nagsalita ang headmaster . "Sandali pinapunta ko na dito ang makakasama mo sa dorm mo"sabi ni maam habang nakatingin sakin na parang namumukhaan niya ako na di ko malaman ng biglang bumukas ang pinto ng office at may pumasok na isang diyosang babae . "Hello headmaster pinapatawag niyo raw po ako"sabay bow niya at napatingin siya sa akin . "Yes Jasmin siya nga pala si Charlie ang makakasama mo sa dorm niyo and you may go girls"sabi ni maam habang may ginagawa sa table . Nang makalabas na kami ay nagulat ako ng bigla siyang tumigil at nag tititili . "OooooMmmmmmGgggg ang ganda mo super siguro matatalo mo ang goddess ng mage academy sa sobrang ganda mo"sabay tingin sakin ng may pagkahanga at bigla naman ako nagblush . "Hmm thanks ako nga pala si Charlie Serfentes"sabay abot ko ng kamay para makipagshake hands . "Your welcome charlie ako nga pala si Jasmine Kurdi joke Jasmine Serfire"sabay abot din sa kamay ko . Nang makapunta na kami sa dorm namin mismo ay may nakita pa akong isang babae na mukhang nerd at ng mapansin niyang tinitignan namin siya ay nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisnge nagblush naman ako agad . "Hi pretty ako nga pala si Jessie Oceanne"sabi niya. Ang ganda niya rin katulad ni jasmine . "Hello Charlie here ^_^" sabi sabay shakehands sa kanya . Nang matapos ay tinuro nila kung saan ang magiging room ko . Nang makita ko halos mapanganga ako at nagpaalam na sa kanilang magpapahinga muna ako . Habang nakahiga ako ay napaisip kong bakit parang nakapunta na ako dito na kahit parang ngayon ko lang nakita nang di ko namalayan nakatulog na pala ako . ==================================== Hey guys ang bilis ko mag ud ngayon noh haha goodmood kasi at medyo masipag ako ngayon eh kaya tinutuloy ko na ang pag ud habang masipag pa ako Please vote and comment ^_^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD