Chapter 33

1599 Words

Pagdating sa pintuan ng aking silid ay kulang na lang humandusay ako sa sahig. At halos ay hingal-kabayo pa ako sa labi na kaba. Nanlalaki na ang aking mga mata, hindi makapaniwala. Kagaya ng aking inaasahan, ginawa na naman niya ang habit niyang nakagisnan sa tuwing mapapasailalim siya ng espirito ng alak. “Sinasabi ko na nga ba!” bulalas kong nahigit na ang mga mata at mabilis napaiwas sa katawan niyang nakabulagta sa aking kama. Ilang beses akong napabuga ng hangin, pilit na kinakalma ang sariling huwag na sumabog. Pakiramdam ko ay umaapoy na ang aking mga matang iritang-iritang nakatuon pa sa kanya. “Pambihirang buhay, oh!” gulo ko sa aking buhok na magulo pa rin, nagngingitngit na sa kanyang inaasta. “Dumayo ka pa talaga dito!” Padapang nakahiga ang kanyang katawan sa aking kama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD