CHAPTER 1

1428 Words
Disclaimer No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re-publish this story without asking the writer's permission. All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2024 All Rights Reserve 2024 Dahan-dahan na ibinaba ni Ashley sa lapag ang plastic bag na naglalaman ng kanyang pinamili sa palengke dahil kukunin niya ang susi ng apartment sa bulsa ng suot niyang maong na skinny jeans. Nakatayo siya sa harapan ng pintuan na nakasarado. Inipit na muna niya ang kanyang mahaba at malambot na kulay itim na buhok gamit ang pony tail na nasa wrist niya saka kinapa-kapa ang kanyang bulsa. Walang tao sa loob at walang maiiwan kanina kaya sinugurado niyang sarado ang pintuan. Nasa trabaho pa ang kanyang asawang si Rim na isang electrical engineer kaya walang magbubukas ng pintuan para sa kanya. Mababakas sa magandang mukha ni Ashley Bermudez-Rodriguez ang pagod sa kanyang pinamili. Gayunpaman, wala man itong suot na make up sa mukha at kolorete sa katawan ay lumalabas pa rin ang natural na ganda niya. Maganda ang kanyang mukha at sexy ang pangangatawan. Mestisahin din siya na agaw-tingin rin sa mga babae at lalo na sa ibang mga lalaki dahil pantay at makinis ang balat niya mula ulo hanggang talampakan. Babaeng-babae siya sa mukha at katawan pero ang totoo, isa siyang transwoman. Bente-dos anyos siya nang sumailalim siya sa operasyon sa bansang Thailand kung saan nagpatanggal siya doon ng kanyang ari na panlalaki at ginawa itong pambabae dahil iyon naman talaga ang gusto niya, ang maging isang ganap na babae sa puso man at sa katawan. May mga enhancements siyang pinagawa sa kanyang mukha at mga pills naman ang kanyang ininom at nagpa-inject din siya ng female hormones para mas maging babaeng-babae ang hubog ng kanyang mukha at katawan pati na rin para lumiit pa ang kanyang boses. Kahit ang lahat ng impormasyon at mga dokumento ni Ashley noong siya’y lalaki pa ay pinapalitan na rin niya. Naging mahirap rin sa kanya ang prosesong iyon lalo na dito sa bansang Pilipinas na kung saan matagal rin ang proseso ng pagpataw sa batas pero naisagawa naman. Ashton Bermudez ang pangalan niya noong siya’y lalaki pa. Maykaya ang pamilya ni Ashley. Seaman ang kanyang ama noong kabataaan hanggang sa bago ito mag-fifty years old. Sa kasamaang palad, dahil sa komplikasyon sa sakit ay nawala na ito sa mundong ibabaw. Ang ina naman niya ay dating guro na ngayon ay pinapamahaalan ang isang mini-grocery na matatagpuan sa harapan ng bahay ng pamilya niya. Ang kanyang ina na lamang ang pamilyang meron siya dahil wala naman siyang kapatid. Nag-iisang anak lang siya, bagay na ipinagpapasalamat din niya dahil natanggap siya at lubos na sinuportahan ng mga magulang niya kahit na iba ang gusto at pagkatao niya. Pinaalalahanan lamang siya ng mga ito na hindi naman niya kinalumutang isabuhay. Masasabi ni Ashley na masaya at kuntento siya sa buhay na meron siya. May ina siya na hanggang ngayon ay mahal na mahal at tanggap siya, isang anak na sariling dugo’t-laman niya. Bago kasi siya nagpalit anyo, hiniling sa kanya ng kanyang ina na magkaroon ng anak kaya bilang sa gusto rin niya, nag-hire sila ng isang surrogate mother na siyang nagdala sa kanyang anak sa loob ng siyam na buwan. Alam nilang ipinagbabawal ang surrogacy sa Pilipinas pero ginawa pa rin nila. Naging lihim iyon at tanging sila-sila lang ang nakakaalam. May contact pa rin naman sila sa ina ng kanyang anak pero madalang lang kung mag-usap sila dahil may sarili na rin namang pamilya ang babae. Lalaki ang kanyang anak na pinangalanan niyang Ash. Apat na taong gulang na ito ngayon at nasa puder ito ng kanyang ina dahil mag-isa na lamang ito sa bahay nila. Pinupuntahan na lamang niya ito palagi para kumustahin at bigyan ng mga kailangan nito. Dumagdag pa sa saya sa buhay ni Ashley ang pagkakaroon niya ng asawang gaya ni Rim. Si Rim, naging kasintahan niya for four years years dahil simula pa lang ng college ay naging sila na. High school pa lamang sila noon ay magkakilala at naging magkaibigan na ang dalawa, na-develop lang ang feelings noong sila ay fourth year high school hanggang sa mapagdesisyunan nilang maging sila na noong first year college. Ngayon ay kasal na sila ng almost five years. Ikinasal sila sa Thailand. Magkasing-edad lamang sila Ashley at Rim, parehas silang twenty-six years old. Ito ang laging kasa-kasama niya sa lahat ng pagkakataon kaya naman dito na rin umikot ang buong buhay niya. Bukod sa magulang niya at sa anak niya na si Ash, si Rim ang isa ring pinakamahalagang tao sa buong buhay niya. Tanggap siya nito at ang lahat sa kanya simula pa sa umpisa. Tinuring siya nitong isang tunay na babae, isang prinsesa at ng maging asawa siya nito ay isang reyna. Maswerte siyang napasakanya si Rim, ang kanyang gwapo at makisig na asawa. Gwapo si Rim. Matangkad sa tangkad na five-eleven habang siya ay five-four naman. Makisig ang katawan na hubog palagi sa mga kasuotan nito, lalo na kapag nakasuot ito ng plain na white sando o ‘di kaya ay t-shirt. Maganda at pantay ang moreno at makinis nitong balat. Kung siya, mukhang anghel, ito naman mukhang brusko. Maykaya rin ang pamilya ni Rim kaya naman noong maging sila, hindi naging isyu sa pamilya niya na peperahan lamang siya nito. Ngunit may isang kapintasan ang asawa ni Ashley, ‘yun ay ang pagiging babaero ni Rim dati. Ilang beses na ring nahuli ni Ashley si Rim sa aktong may babae. Sa una ay susumbatan niya ito ngunit kinalaunan ay papatawarin at kakalimutan na lamang ang ginawa nito. Para sa kanya, kapag mahal niya ang isang tao, kahit umabot pa sa one hundred chances, ibibigay niya dahil bukod sa mahal na mahal niya, hindi niya rin kayang mawala si Rim sa buhay niya kagaya ng hindi niya kaya kapag nawala si Ash sa kanyang buhay. Katangahan man ang tingin ng marami sa kanyang paniniwala ngunit wala siyang pakiealam dahil ang mahalaga sa kanya ay manatiling nasa kanya ang asawa na labis niyang minamahal. Sa ngayon ay hindi naman na nambababae si Rim na ipinagpapasalamat ni Ashley. Alam naman niya kasi sa kanyang sarili na hindi katulad ng kanya ‘yung mga nasa tunay na babae. Alam niyang meron na rin naman siya ng meron sa babae pero alam niyang magkaiba pa rin ang tingin ng lalaki sa parteng iyon ng katawan. Alam ng mga ito kung anong peke o hindi. Nakakalungkot mang isipin pero peke ang meron si Ashley pero sa tingin naman na niya ay okay na dahil mukhang kuntento naman na ang kanyang asawa sa kung ano mang meron siya. Para kay Ashley, hindi man nasa kanya magmula nang ipanganak siya ang nasa gitna ng kanyang mga hita ngayon, isa siyang totoo babae sa kanyang puso, isipan at kaluluwa. Masasabing isang mabuti at masipag na ina si Ashley. Ito ang lahat ng gumagawa sa lahat ng gawaing bahay. Isa siyang full-time housewife na gustong-gusto niya. Gusto niyang ma-focus ang buong oras at panahon niya sa pamilya. Tapos siya ng pag-aaral at mass communication ang tinapos niya noong siya’y kolehiyo pero hindi niya nagamit ang pinag-aralan niya dahil mas pinili niya na maging isang full-time housewife. Sa wakas ay nakuha na ni Ashley ang susi. Sinusian niya ang door lock saka niya iyon pinihit pabukas. Binuksan niya ang pintuan saka niya kinuha ang plastic bag na nilapag niya sa lupa at pumasok siya sa loob. Muli niyang isinara ang pintuan pagkatapos ay dumiretso siya ng punta sa kusina saka niya inilapag sa ibabaw ng lamesa ang isang plastic bag ng pinamili niya. Pagkalapag sa mesa ng plastic bag ay lumabas na muna siya ng kusina at tinungo ni Ashley ang living room ng medyo malaki at malinis saka mabango nilang bahay. Umupo siya sa mahaba at malambot na sofa at isinandal ng mabuti ang likod sa sandalan nito. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa pader. Tipid na ngumiti ang may kakapalan niyang labi na natural na mamula-mula. “Magpapahinga na muna ako,” mahinhin ang boses na bulong ni Ashley saka huminga nang malalim. Ipinikit ni Ashley ang kanyang mga nangungusap na mga mata. Hinayaan niya ang kanyang sarili na umidlip kahit sandali para hindi siya pagod kapag nagsimula na siyang gumawa sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD