Chapter 9 Bakit gano’n? Parang nakakasawa nang mabuhay at magmahal. Lalo pa't hindi manlang 'yon nasusuklian. Lumipas ang ilang linggo pero walang nagbabago. At sa bawat araw na kasama ko siya, nakakaranas ako ng hindi maganda. Sa bawat ginagawa niyang nakakasakit sa ‘kin, hinihiling ko nalang na maglaho. Kasalukuyan akong naghahanda ng lunch ni Shawn. Tinawagan niya 'ko na dalhan ko daw siya ng pagkain doon. Kahit pa sana ayokong magkita ako ng ibang tao dahil na rin sa itsura ko na halos puro pasa na, hindi naman pwede. Alangan namang tumanggi ako. Himala nga at lalabas ako. Puro dito lang kasi at super market ang routine ko. Halos isang buwan na rin akong hindi nakakapunta sa simbahan. Nagpunta na 'ko sa banyo para maligo pero napansin ko ang sanitary napkin na bini