Chapter 2
"Shawn please. Tigilan mo na 'ko." Madaling araw na naramdaman ko na naman ang mga kamay niya sa katawan ko. I'm still sleepy and sore. I want to rest my body and mind.
Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at ang pagtulak ko sa kanya ng marahan dahil mas nilakasan niya pagpasok sa 'kin. I just closed my eyes and cried. It's all I can do anyways.
Nang matapos na siya, kailangan ko pang bumangon at pagsilbihan siya dahil may trabaho pa siya. Kahit gusto ko pang magpahinga inutusan na niya ‘kong maghanda ng kakainin niya. Nahihirapan akong gumalaw dahil nahihilo ako pero pinipilit ko... kinakaya ko. Babalik din kami sa dati. Kailangan ko lang maghintay.
…
“Simula ngayon, babalik lang kayo dito sa bahay ko kapag sinabi ko. Don’t worry. I will not deduct any amount from your salaries.” Shawn said to the maids with authority. Tumingin naman siya sa akin na nasa gilid sandali bago nagsalita ulit. “One more thing, walang ibang makakaalam ng mga nakita, narinig at makikita niyo pa sa loob ng bahay na ‘to.”
Sumagot naman ng sabay sabay ang mga katulong kaya napayuko nalang ako. Maya maya pa ay umalis na si Shawn. At pagkarinig namin ng tunog ng sasakyan niya na paalis, lumapit agad sa akin ang tatlong katulong.
“Anak ayos ka pa ba? Gusto mo bang magpunta sa ospital?” Tanong sa akin ng pinakamatanda.
Tumulo na naman ang luha ko lalo na nang umiling ako. “Gusto ko man pong humingi ng tulong sa inyo o kahit kanino, ayoko kayong madamay.”
“Pasensya kana anak wala manlang kaming magawa nang marinig ka namin umiiyak kagabi.” Naluluhang sabi niya sa ‘kin.
Tumango naman ako yumakap sa braso niya. “Okay lang po. Kakayanin koi to.”
…
Agad akong tumakbo papunta sa pinto nang sunod sunod na may kumatok. "Sandali lang." Binuksan ko ang pinto at si mama ang nakita ko. I looked down. Ayoko siyang makita. Kahit nanay ko siya, sobra na ang mga ginawa niya sa akin. I hate her. But I can't loathe her.
"Kamusta na anak kong mayaman?" Itinulak niya 'ko para makapasok ng tuluyan.
Ano na naman ba’ng kailangan niya? Hindi pa ba siya masaya na talagang nasira na niya 'ko? Kulang pa ba?
"Buhay donya ka na ulit." Nakangisi niyang sabi at umupo sa couch. “Ang dami mo yatang pasa. Bagay sa’yo.”
"May kailangan po ba kayo?" I asked, almost whispering.
"Kailangan ko ng pera. Wala na akong pansugal at baon ng mga kapatid mo." Deretso niyang sabi at nagsindi ng sigarilyo.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago sumagot sa kanya. Oo galit ako sa kanya. Pero hindi ko kayang mambastos ng tao. Ilang beses na 'kong binabastos, sariling pamilya at asawa, bakit ko gagawin sa iba?
"Wala na po akong pera. Hindi ko po nakuha yung bayad ko kagabi."
Basta kasi may kita ako, lahat ibinibigay ko sa kanila. Kulang pa rin kasi ang mga pinapadala ni Shawn noon para sa mga luho at bisyo nila.
She rolled her eyes. "Eh di kumuha ka sa asawa mo! Para saan pa't nag-asawa ka ng mayaman?! Boba ka talaga kahit kailan. Mana ka sa ama mo."
Gustong kumawala ng mga luha ko kaya yumuko na lang ako. "Wala po siya m-"
"Ayokong marinig ang itatawag mo sa akin."
Agad na tumulo ang mga luha ko. Ayaw niyang tinatawag ko siyang 'mama' o kahit ano mang dapat tinatawag sa ina. Sobrang sakit bilang sariling anak niya.
"Ano na?!" Sigaw niya kaya naman agad akong tumingala sa kanya.
I wiped my tears. "Wala po akong maibibigay."
She smirked. "Sophia, gawin mo kasi sa asawa mo ang ginagawa mo sa mga lalake mo noon sa club kapag nasa kama kayo. Ano pa't p****k ka kung hindi mo kayang paligayahin ang asawa mo. Sobrang dami niyang pera eh! Boba ka talaga."
Padabog akong tumayo. Nagngingitngit ako sa galit pero pinigilan ko ang sarili kong saktan siya. Sobra na. Sumosobra na siya. Kung hindi dahil sa kanya mahal pa rin ako ni Shawn.
"Ikaw ang sumira sa 'min. Wala akong ibang lalake sa buhay, siya lang. Hindi ako katulad mo na maraming lalake kaya iba iba kami ng ama!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halata din sa kanya ang gulat. Magsasalita sana siya pero pareho kaming tumingin sa direksyon ng pintuan nang bumukas 'yon.
"Shawn..."
Lalapit sana ako pero natigilan ako nang marinig kong umiiyak si mama. Tumingin uli ako kay Shawn pero nakatayo lang siya at hindi nagsasalita.
"Shawn... hijo." Umiiyak na sabi ni mama at lumapit kay Shawn.
Alam kong nagpapanggap lang siya. Hindi naman siya umiiyak ng dahil lang sa akin. Kung wala nga si Shawn baka binubugbog na naman niya 'ko.
"What happened? I heard what you said to your mother, Sophia." He said while intently looking at me.
Agad akong kinabahan. Magsasalita sana ako pero nauna na si mama.
"Anak, wala ito."
Shawn held my mother's shoulder. "Tell me." He said.
"Hihiram lang sana ako ng pera sa inyo dahil kailangan para sa tuition ng mga kapatid niya. Pagkatapos iyon na ang mga sinabi niya." Nakayukong sabi ni mama saka umiyak ulit.
My tears fell. Alam kong ako na naman ang may kasalanan at mananagot.
Shawn glared at me. Pero agad siyang kumuha ng pera sa wallet niya at ibinigay kay mama. "I'm sorry. Pasensya na po. Pagsasabihan ko siya."
Agad akong nanlumo at tumalikod na papuntang kusina. Kahit magsabi ako ng saloobin ko, hindi siya makikinig. Narinig kong nagpasalamat si mama kay Shawn at umalis na. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko habang inaayos ang dining table. Pero bigla nalang akong napahiyaw nang may humablot sa buhok ko.
"How can you be that b***h to your own mother? Talaga bang iba kana? O nananadya ka?" He firmly asked.
I sobbed. "Ikaw at ang relasyon natin ang nagbago Shawn, hindi ako." Mahina kong sagot.
He sarcastically laughed. "Hindi magbabago ang relasyon natin kung hindi ka nagpakaputa." Pagkatapos niyang sabihin sa 'kin 'yon, basta nalang niya 'kong itinulak.
"Bakit ba ayaw mong makinig sa 'kin? Hindi ko kayang magsinungaling sa 'yo dahil mahal na mahal kita."
Humarap siya sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang mga braso ko. "Manahimik ka kung ayaw mong saktan kita. Hindi ikaw ang mahal ko... hindi ikaw ang pinakasalan ko."
I stared at him. Matatanggap ko lahat ng p*******t at insulto niya kung sana totoo, pero hindi eh. Alam kong wala akong ginagawang iba kung ‘di mahalin sila; siya at si mama.
Umiwas siya ng tingin at binitawan ako. "Umuwi ako para sunduin ka dahil mag-aayos ka pa. We'll be having a dinner with the whole family and relatives later, and it sucks because I have to bring you there." He coldly said. "Kaso nawalan na 'ko ng gana. Kahit nga naman damitan mo ng ginto ang maruming babae, marumi pa din. So what's the sense?"
Masyado akong nasaktan sa mga sinabi niya kaya yumuko na lang ako. "Hindi nalang ako pupunta kung 'yon ang gusto mo." Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko pero hindi ko kaya.
He sighed. "Kung pwede lang. Kaso hindi. Kung bakit ba naman kasi sobrang bait sa'yo ni dad. Wear something decent for tonight. Don't dare use your filthy dresses. I'll be fetching you at exactly six in the eve. I'm leaving." And he left.
Nanghihina akong napaupo sa upuan. I wanna cry loud! Parang ang labong bumalik pa kami sa dati. Bago pa 'ko tuluyang umiyak ulit, umakyat na 'ko sa kwarto namin at tinignan ang mga damit ko.
Ipinakuha ni Shawn ang mga damit ko sa bahay at kanina lang dumating. Hindi ko pa nakukuha ang iba kong damit pero mabuti nalang talaga may mga damit naman sa closet. Sa pagkakaalam ko, galing na naman ang mga 'to sa pinsan ni Shawn na model. Kung sa bagay, wala na sa inihatid na mga damit ko dito ang magaganda. Malamang kinuha na naman ng mga kapatid ko.
Kailangan kong maghanda. Kung si Shawn mismo hinuhusgahan ako, paano nalang ang mga kamag-anak niya. I sighed. Kailan ba matatapos ang mga drama sa buhay ko? Gusto ko na ulit sumaya.
…