Hindi man bingi si Dante ay hiniling niyang nabingi na lamang siya ng mga sandaling iyon. Masakit man isipin ay malinaw ang pagkakarinig niya sa sinabi ng babaeng kulang na lang ay ipagpatayo niya ng dambana upang ipadama lamang kung gaano niya ito sinisinta. “Excuse me? What did you say?” He had to be sure kahit na sa sunod na pagbanggit nito ay masasaktan na naman siyang muli. “Elvis is my husband.” Daig pa sa pakiramdam ng nilaslasan ng pulso ang pakiramdam ni Dante. Matapos ang biglaang sakit ay para siyang namanhid. He could not even bring himself to utter that revolting word. Bukod pa sa salitang humiwa sa puso niya ay ang pagluha ni Myrtel na lalong nakadagdag sa bigat ng kanyang pasanin. She was still on his lap. The side of her body pressed on his chest