“Cuz, meet Dr. Dante Fuentebella, pinsan ni Darius at bestfriend ni Summer. Taga France din siya.” Myrtel was astonished with the strikingly handsome man that her cousin Shannon Arevalo introduced. Pre-wedding party ng pangalawa sa magkakapatid na Arguello na si Dominic at naimbitahan siya rito. Naging malapit siya sa pamilya dahil sa pinsan na si Shannon na mapapangasawa rin ni Darius Arguello, ang pangatlo sa apat na magkakapatid. Hindi nagpahalata si Myrtel na naguwapuhan siya sa lalaki. Mukhang hindi rin naman interesado sa kanya si Doc dahil umiwas kaagad ito ng tingin.
“Your name sounds familiar. Parang nabasa ko na somewhere. Ah, alam ko na! Sa medical journal! Fuentebella, a dynasty of Doctors ang title.” Kababasa lang niya ng journal na ‘yon noong isang linggo for a research on her masters degree in Psychology.
“Yes. My father is a doctor and so is my mother. Now, please excuse me.” Pagtalikod ni Dante ay bumulong kaagad si Myr sa pinsan.
“Ang yabang naman ‘non! Kala mo kagwapuhan.”
“Mainit nga raw ang ulo sabi ni Summer. Baka napuyat. Stag party nila kagabi. Hindi ba gwapo? E bakit parang titig na titig ka? Nanghahaba pa ang leeg mo ngayon kakasunod ng tingin?”
“Hindi ko siya type. Masyadong matangos ang ilong, prominent ang jaw na parang artista, masyado ring maganda at attractive ang mata niya. Mas mahaba pa yata ang pilik-mata kaysa sa’kin. Tapos namumula ang pisngi? Oh, come on, nag-blush on ba ‘yon at naglipstick? Ang pula rin ng labi, eh.”
“Wow, hindi ka nga nagwapuhan pero kung maka-describe ka parang kabisado mo na kaagad ang mukha. Eh sa body built anong masasabi mo?”
“Well, pwede na. Siguradong may six pack abs ‘yan at matitigas na braso.” Shannon laughed out loud at napairap na lamang si Myrtel. She realized that her cousin was just making fun of her. Hinuhuli lang pala siya nito para malaman kung nagwapuhan nga ba siya o hindi.
“So ano? Samahan kita magpacheck up bukas? Sabi mo delayed ka?” Concerned siya sa pinsan dahil minsan na itong nakunan at sinabi ng doctor na mahihirapan raw itong magbuntis. But she knew that Shannon and her fiance Darius want to have their own family. They both deserve an angel of their own.
“Hindi na, ako na ang bahala. Alam ko naman na busy ka sa thesis mo.”
“Parang ayoko na nga. Napapagod na ‘ko mag-aral. Gusto ko na lang magwork.”
“Cuz, successful ka naman as fashion model. Hindi ko nga alam bakit gusto mo pa tapusin ang masters mo. Sabi mo naman hindi ka magtutuloy sa PhD. Paano ka magiging doctor kung hindi ka tutuloy.”
“I don’t even know if I wanted to be a Psychologist anymore.”
“Si Dante, Psychiatrist and now, he’s studying Psychology. Baka pwede kayo mag-usap maybe he can help you.” Hindi napansin ng magpinsan ang paglapit ni Darius na yumakap naman kaagad sa likuran ni Shannon. Kasunod ng bagong dating sina Summer at Dominic.
“Ready na ba kayong dalawa sa wedding ninyo bukas? ‘Di ba malas raw na magkasama the night before?” Summer laughed at Myrtel’s remarks.
“Parang hindi mo kilala ‘tong mapapangasawa ko. Kulang na lang itali ako sa karsunsilyo niya.” Shannon and Myrtel laughed with Summer. Parehong possessive at clingy sina Darius at Dominic at sa pagkakaalam ni Myr, ganoon rin ang panganay na si Santino. She smiled, knowing that her cousin is in good hands. Siya kaya kailan niya makikita ang nakatakda para sa kanya? Baka hindi na.
Hindi niya naiwasang mapatingin sa lalaking papalapit. Gwapo nga talaga ito kahit anong deny pa ni Myr. His height is not bad too. Mga ganitong height ang bagay kay Myrtel. She dismissed the thought. Nalipasan yata siya ng gutom at kung anu-anong naiisip niya. She excused herself to go to the buffet table. Para na rin makaiwas sa doctor na papalapit at para mabigyan ng privacy ang dalawang magsing-irog na may balak pa yatang maglingkisan sa harapan niya.
She looked at the table and one of the waiters handed her a plate. She was looking at the array of food nang may naramdaman siyang tumabi sa kanya. He smelled nice. Mas amoy masarap pa ang katabi niya kaysa sa lahat ng pagkain sa harapan niya.
“The steak looks good and the pasta, too.” She saw the servers move to put some on his waiting plate.
She had no choice but acknowledge his presence. Ang ganda rin pala ng boses nito.
“Doc, hindi ko alam pwede ka rin palang chef.”
“Just call me Dante. Only my patients call me Doc, pwera na lang kung gusto mong maging pasyente ko.” He smirked and she wanted to roll her eyes at his cockiness.
“Wala akong sakit. Well, wala pa. Pero kung hindi ka lalayo baka magkasakit ako ng highblood.”
“Ah, akala ko naman you’ll go crazy over me. Psychiatrist ako if you’re not yet aware.” Napanganga si Myrtel. Feeling close ang kausap kahit kakakilala pa lang nila. She felt her temper rise but she composed herself. Ngunit nahalata yata ni Dante na namumula ang tainga niya. “Oh, bakit namumula ka? Do you want me to check you out? I mean check you up pala?” He was still smirking. Bakit parang gwapong gwapo naman sa sarili ang Dante na ‘to? Napaisip si Myrtel. Baka napansin niya kanina na nakatitig siya rito.
“Kumain ka na nga lang. I don’t even know why you’re talking to me. Let me get my food in peace.” Kinuha ni Dante ang plato niya at iniabot ang platong hawak nito.
“Here. This is yours. Kumain na ‘ko. Nice meeting you, Myrtel.”
Pagkaalis ni Dante ay napabuntunghininga siya. She looked at the plate that he handed to her and she had to admit, it was worth a try. A sample of fish, steak and pasta. May gulay ring kasama. She walked to an empty table and started eating. When she finished the fish, that’s when she felt different. Nagsimulang magluha ang mga mata niya, mangati ang lalamunan at manikip ang dibdib. She checked her bag for antihistamine but she found none. May nuts ang isda kung ganito ang pakiramdam niya. She’s allergic to all types of nuts. Sinong maglalagay ng mani sa isda? She dialled her cousin’s number but it was out of coverage area. Ayaw niyang gumawa ng eksena ngunit nahihirapan na siyang huminga. She reached for the glass of water on the table and swallowed the whole contents even though she has difficulty in swallowing.
“Are you okay?”
“No. Allergies.”
“Oh. s**t. I have meds in my car.” Hindi na nakapalag si Myrtel nang pangkuhin siya ni Dante at inilabas ng hotel banquet hall kung saan ginaganap ang dinner. She was oblivious of her surroundings dahil ang gusto lang niya ay ang huminga at mawala ang sakit ng dibdib na nararamdaman.
“Hold on, we’re almost at the car.” She felt him running with her on his arms. Kung hindi sana life threatening ang sitwasyon ay nakapagbiro pa si Myrtel na pang-teleserye ang eksena nilang dalawa.
When he reached the car ay agad siyang inihiga nito sa backseat. She felt the soft leather cushion of the seat. Amoy bago pa ang kotse. She couldn’t open her eyes but she felt him feeling her arm.
“I’ll inject you with the med, this is a mixture of anti-allergy and sedative so the effect would be instant. Hinga ng malalim.”
She wanted to shout at him that she couldn’t even breathe but she just stayed quiet. When she felt the prick of the needle, she whimpered in pain.
“Sleep for a while...” May sinabi pa si Dante ngunit hindi na ito narinig ni Myrtel. Bago siya nawalan ng malay, napaisip siya, ngayon bang ginamot na siya nito ay Doc na ang itatawag niya rito?