The wedding of the year nina Summer Ann Fabella at Dominic Joaquin Arguello was both heart warming and fun at the same time. Naisip ni Myr na baka lahat ng kasalan ng mga magkakapatid ay may paunang warning ang Mayor upang walang manggulo sa seremonya. Aakayin raw palabas ang magtatangkang pumigil ng kasalan.
Napailing na lang din siya nang makitang may ilang babae roon na tahimik na umiiyak. Pinaka-pabling si Dom at halos lahat ng babae sa lugar na ‘yon ay naging ka-relasyon nito.
Myrtel was enthralled with the decorations na Royal wedding theme. She wished that one day she would have a wedding of her own na ganoon din kaganda at inihanda mismo ng groom. Alam niyang malabo naman ‘yon mangyari ngunit libre naman ang mangarap. She also loved the way Summer sang her own wedding March at naiiyak na kinanta ang I Choose You ni Ryann Darling. Napakswerte nina Summer at Dominic that they were able to surpass all the trials and now they would finally have a happy life together. Siya kaya darating pa ang prince charming niya o puro palaka lang ang makikilala?
She glanced again at the dashing man seated two rows across from her inside the Cavanah Valley Cathedral. Dahil abay sina Darius at Shannon at malapit si Myrtel sa pamilya Arguello, she was seated at the groom’s side habang si Shannon at Dante ay sa side ng bride dahil mga abay sila ni Summer. Kung gwapo ito sa t-shirt lang at pantalon, he looked sinfully divine in a royal blue suit. Nakakalito tuloy kung doctor ba talaga siya o artista.
“Baka matunaw si Doc kakatingin mo.” Hindi napansin ni Myrtel na lumipat pala si Shannon sa tabi niya.
“Sira! Bakit ka lumipat?” Offertory noon at nagpapaikot ng basket sa simbahan upang lagyan ng abuloy.
“May ichichika kasi ako sa’yo.” Bumuwelo pa ang pinsan bago kinapitan ang magkabilang braso niya, “I’m pregnant! Kahapon ko pa alam kaso kailangan si Dar muna ang makaalam.”
“OMG! Congratulations!” She half whispered, half shrilled in excitement, then she hugged her cousin.
“Thank you! Sana healthy ang baby.”
“Oo naman, cuz. Magtino ka lang, magiging maayos ang lahat.” She caressed her cousin’s face. She knew Shannon is finally happy. Ngayon pwede nang pagtuunan ni Myrtel ng pansin ang mga problema niya dahil maayos na ang pinsan na dating lulong sa alcohol at depressed dahil sa pagkamatay ng dati nitong asawa. Maayos na rin sila ni Darius at maging ang career nila ay in full swing na.
“Thank you for banging my head when I needed it the most.” She remembered that she literally did when her cousin was losing hope noong maaksidente sila ni Darius.
“Oo naman. Kakaladkarin kita talaga kapag umulit ka pa.” They hugged each other bago nagpaalam si Shannon na babalik na ito sa upuan niya.
The wedding vows made her teary eyed lalo na sa vows ni Dominic.
Saan pa ba may Arguello? She looked at the remaining one that is not yet taken and she shook her head. Masyadong wild at pasaway si Luis at mukhang wala rin namang babaeng makakapagpatino rito. Hindi rin sila talo dahil mas bata sa kanya si Luis at hindi naman talaga niya tipo ang bad boy look na kagaya nito. Bakit nga ba siya nag-iisip tungkol sa kasal? Alam naman niyang hindi mangyayari ‘yon.
The wedding ceremony ended with happy smiles on all the guest’s faces. Nakakahawa tingnan ang mga ngiti ng bagong kasal. After the picture taking session, the went back to the reception at the Hotel Banquet where all of the family members and some important guests were checked in.
Dahil guest lang siya at hindi parte ng entourage, nauna na siya sa reception habang ang mga abay ay may karagdagang pictorial pa. She was bored of waiting kaya’t umakyat muna siya sa hotel room niya and rest for a while. She asked her cousin to send her a message kapag pabalik na sila.
She remembered her phone. Kailangan niya na naman magpalit ng numero. Pagkapasok niya ng silid, nagtanggal siya ng suot niyang skin toned four inches high heels. Myrtel sighed and laid on her bed. Hindi naman lukutin ang suot niyang blue lace and velvet bustier column gown na may mid thigh slit sa likuran. Nakalugay lang rin ang buhok niya na naka-curl lang sa dulo. She closed her eyes. Hindi namalayang nakatulog na pala siya.
Myrtel had the same dream. Nagpabaling-baling ang ulo niya at umungol. She kept on whispering that name. Ang pangalan ng taong nagpapagulo ng mundo niya.
Nagitla si Myrtel nang makarinig ng malakas na tunog. It was her phone. Someone was calling her. Disoriented, she answered the call.
“Hello?”
“Myr, I’m here outside your door. Open up.” Hindi niya masyadong nabosesan kaya’t kinabahan siya. She looked at the caller ID and breathed a sigh of relief. Tinungo kaagad ang pintuan. There she saw him looking worriedly at her. Nakakunot ang noo at napahinga ng malalim nang makita siya.
“Okay ka lang ba?” He inserted his phone on his coat’s inner breast pocket before cupping her cheeks with his hands. She welcomed the gesture. It made her feel safe kaya’t tumango lamang siya bilang tugon. “I was knocking for a few minutes already. Buti na lang binigay ni Shannon ang number mo. Were you asleep?” Umakbay si Dante nang tumangong muli si Myrtel at pumasok na sila sa silid. When they got inside the room and closed the door ay naupo sa kama si Myr at yumuko para isuot na muli ang pares ng sapatos. Maagap namang kinuha ni Dante ang sandals at lumuhod sa carpeted floor, sa tapat ni Myrtel. “I’ll put them on for you para hindi ka na yumuko.” Nililis niya ang damit upang hindi maging sagabal sa pagsusuot ni Dante ang laylayan ng damit niya. She saw him stare at her legs before gently putting on her shoes.
“Thanks. Nakatulog pala ‘ko kaya hindi kita narinig.” Her feet seemed cold o baka naman mainit lang ang kamay ni Dante?
“Kakabalik lang namin galing ng simbahan. Pinapasundo ka ni Shan kasi hindi ka raw sumasagot.” He was able to put on both shoes and stood up. Pagtayo nito ay hinawi naman ni Dante ang buhok ni Myrtel na tumabon sa isa niyang mata.
“Are you ready to go?” He offered his hand which she took without question habang ang isang kamay niya ay inabot ang purse niya at cellphone.
“Wait. Baka nagulo ang make-up ko.” Banggit niya nang mapadaan sila sa salamin. Hinigit lang siya ni Dante at inakbayan. His hand felt warm on the base of her arm.
“Don’t worry. You still look perfect.” Humarap pa ito sa kanya. Nakakalusaw ang tingin at dumoble ang pagpintig ng puso niya. “Let’s go. The party is about to start.” They resumed their walk towards the door and down the elevator to the banquet hall. True to his words, magsisimula pa lamang ang party. The host was introducing the entourage at sakto sa pagdating nila ang pagtawag sa pangalan ni Dante. Akala ni Myrtel ay bibitiwan siya nito upang maglakad sa gitna but he did not let go of his hold on her.
“Walk to the table with me. I saved a seat for you.” His voice was calm and confident. Iyong tipong hindi ka makakatanggi. Parang FYI lang ito at hindi request. Hindi rin naman command dahil malumanay ang pagkakasabi. She simply said “okay.”
The guests clapped their hands to welcome them both walking at the center aisle of the hall to the table where they were supposed to sit. Malapit ang lamesa nila sa gawi ng mga Principal Sponsors. Dahil kailangan pang tumayo ni Dante para salubungin ang bagong kasal, inihatid siya nito sa upuan nila. “I’ll be right back.” Kumindat pa ito sa kanya. She smiled ang nodded her head. Sinundan niya ng tingin ang kasama hangga’t makatayo ito sa tabi ni Shannon na nakatingin kay Myrtel ng may ngiti sa labi. May binulong si Dante sa pinsan at lalo pang lumawak ang ngiti nito. Nabaling lang ang atensiyon ni Shannon nang pumasok na ang Best Man na si Darius. It was her turn to smile when she saw her cousin and her soon to be groom staring at each other habang palakad si Darius papunta sa tabi ni Shannon. Parang walang tao sa paligid. Love and affection were shining through their eyes. Pangarap ni Myrtel magkaroon ng taong titingin sa kanya ng kagaya noon. Kung sana hindi siya nagkamali sa mga desisyon niya sa buhay ay baka may tsansa pa siya. She sighed and diverted her attention back to the celebration. Hindi niya agad napansin na nakita ni Dante ang pagbabago ng ekspresiyon ng mukha niya. When she looked up, he was staring at her with questioning eyes, mouthing three words that made her smile. “Are you okay?” She simply mouthed “Yes.” Kahit mukhang hindi kumbinsido ay tumango lang ito.
When the bride and groom entered the hall, everyone cheered lalo na nang mag-duet ang dalawa ng isang upbeat na kanta “Falling For You” ni Colbie Calliat. Gifted talaga ang pamilya Arguello dahil lahat ng magkakapatid ay magagaling tumugtog ng instrumento at kumanta. Hindi naman nagpahuli si Summer na may ginintuan ring tinig bilang anak ng yumaong International Singer noon.
Their entrance started the party dahil sa pagsasayaw rin ng mga abay. Everyone was smiling and laughing as the bride and groom as well as the whole entourage gave them a great show. She watched Dante as he danced. Hindi naman masama. He looked like he knew what he was doing. She couldn’t stop smiling as she watched all of them. May mga guests din na nakisayaw sa kanila. When the song and dance number ended ay nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao.
Sabi ng hosts kaya raw iyon ang kanta dahil ito raw ang kanta ni Summer para kay Dom. Paborito rin ng dalawa ang singer na si Colbie dahil ang kanta naman ni Dom para kay Summer ay ang kantang “Realize”.
Everyone got back in their seats. Paglapit sa kanya ni Dante ay pawisan na ito. Napaisip siyang walang hustisya sa mundo dahil kahit pawisan ay mukha pa rin itong fresh at parang mas lalo pang gumuwapo.
“May panyo ka ba?” Tanong niya rito pag-upo nila.
“Yes. Kailangan mo?” She nodded her head and he handed her the blue hankerchief. Napatitig pa siya sa mukha nito bago niya idampi ang panyo sa noo at ilong ni Dante. Napalunok ito nang bumaling ang pagdampi ng panyo sa leeg na pawisan din. When she was done, she handed him back the hankerchief.
“That’s better.” She gave him a smile and he eventually smiled in return. Parang napatulala sa kanya ang kasama.
The party was so much fun that she did not notice the time. Nakadagdag sa pagkaaliw niya ang lalaking katabi na buong gabi siyang inasikaso at kinausap. They talked about trivial things and it made her feel comfortable. Hindi nawawala ang asaran nila kapag nagsisimula nang magyabang ang doktor.
When the dancing started, hindi rin nakaligtas si Myrtel. They danced to almost all of the songs. Kakaupo lang nila ni Dante nang may lumapit sa kanila.
“Miss, can I have one dance with you?” Nagulat siya at tatayo na sana nang umakbay sa kanya ang katabi.
“Dude, Dante nga pala.” Nakipagkamay ito sa lalaking kaibigan marahil ni Dominic.
“Aaron.” Kahit nagsabi ng pangalan kay Dante ay kay Myrtel nakatingin ang lalaki.
“Pagod na kasi si Myr kaya kami naupo.” He gently squeezed her shoulder. She sighed and nodded her head in affirmation.
“Nice to meet you, Aaron. Medyo pinupulikat na kasi ako.”
“I see. Thanks anyways and nice to meet you too.”
Pag-alis ng lalaki ay piningot ni Myrtel ang kasama. Imbis na umaray ay tumawa lang ito.
“Bakit naman? Kawawa naman ‘yong tao.”
“Mas kawawa siya sa’kin kung isinayaw ka niya.”
“Bakit naman?”
“Basta! Do you want anything? I’ll get some dessert.”
“Leche Flan.”
“à venir, ma belle” Coming right up, my beautiful. She just smiled and shook her head nang tumayo na ito para pumunta ng buffet table kung saan puno pa rin ng pagkain. Marunong naman siya mag-French kaya’t naintindihan niya ang sinabi.
“Tu devrais te dépêcher avant que quelqu'un d'autre vienne me demander une danse.” You should hurry before someone else comes over to ask me for a dance.
“Subukan lang nila. You speak French?” Napatulala pa ito sa kanya.
“Ang OA! Siyempre marunong akong mag-French. I live there.” He grinned with a glint in his eyes. Parang sobrang saya nito sa sobrang pagbanat ng ngiti sa mga labi.
“I know. I’m just...nevermind. I’ll be right back.” He was still smiling when he left the table. She leaned on her seat, trying to remove the silly smile on her face.
It felt really good to be treated like a princess. Hanggang kailan kaya ang panandaliang pakiramdam na ito?