4.3 Harvey

2117 Words
4.3 Meet Harvey Kamuntikan ng tumulo ang mga luha ni Mira ngunit ng makita kung sino ang laman ng kabaong ay bahagyang napaatras si Mira.Nagtaka ito. "Saan mo nakilala ang Lola Loring ko?.Ang sabi sa'kin ni Ate Ada makatrabaho mo daw si Lola?, " tanong ng isang babae na kamag-anak ng patay ng lumapit ito sa kanya. "Naku, sorry, pasensya po na talaga,eh, nasa maling lamay po ako.Akala ko po katrabaho ko na si Lorraine," kaagad na sagot ni Mira. " Ah, ganun ba.Si Loring ang tawag ng mga tao dito sa Lola ko kaya nga ako nagtaka ng sabihin ng kapit-bahay namin na katrabaho mo si Lola," sambit ng may patay.," sambit ng babae na naliwanagan kung bakit nagkamli ang hindi inaasahan nilang bisita. Labis ang hiya ni Mira sa lamay ng maling tao.Parang gusto niya tuloy na maglaho bigla o kahit kainin na lang ng lupa sa dami ng tao sa lamay. " Naku, sorry po talaga...aalis na po ako...sorry ho talaga...," abot-langit na paghingi ng paumanhin ni Mira.Matapos maka-ilang beses na humingi ng paumanhin ay mabilis itong umalis sa lugar,na baon-baon ang labis na hiya. ************** Halos hindi maputol ang tawanan ni Mira at Alfred habang kumakain sa isang fast food chain.Sa dami ng lugar ng napuntahan nila at kung anu-anong nangyari sa kanila sa tawa na lang nila ito dinaan.Nandiyan ang napunta si Mira sa lamay, si Alfred naman at halos tamaan ng lumilipad ng kaserola dahil sa mag-asawang nag-aaway.Napagkamalan rin siya namumutol ng kuryente, samantalang si Mira naman napagkamalang delivery rider. " Ang hirap po pala ng trabaho ng isang private investigator.Eh,kalahating araw pa lang po tayong naghahanap kung anu-ano na ang nasasaksihan natin," sambit ni Mira na nakabawi na sa tawa niya. " Parang 'yung naghahanap ng karayum sa damuhan, lalo pa't limitado lang ang impormasyon na hawak ng mga investigator," dagdag ni Alfred na ayus na rin. " Eh, sir ngayon ko lang naisip 'to.Bakit hindi na lang mag-hire ng private investigator si Sir Emman?, sa tingin mas dadali ang trabaho," tanong ni Mira habang patuloy sa pagkain. " Actually, nag-hire na siya pero sa sitwasyon niya at dahilan kung bakit pinapahanap si Lorraine dun siya alangan," sagot ni Alfred. Hindi na sundan ni Mira ang sinabi ng secretary.Napa-inom muna ito ng tubig bago magsalita. " Alangan?...bakit naman po?," tanong ni Mira. " Eh, kasi karamihan ang mga nagpapahanap 'yung mga mawawalan kamag-anak.Kapag ganoon, kailangan nakakapagbigay ng impormasyon ang nagpapahanap sa detective pero si Sir Emman kaunting impormasyon lang ang kayang ibigay sa mga imbestigador kaya mas madaling mahahanap si Lorraine kung kikilos din siya, at ikaw ang pag-asa niyang makita si Lorraine," mahabang paliwanag ni Alfred. " Pag-asa po talaga?.Eh,kahit ako hirap siyang mahagilap, eh parang ngayon ko lang nalaman na hindi ko pa pala siya talagang kilala ng lubusan," dismayadong sagot ni Mira na pakiramdam ay walang magawang tulong sa sitwasyon. " Huwag mong sabihin 'yan Miss Santiago, malaking bagay na 'tong ginagawa mo," saad ni Alfred para pagaanin ang pakiramdam ni Mira. " Salamat po.Sir Alfred, sana Mira na lang ang itawag niyo sa'kin, huwag na Miss Santiago, masyadong pormal na pormal...," ani Mira.Kapag tinawag siyang Miss Santiago ng secretary parang naiilang siya. "Okay, wala ng problema, Mira.Maganda ang pangalan mo," sagot ni Alfred. *************** Kapag hindi naghahanap sina Alfred at Mira,nagiging secretary siya ni Alfred, assistant ng secretary.Tumutulong ito sa opisina ni Alfred, wala mang experience si Mira sa office work, mabilis naman siyang matuto.Mabait sa kanya si Alfred, willing siyang turuan. Mag-iisang oras ng wala si Alfred sa opisina kaya naiinip na si Mira.Nakapaglinis na siya, matapos na niya ang mga trabahong iniwan ni Alfred sa kanya, at tanging magpapaikot-,ikot sa swivel chair ang ginawa nitong libangan na parang bata. " Ang tagal naman ni Sir, Alfred," inip na sambit ni Alfred. "Sir A-," napahinto si Mira ng makita kung ang pumasok sa opisina. " Hi!, Ivy," bati nito. Nagtaas lang ito ng kilay kay Mira.Nasanay na si Mira sa katarayan ni Ivy sa kanya. " Nasaan si Sir Alfred?," pagtataray ni Ivy rito. " Ah,hindi ko alam eh,basta ang sabi niya may ihahatid lang siyang mga report," sagot ni Mira. "Ganun ba, sige Iwan ko na lang sa'yo ang mga folders na 'to, sabihin mo na lang galing sa'kin, basta alam na niya kung ano 'yan?," bilin ni Ivy. " Okay," sagot ni Mira matapos ilapag ni Ivy ang folders sa table kung saan naka-upo ito. Papaalis na si Ivy ng may naisip ito bigla.Bumalik ito, at nag-flip pa ng buhok,na talagang gandang-ganda sa sarili niya. " Mira, ang mga folders na ito ay kailangang-kailangan sa opisina ni Sir Harvey, kaya ihatid mo dun," utos ni Ivy na daig pa ang Boss kung maka-utos kay Mira. Alam naman ni Ivy na hindi sa kompanya nagtatrabaho si Mira, ito ay Personal Assistant ni Emman kaya tanging ito lang ang may karapatang magbigay ng utos dito.Pero, talagang sobra ang inis niya kay Mira kaya gusto nitong pahirpan. "Pero-," hindi pa nakakatapos magsalita si Mira ay kaagad niya itong binara. " Walang pero-pero,kailangan mo 'tong ihatid ang mga folders sa office ni Sir Harvey," ani Ivy. " Walang problema dun.Pero saan ba 'yung, office niya?," tanong ni Mira. " Nasa 7th floor, magtanong ka ng lang dun.At bawal magreklamo," mataray na sagot ni Ivy rito. Tumango na lang si Mira at tipid na ngumiti.Ramdam niya ang pagiging mataray ni Ivy sa kanya. "I need to go,masyado kasi akong busy sa trabaho,wala akong panahon magpag-upo-upo sa opisina," may hirit pang patutsada ito kay Mira. 7th floor..... Habang bitbit ang folder na inutos ni Ivy sa kanya naghanap ng matatanungan si Mira, timing namang may dalawang babaeng empleyadong naglalakad sa lobby. " Excuse me," ani Mira sa mga ito. " Bakit?," tanong ng isa sa ito. " Ah, saan dito ang office ni Sir Ha-....Harvey?," tanong ni Mira na kamuntikan pang makalimutan ang pangalan nito. " Office ni Sir Harvey,deretso ka lang diyan...tapos kita mo 'yung may paliko pakanan dun ang office niya, may nakalagay naman sa pinto nun na pangalan niya," sagot ng babaeng empleyado. " Maraming salamat," sambit ni Mira. Nasa tapat na ng opisina si Mira.Sinubukan nitong tumawag ngunit walang sumasagot sa opisina. "Ano ba 'yan?, walang tao," sambit nito.Muli at kumatok at tumawag siya ngunit wala pa ring sumagot kaya napilitang buksan ni Mira ang pinto. Marahang nitong binuksan ang pinto, sumilip muna siya ng bahagya para tingnan kong may tao ba ngunit wala siyang nakita kaya ulit ay tumawag siya. " Sir Harvey," ngunit wala pa ring sumasagot. Napilitang pumasok sa loob si Mira.Walang tao sa opisina kaya parang pinagsisihan niyang pumasok kaya balak niyang lumabas na lang para doon na lang sa labas maghintay.Ngunit.... BANG!!!!..... "Aray!!!...," impit sa sakit ni Mira habang nakahawak ito sa ulo niya. Papalabas na sana ito ng pinto ng paghawak niya sa sira-dura, at hindi pa niya nabubuksan ang pinto ay bumukas na ito na saktong nasalubong ng noo niya, sa madaling-sabi tinamaan siya ng pinto dahil may nagbukas nito mula sa labas. "Sorry...hindi alam na may tao pala," kaagad na paumanhin ng taong nagbukas ng pinto. " Okay lang, medyo masakit lang," sagot nito kahit na talagang nasaktan nito.Nakahawak pa rin ito sa noo sa sakit. " Lagyan natin ng cold compress," sambit ng nakabangga ng pinto kay Mira. " Huwag na!...," pigil hawak ni Mira dito.Ayaw na kasi ni Mira na mang-abala pa, kaya na niya ang sarili at kaya niyang tiisin ang sakit. Natigilan si Mira, at lalakeng siyang nakabangga sa kanya. "S-sorry," mabilis na binitiwan ni Mira ang kamay ng lalake....asiwa moment.... " Ayus lang," sagot ng lalake. "O-kay lang ako, ako ng bahala dito," sagot ni Mira na nahihiya sa lalake.Ngunit nakahawak pa rin ito sa noo. Kahit na sabihin ni Mira na okay siya, mahirap maintanggi iyon sa kilos niya. " Hindi na ka okay," sambit ng lalake na hinila si Mira para pa-upuin. Mabilis ang kilos ng lalake kaya hindi na nakatanggi pa si Mira at ang sumunod na pangyayari ay nasa harapan na niya ito, at tila nakaluhod para tingnan ang noo niya. " Namumula, malakas ang pagkakabangga ko sa'yo ng pinto....I'm so sorry...," sambit ng lalake, habang tiningnan ang noo si Mira. Napatulala si Mira ng makita ang lalake.Pamilyar sa kanya ito, at hindi siya maaaring magkamali. " Ayus ka lang ba?," tanong ng lalake ng makitang nakatulala si Mira sa kanya. "S-sorry...pasensya na kayo....ayus na ho ako....kailangan ko ng umalis," nagmamadaling tumayo si Mira.Nang maalala nito ang dahilan kung bakit siya nandoon. "Ang folder...naku nasaan na 'yun?," biglang nalala ni Mira ang dahilan kung bakit siya nandoon. " Ito ba ang hinahanap mo?," sambit ng lalake ng ipakita ang folder.Nawala sa isip ni Mira na nailapag niya ito sa center table ng hilahin siya ng lalake para pa-upuin. " Salamat," ani Mira sabay kuha ng folder rito. " Sorry, talaga sa nangyari,hah....pero ano ba ang ginagawa mo rito?," anito. " Ah, ihahatid ko sana kay Sir Jarvey...hindi Arvy...naku po nakalimutan ko ang pangalan," nakalimutan na nga ni Mira ang pangalan ng dapat niya pagbigyan ng folder. " Harvey," sambit ng lalake. "Tama, Harvey...salamat..kilala mo ba siya?," ani Mira rito. " Oo, ako kasi si Harvey," sagot ng lalake. Nanlaki ang mga ni Mira hindi naisip ang bagay na iyon. "Naku, sorry po...pasensya na Sir Harvey...," halos yumuko na si Mira sa paghingi ng paumanhin. " Ayus lang," ani Harvey. " Ito po," sabay bigay ng folder rito. " Thank you, but are you sure na ayaw mong ng cold compress sa noo mo, or patingin ka sa clinic?," muling offer ni Harvey rito. "Hindi.Okay na ho ako.Kailangan ko na ring bumalik sa office ni Sir Alfred," tanggi at paalam ni Mira kay Harvey. Papunta na sana ng pinto si Mira ng tawaging muli ni Harvey ito. " Mira, have we met before?," tanong ni Harvey. Hindi kaagad naka-imik si Mira.Tila nagdadalawang-isip itong sabihin na nagkita na sila. " What are you doing, here?," parehong napalingon sina Mira at Harvey sa bigla na lang sumulpot na si Emman sa opisina. "Sir Emman,"ani Mira. " You know her,?" tanong naman ni Harvey. " Yes.She's my new P.A....," sagot ni Emman. Napatingin si Harvey kay Mira. " P.A.?...since when you need a P.A.?...my secretary ka na?," usisa ni Harvey. "I need one," simpleng sagot ni Emman na ayaw ng habain pa ang usapan. " Mira, go back to the office," sabay utos ni Emman. " Yes, Sir....mauna na po ako, Sir Harvey," paalam ni Mira. Pagbalik ni Mira sa opisina nandoon na ang secretary. " O, Mira saan ka galing?," tanong nito. "Inihatid ko po 'yung folders na pinahatid ni Ivy sa office ni Sir Harvey," sagot ni Mira na napahanap ng salamin. Iniinda pa rin niya ang noo nito. Tinitingnan ni Mira sa salamin ang noo'ng tumama sa pinto. " Naku.....malaking pasa ang aabutin ng noo ko, buti na lang at hindi bumukol mas chakang tingnan," problemadong pahayag nito. " Anong nangyari sa noo mo, Mira?," concern na tanong ni Alfred. " Eh, tumama po kasi ang noo sa pinto," sagot nito. " Namumula ang noo mo, sa tingin ko magkakapasa 'yan.Kailangan lagyan mo ng yelo," payo ni Alfred. " Sa tingin ko nga rin po," dugtong ni Mira. " Gusto mo ipakuha kita ng ice pack,?" tanong ni Alfred. " Huwag na ho, okay na po ako," sagot ni Mira. ************** Pagod na pagod na bumagsak si Mira sa kama.Ubos na ubos ang energy niya na sa biyahe pa lang parang nasaid na.First day pa lang, pero ramdam na niya ang sobrang pagod dahil sa biyahe.Kung tutuusin hindi naman mahirap ang trabaho niya pero ang mahabang biyahe at ang masungit niyang boss ang nakakapagod.Pero kahit papaano ay napangiti siya ng maalala si Harvey.Hindi niya inaasahang makikita niya ito,ulit. Ang mabait na guest na nag-offer ng coat niya ng mabasa siya nito.Pagkakataon nga naman.Hindi na namalayan ni Mira na nakatulog na siya. ************** Kakatapos lang ni Harvey mag-hot shower.Nakatitig ito sa salamin sa banyo habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang maliit na tuwalya,dahil kagagaling lang nitong mag-shower ay nakatapis pa ito ng tuwalya pang-ibaba. " She looks very familiar....parang nakita ko na nga siya.....," sambit ni Harvey.Ang tinutuloy nito ay si Mira. Matapos makapagpatuyo ng buhok deretso ito sa closet para mamili ng susuotin ng may mapansin siya. " Nasaan nga pala ang 'yung sport coat na iyon?," sambit ni Harvey ng mapansing walang ang isang sa sport coat nito. Gerona J.R... Author's note: Sport coat pala hah,....well...well...maalala kaya ni Harvey si Mira?...Sabihin kaya ni Mira na nagkita na sila ni Harvey?..at anong ganap ni Harvey sa mga mangyayari sa buhay ni Mira?.well-well, again paki-basa na lang....thanks for the read....????

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD