bc

Forever Mine (phr)

book_age18+
504
FOLLOW
1.3K
READ
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Mga bata pa lang sila ay itinatangi na ng puso ni Bernadette si Art. Si Art naman ay sumumpa na pakakasalan siya nito paglaki nila.

Ngunit, palibhasa mayaman, ipinagkasundong ipakasal si Art ng mga magulang sa isang kauri nito, si Dominique. Ang pinakamasakit sa lahat, mahal ni Art ang babae. Noon niya napagtanto na sa pangarap na lang niya ito maaaring ibigin.

Ngunit may ibang balak ang tadhana.......

chap-preview
Free preview
1
"Arthur, tinatanggap mo bang maging kabiyak ang babaeng ito sa hirap o ginhawa?” tanong ng pari. “Opo, Father,” sagot ni Art na sa kanya nakatingin. Nakapagkit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Sa kanya naman tumingin ang pari. “Bernadette Ramirez, tinatanggap mo ba si Arthur San Diego bilang kabiyak mo, sa hirap o ginhawa?” “Nang buong puso, Father,” taos-pusong sagot niya habang nakatitig sa mga mata ni Art… “Bernadette!” Ang malakas na sigaw ni Tiya Rosa na sinabayan ng malakas na pagbayo sa pinto ang tumapos sa napakagandang panaginip niya. Napabuntunghininga siya. Panaginip lang pala. “Bernadette!” malakas na tawag uli ni Tiya Rosa niya. “Oho, Tiyang! Lalabas na Po,” sagot niya, sa dahon nakatingin. “Aalis na ako. May niluto na akong agahan. Huwag mong kaimutang dumaan mamaya sa mansiyon bago ka pumunta sa trabaho.” Ang tinutukoy nito ay ang pamamahay ng mga San Diego na pinaglilingkuran nito bilang katulong. Ang mga San Diego ang pinakamayang pamilya sa probinsya nila at isa sa pinakamayaman sa buong Pilipinas. Nilibot niya ng tingin ang silid. Dingding na pawid, mumurahing kurtina, at payak na kagamitan. Idagdag pa ang matigas na papag na kanyang kinahihigaan. Payak. Walang palatandaan na isa iyong paraiso. Hindi gaya ng nakikita niya sa kanyang panaginip kung saan siya ang prinsesa at si Art ang prinsipe. Panaginip lang iyon, paalala niya sa sarili. Bahagi lang ng kanyang kabataan. Ng laro nila noon ni Art kapag nasa hacienda ito. Larong bata na masyado niyang sineryoso at pinanghawakan noon. Nagtungo siya sa kanyang lumang aparador upang kumuha ng mga damit na ipampapalit sa suot na duster. Nahagip ng kanyang mga mata ang isang lumang kahon ng sapatos. Kinuha niya mula roon ang pinakaiingatan niyang larawan nila ni Art noong mga bata pa sila. Sa larawan ay pareho silang nakangiti habang nakasuot Ng Santa hat. Iyon ang araw na sinabi nitong siya ang pakakasalan nito kapag nasa wastong edad na sila. Nasa hardin sila noon ng mansiyon at may dumaraang bulalakaw kaya humiling ito. “Kunusta ka na kaya?” tanong niya sa hangin. Ilang taon na ring hindi nagagawai sa hacienda ang kanyang kabanata. Huling beses na nakita niya ito ay noong nasa second year high school siya at Ito naman ay nasa first year college. “Dadalo ako sa graduation mo sa high school,” sabi nito noon. Pero nanatiling pangako lang iyon. Hindi na rin naman siya Umasa. Malalaki na sila ni Art at nag-iba na rin ang priorities nila sa buhay, lalo na ito. Ang huling balita niya ay nasa Amerika ito at tapos na ng master's degree nito. Siguradong kapag umuwi ito ay hindi na magiging kagaya ng dati ang lahat. Noon, halos hindi sila napapaghiwalay. Palagi silang magkasama sa pag-akyat sa mga puno at sa pangangabayo. Marahil ay nakalimutan na iyon ni Art, pati na ang pagkakaibigan nila. Pero siya, kailanman ay hindi niya iyon nakalimutan- lalo na ng kanyang puso. Napabuntung-hininga si Bernadette. Nagpadala na naman siya sa walang-kabuluhang pantasya niya. Minabuti niyang ibalik na sa drawer ang katawan. Anihan ngayon kaya magiging busy ang buong Hacienda San Diego. Minadali niya ang paggayak saka lumulan sa kanyang lumang bisekleta. Mahigit isang kilometro ang daan na lalakbayin niya bago makarating sa pinakaopisina ng hacienda kung saan siya naglilingkod bilang staff. Mula sa bahay ay mararaanan niya Ang napakagandang tanawin sa paligid. Berde at maaliwalas sa tuwina ay hindi niya pinagsasawaang hangaan, lalo na ang pinakaituktok ng Bundok Kanlaon na makikita sa malayo. Kung tutuusin, paraiso ang kinaroroonan niya- malamig, presko, at malayo sa polusyon ng siyudad. Mahigit Kalahati ng kanyang buhay ay doon na niya iginugol. Ang nadaraanan niyang malawak na tubuhan at palayan na nasasakop ng ekta-ektaryang lupain ang naging mundo niya mula nang dalhin siya roon ng tiyahin anim na taong gulang pa lang siya. Idinipa niya ang dalawang kamay, sinubukang balansehin ang katawan at magpedal nang hindi nakahawak sa manibela. Kapagkuwan ay pumikit siya at sinamyo ang hangin sa kanyang mukha at balat. Maya-maya ay pinukaw si Bernadette ng malakas na busina ng sasakyan. Napalingon siya sa gawing kanan at nakita ang sasakyan ng mga Salviejo. Sa nakabukas na bintana ay nakasungaw ang napakagandang mukha ni Dominique, nag-iisang anak at prinsesa nge mga Salviejo, ang may-ari ng katabing hacienda. Kaibigan niya ito at higit sa lahat kasintahan ni Art. Huminto sa unahan niya ang sasakyan, saka bumaba mula roon si Dominique. Iminaniobra niya ang bisekleta palapit dito. Hindi niya maiwasang hangaan ang kabuuan ng kaibigan, saan mang anggulo tingnan ay napakaganda ni Dominique. Animo modelo ito ng shampoo commercial dahil sa mahaba at kulay-mais na buhok nito na isinayaw-sayaw ng hangin. Mainit na yakap ang isinalubong nito sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit dito. “I’ve missed you so much,” pahayag nito. “Na-miss kita.” Sa isang international school sa Maynila ito nag-aaral. Bihira itong bumisita sa hacienda. Kaya hindi kataka-takang mas tumabing ang pagtitinginan nito at ni Art na noong mga bata pa lang sila ay nagsimula nang umusbong. “Art is coming home,” balita nito maya-maya. Tumango lang siya. “Hindi ka ba masaya?” tanong nito, labis na kasiyahan ang nakabakas sa mukha. “M-masaya naman. Paano mo nalaman?” Istupida. Bakit hindi nito malalaman gayong ang mga ito ang laging magkasama. Kahit nasa Amerika si Art, ilang beses daw itong umuwi ng Pilipinas. May mga pagkakataon ding sina Dominique ang bumibisita kay Art kapag nagbabakasyon ang pamilya nito sa Amerika. “Galing kami ni Mommy sa US. Heto nga at may pasalubong ako sa 'yo. Hershey’s, paborito mo. Dinamihan ko na 'yan, ha, para naman may maibigay ka kina Flor.” Sa kabila ng pagiging spoiled brat nito ay may malasakit at pagmamahal din ito sa kanya bilang kaibigan, kahit pa sabihing gaya ni Art ay milya-milya ang layo nito sa kanya kung estado sa buhay ang pagbabatayan. Kaya nga nakakaramdam siya ng matinding kahihiyan at konsensya dahil sa lihim na paghangang mayroon siya para kay Art. “Bigla yatang ayaw mo ng tsokolate.” Mukhang iba ang naging iba ang naging prestasyon nito sa biglaang pananahimik niya. Mabilis na inabot niya ang paper bag. “Salamat, Dom.” Mabuti pa ito at naalala siya. Pero si Art na siyang naging unang naging kaibigan niya ay kinalimutan na nga talaga siya. “It’s nothing. Teka, can I hitch a ride with you?” “Naku, huwag na at baka magasgasan ka pa. Mapingot ako ng mommy mo,” maagap na tanggi niya. Ngunit hindi siya nito pinansin. Kusa na itong sumampa sa likuran ng bisikleta. Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ito. “Kumapit kang mabuti, ha,” utos niya sa kaibigan. Ilang sandali pa ay binaybay na nila Ang daan. “Woooo!” malakas na sigaw ni Dominique habang nakadipa ang dalawang braso sa ere. Inihatid niya ito hanggang sa highway kung saan naghihintay na ang family driver ng mga salviejo. Hinjntay muna niyang mawala sa paningin niya ang sasakyan bago bunaybay ang daan pabalik sa Hacienda San Diego Babalik so art. Kinapa niya ang puso. Matagumpay niyang mapigil ang reaksyon kanina habang kaharap si Dominique ngunit sa totoo lang, tila lumubdag ang puso niya sa tuwa dahil sa katotohanang muli niyang masisilayan si Art. Pero hindi siya dapat na matuwa. Kasabay ng pagbabalik nito ay ang napipinto rin marahil na pag-iisang didbib nina Art at Dominique. Noon pa man ay nirireto na ang dalawang pamilya ang mga ito. Sa katunayan, plano ng dalawang padre de pamilya na i-merge ang dalawang hacienda kapag nagpakasal ang mga anak ng mga ito. Napahinto siya sa pagpedal at napagawi ang tingin sa mga nagtatrabaho sa bukirin. “Habang buhay na tayong magsisilbi sa mga San Diego, Bernadette,” naaalala niyang madalas na sabihin ng tiyahin sa kanya. Nais niyang iyong tutulan. Oo, at mahal niya ang hacienda, ngunit may nga sarili rin naman siyang pangarap. Balang-araw ay makakaahon din sila sa kahirapan. Makakapagdisenyo rin siya ng mga damit. Pero mukhang tama ang tiyahin niya. Mananatili siyang trabahador ng mga Dan Diego.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook