Makalipas ang tatlong araw mula ng saktan siya ng Kuya Simon niya, ay hindi nagpaparamdam sa kanya ang kapatid, kaya naman kahit papano nakahinga siya ng maluwag. Walang tawag sa kanya ang kapatid para pilitin siya sa hindi niya gustong gawin. Hindi rin siya nito pinupuntahan sa bahay nila o di kaya sa opisina niya. Umaasa siya na sana natauhan na ang kapatid at mag isip na lang ito ng ibang paraan para mabawi ang farm kay Garreth Saavedra. "Babe, sunduin kita mamaya, after ng office hour," sabi sa kanya ni Rico nang tawagan siya ng nobyo sa cellphone. Madalas naman silang magtawagan ni Rico, pero dahil na rin na busy din ito sa trabaho, kaya hindi sila nagkikita nito. At mukhang mamaya hindi ito busy kaya nagyayaya itong magkita sila. "Sure, I'll wait for you," tugon niya sa nobyo. K