Habang kumakain ang mga kaibigan ni Young Master, pansin ko lang na parang nalugi sila. "Nakakaasar ka talaga boss!" sabi ni Haycer. "Do you have a problem?" seryosong tanong ng Young Master. Napatingin ako sa kaniya, habang sumusubo ito ng pagkain. Ang guwapo niya, at ang sexy niya kumain. "Kawawa naman kayo!" sabi naman ni Kelden. "Huhu, boss parang awa muna bawiin muna ang pusta mo. Mauubos na ang ipon ko eh!" sabi ni Mikey. "Oo nga boss, maawa ka naman sa guwapong katulad ko!" sabi naman ni Dansen. Ang hambog niya. "Wala kaming ibabayad boss!" "I don't care..." walang emosyon na sagot ng Young Master. Nakakaawa naman pala ang mga ito. Ano kayang pustahan ginawa nila. "Ano!" sigaw nila tapos nag-iyakan. Ako naman muntikan nang matawa, para silang mga bakla. "Sige binabawe ko