"How was school?" tanong ni Mama Kirsten sa amin habang sabay-sabay kaming kumakain ng dinner. Sa bahay na ako nina Timothy nakatira mula pa noong ikinasal kami. Ito kasi ang gusto ni Lolo Alonzo. "Okay lang naman po, Ma," sagot ko at tipid akong ngumiti bago ko ibinalik ang atensyon ko sa pagkain. "School's horrible," sagot naman ni Timothy na nakaupo sa tabi ko. It has been a bad day for him, I am sure. Because of Liz. "Anak, may problema ka ba?" tanong ni Papa Robert sa kanya. Si Lolo Alonzo naman, nakatingin lang sa amin, nag-o-observe. "Wala, Pa," maikling sagot niya. "Sige, akyat na po ako. Wala akong ganang kumain," paalam ni Timothy bago niya kami tinalikuran. "Anak—" habol ni Mama Kirsten pero pinigilan siya ni Lolo Alonzo. "Let him, Kirsten," saway niya pa bago siya bumali