Chapter 4

1373 Words
NAPASINGHAP si Aliyah sa narinig na sinabi ni Brennan habang nakatayo ito ilang dipa ang layo sa babae. “Ano ka ba naman, Cristine? Mas mahalaga pa ba ang pagiging missionary mo kaysa sa ‘kin? Registered nurse ka naman dito, why don’t you just focus on that and stay here?” “How can you say those words to me, Brennan? Samantalang ikaw nga itong nakahanap na kaagad ng iba? One year and two months lang akong nawala. At ngayon, ikakasal ka na?” Kahit nagagalit ay marahan pa rin ang boses ng babae. Nagsisikip ang dibdib na napaluha si Aliyah. Naiintindihan niya na ngayon. The woman Brennan called Cristine was exactly the woman he wanted her to be. All these time, isa lang pala siyang substitute dahil nawala ang babae. “Nagpaalam naman ako sa ‘yo bago ako pumuntang Thailand, ‘di ba? Sinabi ko sa ‘yong huli na ‘yon.” “I was never on top of your list, Cris, it has always been your mission,” matigas na sinabi ni Brennan. “Sinabi ko na sa ‘yong kapag umalis ka, aalis na rin ako sa buhay mo, ‘di ba?” Mapait itong tumawa. “Pero mahal pa rin kita. Sinubukan kong palitan ka pero hindi ko nagawa.” Nang yakapin ni Brennan ang babae ay nanginginig ang mga tuhod na napasandal si Aliyah sa pinto kaya lumikha iyon ng ingay. Kaagad na humiwalay si Brennan kay Cristine at lumapit sa kanya. “Aliyah-“ Umiwas si Aliyah nang akmang hahawakan siya ni Brennan sa braso. Hindi niya na itinago ang pagtulo ng kanyang mga luha. Parang tuksong nanumbalik sa kanyang isip ang mga pagkakataon na dumarating ang monthsaries nila pero para bang hindi iyon naaalala ng binata. She was always the one to greet him, always the one to give gifts, to remember their monthsaries, and to… adjust because she loves him. May mga araw na naitatanong ni Aliyah sa sarili kung mahal nga ba siya ni Brennan katulad ng sinasabi nito pero madalas ay hindi niya iyon pinapansin. Ngayon, lumalabas na nag-propose lang si Brennan sa kanya dahil sa pagrerebelde sa isang babae. Aliyah had been blinded by love. Tinanggap niya kung ano lang ang kayang ibigay ni Brennan dahil sa pagmamahal niya rito. Pakiramdam ni Aliyah ay ang pangit-pangit niya para kailanganing baguhin pa ng lalaki, para gawin sa kanya ang mga ginawa nito, para maging isang substitute lang. And worst of all, she had been a poor substitute. Mapaklang tumawa si Aliyah. She wanted to at least save her pride and show him she was fine but how can she do that when she felt like dying inside? “I’m sorry,” mahinang sinabi ni Brennan. “Tinanggap ko, Brennan, noong baguhin mo ako. Pero ang lokohin mo ako…” napasigok si Aliyah. “Bakit?” Nang manatiling nakayuko ang binata ay nanginginig ang mga kamay na hinubad niya sa daliri ang singsing na ibinigay nito sa kanya. Inilagay niya ang singsing sa sahig saka niya sinikap na tumayo at humakbang palayo. Mabibilis ang mga hakbang na pumasok na si Aliyah sa elevator. Pasara na iyon nang pigilan ni Brennan ang pinto. Puno ng pagsisisi ang mga mata nito. “I’m so sorry, Aliyah. I never meant to-“ “’Wag kang humingi ng tawad na para bang hindi mo sinadya ang lahat, Brennan.” Mahina pero mariing sagot niya. “Quit saying you’re sorry. Nakakainsulto lang lalo.” Nang tuluyang sumara ang pinto ng elevator, isinara na rin ni Aliyah ang pahina ng kanyang buhay na kasama si Brennan. Nang makalabas siya sa hotel, nagpahatid siya sa sinakyang taxi sa isang beauty salon. Ipinabalik ni Aliyah ang natural na kulay ng kanyang buhok. Inalis niya na rin ang contact lens na suot. Nang matapos na ang babaeng nag-ayos sa kanya ay iniharap siya nito sa salamin. Malungkot siyang ngumiti. “Am I beautiful?” Ngumiti ang babae. “Very, ma’am.” “Ali, okay ka lang ba?” Nahinto si Aliyah sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang nag-aalalang boses ng co-architect niyang si Jasmin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha. “Oo naman.” “Are you sure?” Tumango lang si Aliyah. Nang makaalis na si Jasmin ay muli siyang napatitig sa salamin. Akala ko, okay na ako, eh. Pero nang makita kita ulit, pakiramdam ko, ang pangit-pangit ko na naman.   “ALAM kong nagagalit ka. Pero kung hindi mo siya haharapin ngayon, kailan pa?” Natigilan si Aliyah sa ibinungad sa kanya ni Jeric pagkalabas niya ng ladies’ room. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa coat na suot habang nakasandal sa pader na tila hinihintay talaga siya. “Masasanay kang ikaw ang palaging iiwas and that’s not fair, Iyah. Siya ang may kasalanan at hindi ikaw.” Masama ang loob na nilampasan lang ni Aliyah si Jeric pero pinigilan siya nito sa siko. “I’m sorry if I didn’t tell you that he and I are related.” “’Yon nga ang hindi ko maintindihan, Jeric.” Deretso niyang tinitigan ang kaibigan. “We’ve been friends for a long time now and you know my story. Kaya bakit mo inilihim ‘yon sa ‘kin?” “Kung sinabi ko sa ‘yo noon, sa tingin mo ba magiging magkaibigan pa rin tayo ngayon?” Bumuntong-hininga si Jeric. “It’s not every day that I’d meet a girl like you, Iyah. I’ve always thought of us as soul mates. Naiintindihan mo ako kahit minsan, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko gaya ng kung paano kita naiintindihan kapag naguguluhan ka.” Hindi nakaimik si Aliyah. Ang architectural firm na minana ni Jeric sa ama nito ang kauna-unahan niyang in-apply-an mula nang makabalik siya sa Pilipinas. Sinuwerte siyang natanggap agad. Si Jeric pa ang mismong nag-interview noon sa kanya at sa firm niya unang nakilala ang lalaki. They were civil to each other for quite a while. Hanggang sa isang araw ay nahuli siya nitong umiiyak sa hagdan ng building. Hindi na siya sumasakay sa elevator dahil palagi lang niyang naaalala ang pinagdaanan noon sa Maryland kaya madalas, palagi siyang sa hagdan dumaraan. Pero kakaiba ang araw na iyon. Hindi dumeretso sa pagbaba si Aliyah kahit oras na ng uwian ng mga empleyado sa firm. Umupo lang siya sa isa sa mga baitang at doon tahimik na umiyak. Noong mga panahong iyon ay kamamatay pa lang ng ate niya at nangangapa pa siya kung paano aalagaan si Joshua. Bukod doon, iniinda niya pa ang pagkabigo noon dahil sa nangyari sa kanila ni Brennan. Nagkataong naroon din si Jeric, hindi nga lang niya napansin agad… “Dito ako naglalabas ng stress tuwing napi-pressure na ako. I never really wanted to inherit this business, you know. I never really wanted to become an architect,” sinabi ni Jeric. “Gusto kong maging photographer. I wanted to travel the world and capture its beauty. But I have no choice. My parents wanted me to manage this firm. Ito ang mahirap sa nag-iisang anak. It’s hard to say ‘no’ to your parents.” Nilingon siya ni Jeric kasabay ng pagngiti nito. “Ikaw, what’s your excuse for being here?” Aliyah was desperate for someone to lend her an ear. Parang sasabog ang dibdib na inamin niya kay Jeric ang lahat, doon nagsimula ang pagkakaintindihan nila. Mula noon ay palagi na silang nagkikita sa hagdan para ilabas ang mga frustration nila sa buhay hanggang sa nakakasabay niya na si Jeric sa pagkain tuwing break time. He was always there until they became each other’s best friend. “Come on, Iyah. Sorry na.” Nabalik ang isip ni Aliyah sa kasalukuyan nang marinig ang naglalambing na boses ni Jeric. “I don’t want to lose the only person who makes me want to stay in this firm.‘Bati na tayo. Ibibili kita ng favorite mong mango ice cream.” Naiiling na tinampal ni Aliyah sa balikat si Jeric. “Fine,” Sa galing nitong mambola, imposibleng hindi siya mapasuko agad. Saka hindi niya rin kayang tiisin ang kaibigan. “Mauuna na nga pala akong umuwi. Nangako ako kay Joshua na tutulungan ko siya sa Math assignment niya.” Ngumiti si Jeric. “All right. I’ll just see you and Josh tonight then. Sa inyo ako makikikain.” Mabilis na hinagkan siya nito sa noo. “May meeting pa ako. Babalik lang ako saglit sa office para kunin ang mga gamit ko. ‘Got to go,” sinabi nito saka nagmamadali nang bumalik sa office nito. Bumuntong-hininga si Aliyah saka lumabas na ng building. Pasakay na sana siya sa kanyang kotse nang may kamay na pumigil sa kanyang braso. Nasorpresa siya nang si Brennan ang malingunan niya. “Hindi ka pwedeng umalis nang hindi pa tayo nakakapagbayad ng mga utang natin sa isa’t isa, Aliyah,” seryosong sinabi ni Brennan. “I owe you an apology while you owe me a slap. And yeah, a curse, too.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD