Chapter 5

1548 Words
“AS MUCH as possible, ayoko na sanang magpakita pa sa ‘yo. Pero hindi ako matahimik. We never really had a proper closure.” Binawi ni Aliyah ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Brennan. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa lalaki. If a stare can burn, she was sure he would be on fire by now. Sa hinaba-haba ng panahong naghirap siya, ngayon lang ito pormal na hihingi ng tawad sa kanya? Sa ginawa ni Brennan noon, hindi sasapat ang pisikal na sakit o ano pa mang magagaspang na salita para makabawi siya sa kasalanan nito. Because now that she had seen him again, she realized how bitter she still was. Three years were not enough to heal her. She was shattered, for heaven’s sake. “Saktan mo ako ngayon. Bumawi ka ngayon and I really won’t mind. Just-“ “Ah, excuse me for interrupting your speech but don’t you think it’s three years too late for that, Brennan? Besides, kung hindi ka matahimik, problema ko pa ba ‘yon?” sarcastic na putol ni Aliyah sa mga sasabihin pa sana nito. “Kung ayaw mo palang mabiktima ng konsensiya mo, sana hindi ka nanloko ng ibang tao.” “Alam kong mas magagalit ka sa sasabihin ko. But it was only when I wanted to do something big in my life that thoughts of you started to appear.” Ikinagulat ni Aliyah ang pagpapakumbaba na narinig sa boses ni Brennan dahil hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa lalaki. Sabagay, hindi pa nga pala niya ito kilala nang husto. Kaya nga siya naloko nito. “You have constantly been in my dreams for the last couple of weeks. Tama ka, nakokonsensiya nga ako kaya kita hinanap para makahingi ng tawad sa ‘yo.” Rumehistro ang pagsisisi sa kulay gray na mga mata ni Brennan. “Pero maniwala ka sanang noon ko pa ginustong magpakita sa ‘yo at humingi ng tawad. Hindi ko nga lang alam kung paano.” “You wanted to do something big in your life?” sa halip ay sagot ni Aliyah. Mapait siyang tumawa. “Bakit, magpapakasal ka na ba kaya bigla kang nakonsensiya? Natatakot kang baka ang ginawa mo sa ‘kin, gawin din sa ‘yo ng iba?” Ilang segundong natigilan si Brennan bago umiling. “N-no. It’s not l-like that.” Aliyah took a deep breath. Hindi niya alam kung magagawa niya pang maniwala sa mga sasabihin ng lalaki. “Bumalik ka na lang pagkalipas nang tatlo pang taon. And let’s talk about this again. Who knows? Everything might make sense after another three years.” Pumasok na siya nang tuluyan sa kanyang kotse. Isasara niya na sana ang pinto nang mabilis na hawakan iyon ni Brennan. “Aliyah, I’m really, really sorry,” mahinang sinabi nito habang nakikiusap na nakatitig sa kanyang mga mata. “Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, I know this is too much to ask but please… allow me to see you again.” Sa pagkakataong iyon, hindi na nagdalawang-isip pa si Aliyah. Lumabas siya ng kotse saka sinampal si Brennan na dapat pala ay ginawa niya na noon pang hinabol siya nito sa elevator sa Maryland. And for the first time after a long while, she felt… freed. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa anyo ni Brennan. Nagkibit-balikat siya. “I owe you a slap, didn’t I?” Inalis niya ang kamay ng binata sa pinto ng kanyang kotse at tuluyang isinara iyon pagkatapos ay iminaniobra niya na palayo ang sasakyan. “Iyon na ang closure na kailangan pala natin pareho, Brennan. And I hope to never see you again.”   SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon sa buhay ni Brennan ay ninerbiyos siya sa simpleng pagtitig lang sa kulay krema na gate ng bahay ni Aliyah. Noong nakaraang araw niya pa hawak ang address ng dalaga pati na ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa buhay nito na ngayon niya lang inalam, at sa isang private investigator pa. Halos isang linggo na siyang hindi matahimik. Pabalik-balik sa isip niya ang magandang mukha ni Aliyah. Pagkatapos ng huling pag-uusap nila, gusto niya sanang permanente nang huwag magpakita rito. Pero halos isang linggo lang ang itinagal niya sa pagtitikis sa damdaming hindi niya maintindihan. Napasulyap si Brennan sa wristwatch niya. It was only seven in the morning. Alam niyang alas-onse pa ang alis ni Aliyah dahil dederetso ito sa Marikina para tingnan ang lupang gustong pagtayuan ng bahay ng client nito, saka pa lang ito magde-design kung anong uri ng bahay ang babagay sa lugar. Iyon ay ayon na rin kay Jeric. Bigla, naikuyom ni Brennan ang mga kamay nang bumalik sa isip niya ang naging usapan nila ni Jeric nang unang beses na puntahan niya ito sa firm nito. Pauwi na sana siya nang makita ang pinsan sa parking lot, pagkaalis ng kotse ni Aliyah. “Don’t tell her that I’m getting married. At least, not now.”Marriage was a very sensitive topic for him and Aliyah at the moment because of the way their relationship ended. Kaya hangga’t maari, ayaw niya na munang malaman ng dalaga ang tungkol doon. “Please.” Tumaas ang sulok ng mga labi ni Jeric. “As if Aliyah would care.” Brennan’s jaw clenched. Tumalikod na siya para mapigilan ang sariling gumanti ng salita sa pinsan. Pasakay na siya sa kotse niya nang magsalita ito uli. “May late dinner meeting sa isang client si Aliyah on Thursday. And on Friday next week, pupunta siya sa mismong pagtatayuan ng ipagagawang bahay ni Mrs. Velasco pero alas-onse pa ‘yon.” Tumikhim si Jeric. “She’s normally home by weekends with Josh, her nephew.” “Why are you telling me all these?” Kunot-noong tanong ni Brennan. “Dahil alam kong matatagalan pa kung magtatanong-tanong ka sa iba tungkol sa schedule niya. Kilala kita, Brennan. The look on your face when you saw her gave you away. You want to see her again, right? Why?” Deretsong tinitigan siya ni Jeric. “’Wag ka ng mag-deny. I heard what you said to her earlier.” “Hindi ko rin alam.” Bumuntong-hininga siya. “Ikaw, bakit parang hinahayaan mo akong makasama siya?” “Dahil gusto kong ma-realize mo kung anong klaseng babae ang pinakawalan mo. At tuwing kasama mo siya, magpapasulpot-sulpot ako. Dahil may isa pa akong gustong ipa-realize sa ‘yo.” Tinapik siya ni Jeric sa balikat. “Na kahit ano’ng gawin mo, hindi na siya babalik sa ‘yo.” Ngumiti ito. “So by all means, go and see her. Consider that as my early wedding gift to you and Cristine…” Nahinto si Brennan sa pag-iisip nang makita niyang may lumabas na batang lalaki mula sa gate ng bahay. Ito marahil si Joshua, ang pamangkin ni Aliyah. Maagap na lumabas siya ng kotse at lumapit sa bata. “Hello, kid. You’re Joshua, right? I’m Brennan.” Nginitian niya ito. “Gising na ba ang Tita Aliyah mo? Gusto ko sana siyang makausap.” Nagsalubong ang mga kilay ni Joshua. “Ano po ang buo n’yong pangalan, age, work, at status? Is it single, engaged, married or ‘it’s complicated’?”   UMAWANG ang bibig ni Brennan bago naaaliw na humaplos sa kanyang batok. “I’m Brennan Valmadrid, thirty years old. Hotelier ako pero sa Amerika ako naka-base. And…” His voiled trailed off. “I’m single.” He knew it was wrong to deny his relationship with Cristine but heck, what was wrong sometimes felt awfully right. Nangislap ang mga mata ni Joshua bago nito isinandal ang bike sa gate. Mayamaya ay mabilis siyang hinila nito papasok. Sandaling namangha si Brennan sa ganda ng loob ng bahay. Simple lang ang estilo niyon sa labas pero elegante sa loob. Black at cream ang dominant colors sa mga kagamitan. Malinis at mabango rin sa loob ng bahay. “Tita Ali! May naghahanap sa ‘yo! Where are you?” malakas na sigaw ni Joshua. “Tita Ali!” “Sino ba ‘yon at kung makasigaw ka, parang napakaimportanteng tao niyan?” anang papalabas na si Aliyah mula sa isang kuwarto. Brennan’s heart went into overdrive once more at the lovely sight. Pink na pantulog lang ang suot ni Aliyah na umabot hanggang kalahati ng mga hita nito. Ang buhok ng dalaga ay tila basta na lang itinali kaya napakanatural pagmasdan. Sa simpleng paggalaw ay lumilitaw ang magandang hubog ng katawan nito. Her legs were long and shapely. Nakayapak lang si Aliyah kaya kitang-kita ang magagandang mga paa nito. She looked like someone whom every man would love to come home to after a long and stressful day of work. Paanong nangyaring hindi ito napansin noon ni Brennan? Naipilig niya ang ulo. Masyado nga pala siyang na-obsess noon kay Cristine kaya nang maghiwalay sila noon dahil inuna pa nito ang pagiging missionary kaysa ang tanggapin ang proposal niya ay nakagawa siya ng mga maling desisyon sa buhay. Brennan badly wanted a substitute to redeem his pride and yeah, his broken heart. And Aliyah was that person. He took a deep breath. “Here’s a little tip, Sir. Don’t give her the flowers,” bulong ni Joshua sa kanya bago ito lumipat sa tabi ng tiyahin na kung nakamamatay lang ang tingin, malamang nakabulagta na siya ngayon. “Gusto ka raw niyang makausap, Tita Ali.” “Ano na naman ba ‘yon, Brennan?” pormal na sinabi ni Aliyah. “Whatever it is, make sure it’s worth my time.” Muling inatake ng kaba si Brennan kaya biglang naiharap niya sa mukha ni Aliyah ang isang bouquet ng mga bulaklak na dala. “Assorted na ang pinili kong mga bulaklak. Pasensiya ka na, hindi ko kasi alam ang paborito mo. Peace offering.” Nagulat si Brennan sa sunod-sunod na pagbahing ni Aliyah. Mabilis na inilayo niya ang mga bulaklak nang makitang namumula na ang mukha nito. “Aliyah-“ “I’m allergic to flowers,” bumabahing pa ring sinabi nito. “Tsk. Hindi kayo nakikinig, Sir. ‘Sabi ko sa inyo, ‘wag n’yong ibigay ang flowers. That’s one point deducted from your pogi points.” Napamaang si Brennan. Patay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD