bc

THE SPECIAL CHILD ( Tagalog )

book_age18+
11.1K
FOLLOW
43.0K
READ
murder
revenge
possessive
forced
drama
tragedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Isang dalagita si Erlie na may kapansanan sa utak na lihim na pinagsamantalahan ng paulit-ulit. At akala ng mga gumahasa kay Erlie ay wala siyang magagawa para maghiganti.

Pero iyon ang maling akala nila dahil sa pagbabalik ni Ronalie, ang naging bunga ng panghahalay nila kay Erlie, ay ang siyang magwawakas sa kanilang kasamaan.

Gagamitin ni Erlie ang katawan ng kanyang anak para wakasan ang buhay ng mga lalaking lumapastangan sa kanya.

Magtatagumpay kaya ang kaluluwa ni Erlie?

At hahayaan kaya ni Ronalie na gamitin ng kaluluwa ng kanyang ina ang kanyang katawan para maghiganti? Gayong ang isa sa pwedeng mapatay niya ay ang tunay niyang ama na matagal niyang inasam na makasama?

chap-preview
Free preview
PART 1
( YEAR 1998. Ang nakaraan ) "Sayaw, Erlie! Sayaw, Erlie!" Malalakas na tawanan ng mga nag-iinuman sa may tindahan. Pinaglalaruan o pinagtri-trip-an na naman kasi ng mga ito ang kawawang si Erlie, ang dalagitang may kulang-kulang ang pag-iisip dahil sa inborn nitong sakit na isip bata o may mental health disorder. "Hihihi!" Hagikgik naman ng kawawang dalagita habang patuloy sa pagsasayaw. Wala itong kamalay-malay na pinaglalaruan ito ng mga taong walang puso, na ginagawa na itong parang hayop. At ang malala ay noong painumin pa ito ng isang lalaki ng alak. "Ahmmmmpp!" Tinulak ni Erlie ang kamay ng lalaking 'yon na todo ang tawa sa ginagawa. 'Yung mukha kasi ng inosenteng dalagita ay napangiwi ng husto nang malasahan nito ang Ginebra. "Oy! Tama na 'yan! Pauwiin niyo na si Erlie!" saway ng tindera sa mga salbaheng lalaki. "Ihahatid ko na siya," pagkukusa naman ng isang binatilyo. Na kung titingnan ay ito ang pinakamatino ang hitsura sa mga nag-iinuman at pinakamabait dahil tahimik lang ito sa tabi. Ni hindi ito tumatawa kay Erlie, bagkus ay nakatitig lang sa dalagita habang panay ang tungga ng alak. "Sige na, Neil, baka hinahanap na 'yan ng nanay niya," sabi ng tindera na tiwala sa binata na Niel ang pangalan dahil mabait naman talaga ito sa lugar nila. At may pinag-aralan tapos anak pa ng kanilang Barangay Captain. "Sige po." Inalalayan na ni Niel ang dalagita na hindi nila alam kung paano na naman napadpad sa tindahan dahil alam naman nilang kinukulong ito ni Aling Vergie, ang nanay ni Erlie na nakatira sa kabilang Sitio. "Tara na, Erlie." Nagtatalon-talon ang dalagitang parang naninigas ang mga kamay na laging nakaangat. Tapos tumitingin-tingin sa paligid na lumalabas-labas ang dila habang titirik-tirik ang mga mata na animo'y nasisilaw sa sinag ng araw. SAMANTALA'Y hindi naman magkanda-uga-ugaga sina Aling Vergie sa paghahanap kay Erlie ng mga sandaling iyon. Iniwan lang ni Aling Vergie saglit ang anak kanina dahil nagpakain siya ng manok. Nang bumalik siya ay wala na si Erlie. "Nasaan na ba kasi ang batang 'yon?!" Kahit ang mga kalugaran nila ay nakihanap na rin. Pagabi na kasi kaya alalang-alala na sila sa dalagita. "Hahanapin ko roon sa kabilang baryo." Pagkukusa ng isa sa asawa ng kapitbahay ni Aling Vergie. Si Mang Ernesto. "Sige nga, Ernesto. Baka napunta na naman siya roon." Mabilis na tumakbo si Mang Ernesto. At 'di nagtagal nakasalubong na nga nito si Erlie na inaalalalayan ni Niel. Magkakilala sila ng binata dahil ganoon naman sa probinsya, lahat ng tao ay magkakakilala. "Niel, saan mo siya nakita?" Nakialalay agad si Mang Ernesto. "S-sa tindahan po," pawisan na sagot ng binatilyo at medyo nautal. Napansin ni Mang Ernesto na parang galing sa iyak ang dalagitang wala sa matinong pag-iisip. Humihikbi-hikbi pa kasi ito. "Bakit siya umiyak?" tanong ni Mang Ernesto. "Ayaw po kasing umuwi. Pinipilit ko po kaya umiyak," sagot ng binatilyo na napakamot ulo. Kapansin-pansin na balisa talaga ito. "Ganoon ba. Oh, siya sige umuwi ka na. Ako nang bahala sa kanya na mag-uuwi." "Sigurado po kayo?" "Oo, sige na." "Sige po." Agad tumakbo paalis ang binatilyo. Parang may tinatakasan ito na hindi mawari. Inalalayan naman agad ni Mang Ernesto ang dalagita. "Halika na, Erlie. Uwi ka na." "Yaw! Raro! Raro t-tayo!" sabi ng dalagita na may madaming iling pa. "Gusto mong maglaro? Anong laro?" Humagikgik ang dalagita. At ngumisi naman si Mang Ernesto sa biglaang naisip na hindi maganda..... Nagdaan pa ang ilang oras. Iyak nang iyak na talaga si Aling Vergie dahil gabi na pero wala pa rin si Erlie. Napuntahan na nila ang lahat ng alam nilang mapupuntahan ng dalagitang anak niya pero wala pa rin. "Diyos ko! Ang anak ko!" Labi-labis na ang pag-aalala ng ginang. Hanggang sa may isang kalugaran na nila ang nakatanaw sa dalagita at kay Mang Ernesto. "Ayan na pala sila, eh!" Agad sinalubong ni Aling Vergie ang anak at niyakap nang mahigpit. Umiyak siya nang umiyak dahil kahit ganoon ang kondisyon ng bunso niyang anak ay mahal na mahal niya si Erlie. Dalawa lang kasi ang anak niya at 'yong panganay ay nasa abroad, babae rin. Si Gina. "Pasensiya na. Natagalan kami kasi ayaw magpauwi. Doon pa sa kabilang baryo ko nakita kaso gusto maglaro kaya pinagbigyan ko muna," paliwanag ni Mang Ernesto. "Eh, bakit ganyan naman na ang dumi niya?" puna ng isang kapitbahay. "Naglulupasay sa lupa kasi ayaw pauwi talaga. Pawis na pawis nga ako sa batang 'yan." "Salamat, Ernesto, at nahanap mo ang anak ko. Salamat talaga!" Laking pasalamat naman ni Aling Vergie kay Mang Ernesto. "Sino ba naman ang 'di magtutulungan? Ang mabuti pa ikandado mong mabuti ang bahay niyo kapag 'di mo siya isasama sa mga lakad mo ulit at baka mawala na naman. Palayo na nang palayo ang nararating ng batang 'yan." Napaiyak ulit si Aling Vergie na niyapos-yapos ang tatawa-tawang dalagita. Ang totoo ay hindi na niya alam kung paano pruprutektahan ang kanyang anak dahil mag-isa lang siya sa nagtataguyod dito at nagbabantay sapagkat matagal nang namatay ang kanyang asawa. Pasalamat lang niya at mabait ang anak niyang si Gina na nasa abroad. Si Gina ang tumutulong sa kanila lalo na sa mga pangangailangan ni Erlie financial.........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.5K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
60.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.6K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
275.6K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook