Chapter 14 Jewel's POV "ANO!?" Nanlumo ako sa reaksyon ng aking mga kaibigan. Gustuhin ko mang mainis sa kanila, ay hindi ko magawa. Tumango ako at napatungo sa aking kinauupuan. "Jewel?" Malamlam ang boses ng aking mga kaibigan ng tawagin nila ako. "Paano nalang kapag nalaman ito ni Tom?" Nag-aalalang tanong ni Jen at hinaplos ang aking likuran. "Natatakot akong sabihin sa kanya, iyan ang totoo." "Kailan mo naman sasabihin sa kanya? Kapag kung saan malala na yang sakit mo? Come on! b***h!" Galit na sabi ni Tine, subalit halata naman sa bosea nito ang pag-aalala sa akin. "Kailangan mo ng magpaopera, Jewe, sa lalong madaling panahon, habang maliit pa yang cess sa matris mo." Suhisyon naman sa akin ni Mitch. "I know, but----" Natigilan nalang ako at bumuntong hininga. "Ano?!" Si