ELLA'S P.O.V Halos ayaw kong imulat ang mga mata dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga brasong nakayakap sa akin. Panandalian kong nakalimutan ang takot na nararamdaman nang dahil kay Jack. Ngunit nanatili pa rin akong nakapikit. Mas lalo kong dinama ang pagkayakap ng taong hindi ko kilala. Pagkakataon ko na humingi ng tulong sa kanya para makaiwas kay Jack. "Miss are you okay?" tanong nito na patuloy akong niyayakap. Tumango-tango ako bilang sagot ko sa kanya. I was fascinated with his voice. Parang narinig ko na ang maganda niyang boses. Pilit kong inaalala ang bagay kong saan ko narinig ang kaparehong boses na mayroon ang lalaking ito. Ngunit iwinakli ko ito sa isipan dahil mas kailangan ko ang tulong niya sa ngayon. Siya lang ang tanging makakapitan ko para mapatigil si Ja