ELLA'S P.O.V Maaga akong gumising para mag-empake ng mga gamit dahil hindi ko nagawa kagabi. Iniwan kong mahimbing na natutulog si Darren. Bumaba ako para magluto ngaming almusal. Dahil 10am ang aming alis. Matapos kong magluto ay nagpasya akong maligo bago gisingin si Darren para mag-almusal. Himala at tulog pa rin, natapos ko na lahat-lahat mahimbing pa rin itong natutulog. "Hon gising na, tinanghali ka na kaya." Dahan-dahan ko siyang tinapik sa balikat ngunit hindi ito sumagot. Muli ko siyang tinawag at umupo sa kama. "Awww..." Sigaw ko sa gulat ng bigla niya akong niyakap at pinahiga sa kama. "Good morning hon! Ang bango-bango naman," wika nito at mahigpit akong niyakap. "Hey, maligo ka na kaya!" pagtabuyan ko sa kanya. "Saglit lang at gusto pa kitang yakapin," wika nito a