Tahimik lamang akong naghihintay rito sa isang tabi habang hinihintay ang mga kasamahan ko na matapos-tapos sa kanilang pagsusulit. Hindi naman sa minamaliit ko ang kanilang kakayahan pero sa tingin ko ay mahihirapan sila na maipasa sa mga oras na ito. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung matatapos ko ba ang pagsusulit kung hindi ako sinabihan ng boses na iyon sa kung ano ang aking gagawin. Hindi ko alam kung bakit ngunit, simula noong pumasok ako sa kaharian na ito ay kung ano-ano na ang aking naririnig. Inilibot ko ang aking paningin at tinignan kung ilang tao na ang naririto. Napakarami pa pala namin, akala ko ay nasa sampu na lang kami. Mukhang mali ang paghusga ko sa kanila ah? Mukhang may ikabubuga rin pala ang mga ito. Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Tinignan ko ang mga