Tahimik kong inilibot ang aking paningin at tinignan isa-isa ang mga estudyante na naririto. Sa aming kaharian, hindi ganito ang mga estudyante roon. Lahat sila ay may kani-kanilang mundo, kung mayroong ganitong event sa paaralan ay wala silang pakealam. Minsan nga ay nagkaroon ng assembly doon ngunit balita ko ay kahit ni isang estudyante ay walang pumunta. Hindi ko alam kung bakit na isipan pa nilang gawin iyon gayong alam naman nila na walang pakealam ang mga estudyante roon. Ni isang beses ay hindi ko pa naranasan na dumalo sa mga ganitong klaseng pagtitipon. Oo nga at magulo pero kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng mga tao.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ana?” Ibinaling ko ang aking paningin kay Morris nang bigla ako nitong tawagin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit?” Ta