University 67

2607 Words
“Manahimik ka nga, Morrisay.” Saad nito at tuluyan nang lumabas ng silid. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Minsan talaga ay pikunin iyong si Athena, minsan naman ay walang tigil sa pagbanat. Siguro ay sa labis na pagkahiya ba naman ng kaniya ngayon, sino ba naman ang hindi mapipikon?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumawa lamang si Morris at sumunod na rin sa kaniya, samantalang si Forrest naman ay sinundan ang kaniyang fiancée at inalalayan ito. Maaring dahil baka kung ano na naman ang gagawin ni Athena dahil sa inis.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ang lakas mo talaga mang-asar,”sabi ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hayaan mo ‘yon. Hindi naman iyon magtatampo sa atin kahit ilang beses pa natin siyang asarin,”saad nito, “Alam mo bang nahihiya lamang iyon dahil sa ating nasaksihan?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Obvious naman,”tugon ko, “Sino ba naman ang hindi mahihiya sa ganoong kalagayan.” “Ako.” Natatawa niyang tugon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Minsan ang kapal-kapal din pala talaga ng mukha mo,”sabi ko at tumawa na lang.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kakaibang-kakaiba talaga ang kaharian na ito sa kaharian ng Fiend. Ibang-iba ang mga taong nakatira at kung paano sila kumilos. Kung sa kaharian ng Fiend ay walang tigil sa pagtataasan ng nakuhang marka o kung sino ang mas makapangyarihan, dito naman ay parang ginagamit lamang nila ito sa oras na kinakailangan. Tila ba ay wala silang pakealam sa marka at ang pinaka-importante lang dito ay makapasa silang lahat.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung may nahihirapan man na alamin o tapusin ang isang task. Tinutulungan nang mga ito ang isa’t-isa na kahit kalian ay hindi ko nasaksihan sa aming kaharian. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilibot ko ang aking paningin habang tahimik lamang kaming naglalakad ni Morris patungo sa cafeteria upang kumain ng lunch. Hindi ko maiwasan na mapansin ang ibang estudyante rito na abala sa pag-uusap-usap o tawanan. May iba naman na tahimik lamang na nakatayo habang nakatingin sa kanilang mga libro. May iba naman sa kanila ay nag-aasaran na para bang walang ibang tao sa kanilang paligid.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung sa paaralan na ito ay namamayani ang kasiyahan at pagkakaisa, kasalungat naman ang aming kaharian. Hindi mo makikitang nakangiti ang bawat estudyante roon, kung mayroon man ay talagang malalaman mo na may pinagti-tripan ang mga ito o kaya ay mayroon silang ginagawang masama.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Magkaiba ang kasiyahan ng kaharian namin sa kaharian nila rito, masiyado silang pure rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hello, Morrisayy!” Sigaw nang isang babaeng pula ang buhok at naka-suot ng ball gown. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ang ganda ng babaeng ito. Hindi ko alam kung possible ba ang ganitong klaseng mukha dahil sa sobrang ganda niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapatitig. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isa pang bagay na na pansin ko ay ang suot nitong korona. Isa bai tong reyna? Ngunit hindi ko naman siya nakita sa ceremony kanina, maaring isa itong prinsesa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Teka, paano naman makikilala nang isang prinsesa si Morissay na isang simpleng estudyante lamang? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Oo nga pala, mayaman ang mga pamilya ng aking mga kaibigan kaya hindi malabong magkakilala ang mga ito sa royalties ng Kaharian ng Magiya. Hindi lamang ako umimik at nanatili sa likod ni Morris at tinignan ang babae. Mukhang sanay na sanay na naman itong titigan dahil parang wala lamang itong pakealam sa mga ipinupukol kong mga titig.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Y-your highness!” Utal na bati ni Morris at yumuko nang bahagya sa prinsesa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Gulat na gulat naman ang babae na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ni Morris. Ano naman ang nakakagulat sa bagay na iyon? Napapailing na lamang ako at sinunod na rin ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Y-your highn—oh, yes,”tugon naman ng prinsesa na para bang hindi sigurado sa kung ano ang kaniyang gagawin, “Maari mo ng itaas ang iyong ulo.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Thank you, your highness,” Pasasalamat ni Morris, “What are you doing here, your highness? Aren’t you supposed to be with the Queens and Kings?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Halata sa mukha ng babae ang pagkailang at nanatili itong nakatitig sa mukha ni Morris ngunit tila ba ay kinakausap nito ang mga mat ani Morris pero bigla rin itong nagbago.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Yes but I have decided to look around the campus because I miss being in this place,”tugon nito, “How about you? What are you doing in this place? Where are they?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Where are they? Is she talking about Athena, Forrest, and Mark?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mukhang malapit nga sila sa mga hari at reyna ng kaharian. No wonder.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Papunta pa po kami sa cafeteria upang kumain ng lunch, naroroon na po sina Athena at Forrest. Hindi ko nga lang po alam kung nasaan si Mark,”paliwanag nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nasa likod pa rin ako ni Morris at nanatiling tahimik. Hindi yata ako na pansin ng prinsesa kaya hindi na ito nagtanong. Ayaw ko rin na kausapin ako ng babaeng ito kaya mabuti na lang at hindi naisipan ni Morris na ipakilala ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oh, is that so.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Yes, and oh, by the way—I want you to meet our new friend, Ana.” Pagpapakilala ni Morris sabay tabi sa akin. Kakasabi ko lang na Mabuti na lang at hindi niya na isipan na ipakilala ako at talagang ginawa ba naman. Akala ko pa naman ay makakalusot ako rito. “Hello there.” Bati ng prinsesa at ngumiti sa akin. Dahan-dahan itong naglakad papalapit. “Good afternoon, your highness. It’s a pleasure to speak with you today,”sabi ko at yumuko muli. “Likewise, so you are their new friend, huh. Aren’t they giving you any headaches?” Tanong ng prinsesa at tumawa nang bahagya. Kahit ang pagtawa nito ay sobrang elegante, tila ba ay makabasag pinggan. Mahahalata mo talaga na ilang taon itong nag-ensayo para manatiling maayos ang kaniyang paglakad, pagkilos, at iba pa. “Hindi naman po. They are all good, fun, and easy to be with,”sabi ko at ngumiti rito. “Mabuti naman kung ganoon. Ngayon ko pa lang sila nakitang may kasamang ibang tao, isa pa mukhang napamahal ka nan ga sa kanila. Hindi ko inaasahan ito, magandang balita para sa mga hari at reyna.” Kwento nito. Magandang balita para sa mga Hari at Reyna? Bakit kailangan niyang sabihin ang tungkol sa bagay na ito sa mga hari at reyna? May magandang maidudulot ba ito para sa kanila? Nagtataka man ay ngumiti lamang ako sa kaniya. “Uh-I mean, the Queens and Kings let me go out and stroll on the campus because of this. They want me to look into the students and tell them everything that I find interesting and since Morris and those guys are close to me, I want to share this good news with them,”paliwanag nito at ngumiti ng malapad. Sobrang kalmado ng kaniyang mukha. Sobrang ganda niya talaga. Hindi ko nga alam kung ano ‘yong sinasabi niya dahil talagang nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oh.” Bulong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Anyway, I really have to go. My Mom and Dad are probably waiting, you guys should take your lunch too.” Ani nito. Tumango lamang ako at si Morris naman ay ngumiti. Sabay-sabay kaming yumuko at nagpaalam na. Pagkaalis ng prinsesa ay nagsimula na rin kaming maglakad patungo sa cafeteria. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumahimik ang babaeng ito pero siguro naman ay may rason siya kung bakit. Maaring na pagod ito sa pakikipag-usap sa prinsesa. “Ana?” Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa tumawag sa akin at nakita si Morris na nakatitig sa akin. Nag-aalala ang kaniyang mga mata at parang kinakabahan. “Bakit?” Tugon ko. “Pasensiya ka na,”bulong nito at yumuko. Kasalukuyan na kaming nasa harapan ng malaking pinto ng cafeteria ngunit wala pa yata itong balak buksan dahil bigla itong tumigil at humarap sa akin. Ano ba ang problema nito? “Para saan?” Tanong ko. Hindi ito umimik kaagad at bagkos ay bumuga ito nang marahas na hangin. “Hindi namin sinabi sa iyo ang patungkol sa pagiging malapit namin sa mga Hari at Reyna,”tugon nito. “Hindi mo naman kailangan humingi ng tawad dahil lang doon,”natatawa kong sabi at hinawakan ang kaniyang balikat, “Kahit pa nga siguro ay isa kayong prinsesa at prinsipe ay hindi ako magagalit. Sigurado naman akong may valid kayo na rason kung bakit niyo ito tinatago, malamang ay ayaw niyo lang pagkaguluhan kayo ng mga estudyante rito.” Of course, hindi iyon totoo. Kung talagang mga prinsesa at prinsipe sila sa iba’t-ibang kaharian, hindi ko na yata alam kung ano ang aking gagawin. Ngunit, sigurado naman ako na malabong mangyari iyon. Paano magiging prinsesa at prinsipe ang mga walang kapormal-pormal na mga taong ito? Oo nga at minsan ay maayos sila umasta pero mostly, talagang wala silang pakealam. “Talaga?” May bahid na kasiyahan ang tanong nito. Tila ba ay nahimasmasan ito dahil sa kaniyang nalaman. “Oo naman, ano ka ba. Basta kung may tinatago man kayo sa akin, maiintindihan ko naman iyon..” Dahil kahit ako ay may tinatago rin naman sa inyo. Kung alam niyo lang.. “Yay!” Sigaw nito at kumapit sa aking braso, “Tara na at kumain. Mas lalo akong na gutom dahil sa nangyari kanina.” “Ako nga rin ay gutom na gutom na. Hindi ko inaasahan na makakakilala ako ng isang prinsesa,”tugon ko. Hindi na umimik si Morris at tinulak na ang pagkalaki-laking pintuan. Bumungad sa amin ang ingay mula sa loob at ang mabangong amoy na nagmumula sa iba’t-ibang pagkain na hinanda ng mga chief dito. Abala na ang lahat sa pagnguya at pag-uusap-usap. Napakadaming tao pala rito. Hindi ko na nga mabilang kung ilan. “Nasaan ba ang mga iyon.” Bulong ni Morris at inilibot ang paningin. Sa dami ba namang tao rito ay talagang malabong makikita namin sila Forrest ngunit, dahil sa biniyayaan ako ng matalas na paningin ay agad kong nakita ang kumakaway na Athena. “Ayon!” Sigaw ko at tinuro ang gawi ni Athena, “Tara na.” Tumango lamang si Morris at nagsimula na kaming maglakad doon. Marami na ring pagkain na nakahanda sa mesa na kung saan sila naka-upo at saka ko lang din na pansin na kasama na pala ng mga ito si Mark. Hindi ko siya na pansin kanina dahil nakatitig lamang ako sa pagkain na nasa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD