Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatanong kung paano ako na tawagan ni Aris despite sa mga barrier na inilagay nila sa kaharian na ito. Huwag nilang sabihin na humihina na ang kakayahan ng mga taga rito? Hindi kaya ay nanghihina na ang kaharian ng hangin? Sa pagkakaalam ko ay sila ang pumprotekta sa kaharian ng Magiya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ At napapaisip din ako sa kung ano ang gagawin ko ngayon. Kung ano ang dapat kong puntahan para sa aking operasyon na paghahanap ng mga impormasyon patungkol sa kaharian na ito. Marami na rin naman akong alam tungkol sa Magiya dahil sa history lessons namin pero ramdam ko talaga na may kulang.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ana.” Mabilis akong napalingon sa taong bigla na lang nagsalita sa aking likuran at nakita s