Mabilis ko iniwas ang aking paningin at muling tinignan si Morris na naglalakad na patungo sa gitna ng field. Ayan na naman ang mga titig niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba nito ang mga ganoong klaseng paraan ng pagtingin sa akin o hindi. Gusto ko na lang tuloy lamunin ng lupa at huwag na siyang pansinin. Pwede bang umalis na sa siya sa tabi ko? Parang aabutin pa yata ako ng ilang araw bago ako makatulog.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Baka mamaya ay mahihirapan na naman ako sa pagtulog nito. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan at tinuon ang aking atensiyon sa kaibigan ko. Malakas naman ang kalaban niya pero walang-wala ito sa kakayahan ni Morris. Sa unang atake pa lang ay makikita ng wala sa babaeng kalaban ni Morris ang advantage.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bago pa nagsimula ang labanan ay agad na