Another test? Akala ko ba ay tapos na ang pagsusulit namin? Bakit may panibagong test na naman? Hindi ba at nakapasok na kami sa University, bakit kailangan dumaan na naman kami sa panibagong pagsusulit. Hindi ko talaga maintindihan ang paaralan na ito. Isang marahas na hangin ang aking ibinuga bago tignan ang mga kasama ko. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata, lalong-lalo na kay Athena. “Akala ko ay tapos na ang paghihirap natin,”sabi ni Athena at tumingin sa akin, “Mukhang aasa na naman tayo kay Ana ngayon.” Hindi lahat ng pagsusulit ay kaya kong ipasa. Baka nga itong pagsusulit pa na ito ang magiging dahilan kung bakit ako hindi makakapasok sa paaralan. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng pagsusulit ang naghihintay sa amin. Umayos ako nang tayo at nanatiling nakatitig sa taong