May mga libro sa silid ni Eros. Napilit ko siya na basahin ang isa sa mga paborito niya para malaman ko kung hanggang saan ang kakayahan niya. Nagpunta kami doon sa napakagandang hardin ng mga Hontiveros para doon mag-aral. Binigyan ako ng lecture guide ni Miss Mendez at iyon daw ang sundin ko.
“Aris, Eros, Aris, Eros. W-we are compatible,” ani Eros na nagawa pang ituro kaming parehas.
“That’s right!”
“Hades, what a ya d-doin here? Dat is my shirt, Hades. It’s my fevorite.” Napalingon ako sa likuran at nakita si Hades na nakasuot ng t-shirt na itim, si Iron Man ang disenyo sa harapan.
“No! We bought two shirts! Yours is yellow, this is black. This is mine.”
“But dat is I-Ion man.”
“Pwede mong i-check kung nasaan ang sa ‘yo.”
Tumayo mula sa iron chair si Eros at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nila.
“Augh! Thank you, ha? Nawala tuloy ang alaga ko.”
He grins. Pinagkrus ang mga braso.
“Anyway, since you’re here, may mga bagay ba ako na dapat malaman tungkol kay Eros?” Nagmadali si Miss Mendez na umalis kaya hindi ko na siya nausisa sa iba pang detalye.
Umupo si Hades sa silya na naroon sa tapat ko.
“I’m more handsome than him.”
Kung may iniinom siguro akong juice sa kasalukuyan, malamang na naibuga ko na iyon sa kanyang mukha. I deadpan instead.
“Mas pogi rin ako kay Park Seo-joon. Hmm… what else? Wala pa akong naging girlfriend.” Halatang nakapag-research na siya tungkol sa Korean actor sa maikling oras.
“Ang tinatanong ko ay tungkol sa kapatid mo at hindi tungkol sa ‘yo.”
“Nagsimula akong makipag-s*x noong seventeen ako, while Eros, no girlfriend since birth. Hindi pa siya nahalikan.”
Umasim ang mukha ko. “Seventeen ka noong nagsimula kang makipag-s*x pero hindi mo sila girlfriend?”
“Curious much?”
Yeah! Bakit nga ba mabilis na napalitan ang atensiyon ko sa kanya. “Never mind!”
“Since gusto mong malaman, no, hindi pa ako nagka-girlfriend. Masyado akong pogi para magkaroon ng girlfriend.”
My lips twitch. Mas lumalala yata ang kanyang hanging-habagat. Sa kabilang banda ay naisip ko kung nagawa rin niya ang ginawa niya sa akin sa iba pang babae. Popular siya sa school namin. Maraming estudyante ang handang magbaba ng panty nila para sa anak ni Mayor at star player ng Net Rippers.
“Pwedeng magtanong?”
“Sure!”
“I know this is stupid to ask, but have you tried… Ang ibig kong sabihin ay kung nagawa mo na rin ba sa iba ang ginawa mo sa akin noong una? I mean forcing yourself to someone? May iba ka bang naging biktima?”
Kalokohan talaga na tanungin ko si Hades sa history niya. Sa loob kasi ng maikling panahon na nakilala ko siya, ibang-iba ang pagkatao niya sa ipinakita niiyang anyo sa akin noong unang gabi. Iyon ang hindi ko maintindihan. Gusto ko lang malaman kung may naging biktima na ba siya para alam ko kung saan ako lulugar.
Dumilim ang anyo ni Hades at saka ako pinakatitigan. Nagbago ang anyo sa kanyang mga mata. “Alice, I told you I’m not a rap*st! To answer your question, no! Ikaw lang ang katangi-tangi na nagawan ko ng gano’n. Hindi ko rin alam kung bakit, pero malakas ang libog na ibinibigay mo sa ‘kin.
“Gusto ko na nakikita na natatakot ka sa akin. Gusto ko na makitang nawawalan ka ng pag-asa. Pakiramdam ko ay may nahuli akong kakaibang babae. I don’t want to see you hurt, but I love it if I would be the cause of your cries. Your scent are also strong. I’m not sure how to explain it.”
Kung kalokohan ang tanong ko sa kanya, sa palagay ko ay mas kalokohan na sagutin niya ako nang tapat. Sinong nasa tamang katinuan ang sasabihan ka ng ‘I love hurting you’ nang normal at para bang hindi iyon nakakaalarma. May mali sa palitan namin ng usapan ni Hades; isang biktima at ang kanyang suspek. Pero kung mag-usap kaming dalawa ay para kaming magkaibigan.
Alam ko! Nakakabaliw hindi ba?
Nagpatuloy ako sa mga tanong. “Pero paanong nangyari iyon? I mean saan nagsimula?”
“Noong una tayong magkita, masyado kang matapang. Aware ako sa mga ginawa sa ‘yo ni Atlas at sa mga ginawa mo sa kanya. Alam ko rin kung ano ang mga pambu-bully na ginawa sa ‘yo sa school, pero hindi mo inintindi kahit alin sa mga iyon. Masyado kang matapang kung kumilos. Kahit noong unang engkuwentro natin ay nagawa mo pa rin pumasok.
“Kung ibang babae ang nakaranas ng mga ‘yon, malamang na nag-quit na sa school. Kaya matapos ang unang engkuwentro natin at makita kita na normal na nagawa pang pumasok ng klase na parang walang nangyari, it triggered me.”
“Triggered you to what?”
“To dream about you and me—to satisfy what’s inside my head. Buhay ang mga kuwento nating dalawa sa loob ng isipan ko. You love fvcking me, and I love touching you. Sa mga panahon na nangangati akong galawin ka, ang tanging magaagawa ko ay isulat iyon. Para bang nais kong angkinin ka sa kung saan ka man naroon na hindi ko pwedeng gawin kaya dinadaan ko na lang sa sulat.”
Kaya ba niya ako sinusulatan ng mga erotikong kuwento?
“Pero sigurado ako na magse-s*x tayong dalawa.”
Nais kong mahulog sa kinauupuan ko sa kanyang sinabi. Para bang sinabihan niya lang ako na iinom kami ng milktea sa labas ng school.
Affectionless type, dito yata nabibilang si Hades. Alam ko na may mali sa kanya, at ang aminin niya sa akin iyon ay isa sa mga patunay na may problema siya sa pag-iisip. Ngunit meron din yatang problema sa akin para kausapin siya! Parehas kaming nababaliw!
“It also triggered me to manipulate you,” pagpapatuloy niya.
Napaatras ako nang bahagya sa sinabi niya.
“I planned to groom you, Alice.”
Okay. That is something I didn’t expect! Bigla tuloy akong natakot. Napaisip ako sa ilang detalye at engkuwentro namin kung nagawa niya ba akong manipulahin. Sa nangyari kanina sa kuwarto niya, nagawa nga yata niya iyon noong humiling ako ng kiss. Nagawa ko ang mga bagay na hindi naman dapat. May kung anong enerhiya at bumalot noon sa dibdib ko para humiling sa kanya ng halik. Sht!
He laughs. “That was a joke! Oh, my fvckin’ God! Nakakatuwa ka talaga kapag natatakot.”
Nagniningning ang kanyang mata sa pagkaaliw sa akin.
Umasim ang mukha ko. “You’re annoying!” Noon ko muling pinasadahan ng tingin ang mga pasa niya sa katawan. “Anyway, saan galing ang mga pasa mo?”
Sumeryoso siya at sinagot ako nang hindi diretsahan. “You must keep a secret whatever you see in this home, Alice.”
Ikatlong beses ko na yatang narinig iyon; una ay sa kanyang ina, ikalawa ay kay Miss Mendez at sa kanya ang ikatlo. Napalunok na lang ako dahil wala akong magagawa sa puntong iyon. Narito na ako sa kanila at wala nang atrasan pa.
“It’s for your own protection. Kung nagawa niyang utusan ang mga tauhan namin para ako gulpihin dahil kay Eros, magagawa niya iyon sa tulad mo. Eros is the only family I have, I will kill for my brother. There is nothing wrong with him, but my mom seeing it differently. She was too obsessed with politics and her friends, but forgot about Eros. May sakit sa puso ang kapatid ko kaya kung mapapansin mo, may hingal siya sa tuwing magsasalita. Ang sabi ng doktor ay normal iyon sa tulad niya.”
Kita ko ang lungkot sa mata ni Hades. May nadiskubre na naman ako sa pagkatao niya.
Kung ganoon ay totoo ang sinabi ni Atlas, si Mrs. Hontiveros nga ang may gawa nito. Speaking of Eros, I have to look for him.
“Nasaan ang kapatid mo?”
“Malamang na kinalimutan ka na.” Tumayo na siya sa kinauupuan. “See you tomorrow, Alice.”
“Hindi mo ako maaasahan doon. Nasabi ko nang hindi ako mahilig sa party hindi ba? Isa pa, hindi maganda ang narinig ko sa mga nagaganap sa party sa school.”
May ilang estudyante na nakakapagpuslit ng alak papasok. May ilan pa nga na nagagawa na magtalik doon. Nope! I won't!
“You’ll come. I know you will, at magse-s*x tayong dalawa.” May naglalaro muling kakaiba sa likod ng kanyang mata. Kung plano niya akong galawin bukas, mas lalo akong lalayo sa party.
Kinabahan ako. Kailangan ko yatang maging alerto sa buong araw bukas.