C1. Narcissistic

1395 Words
TRIGGER WARNING: This book contains adult language and subjects, including graphic violence, explicit content, and assault on women that may disturb some readers. I do not intend this book for readers below adulthood. The first two chapters are alarming, you may skip this content. ALICE Alas-dose ng gabi. Ramdam ko ang pagod matapos ang night shift ko sa Sarap fast food kung saan ako nagtatrabaho. Ilang oras na bang gumagalaw ang utak at katawan ko? 20 hours? Yes. Alas-kuwatro ng madaling araw ako bumangon dahil kailangan ko pang mag-review para sa klase ko kaninang umaga. Exam week ngayong linggo at kailangan kong makapasa bago pa ako mawala sa listahan ng scholars. I’m in my second year in B.S. Psychology in one of the prestigious schools here in Santa Monica, Santa Monica University. Hindi ko kakayanin ang tuition kung sakali na malalaglag ako sa scholarship program nila. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral habang isinasabay ko sa trabaho sa isang maliit na fast food sa bayan. Wala akong choice kung hindi mabuhay sa ganitong paraan. Papasok sa oras ng klase at sa gabi naman ay kailangan kong magtrabaho bilang kahera o serbidora. Libre ang tuition ko pero hindi ang mga libro o iba pang kailangan ko sa school. Hindi libre ang pagkain ko sa araw-araw. Kailangan kong tulungan ang Nanay sa ilang gastusin. Ipinara ko ang tricycle para maihatid ako sa amin. “Sa Baryo Uno!” Mabilis akong sumampa para makauwi na. Dahil sa malamig at masarap na amoy ng hangin ay hindi ko napigilan na maghikab. Nagluluha na ang mata ko sa sobrang antok at pagod. Ilang saglit lang ay may pumara rin sa tricycle at pagkatapos ay sumakay ito at tumabi sa akin. Nakulong ako sa loob dahil sa laki ng kanyang katawan. Sa normal na pagkakataon, alerto ako bilang babae at madalas na mapanuri ako sa mga bagay-bagay, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi sa pagkakataong iyon. Normal naman na may isinasakay ang tricycle lalo na kung iisang baryo ang direksiyon namin—iyon siguro ang dahilan. O kaya naman ay dahil sobrang pagod ko. Para akong inihehele ng malamig na hangin na sinasalubong ng tricycle, ng tunog ng motor nito at ng galaw ng sinasakyan ko. Hindi ko napigilan ang antok at talagang napapikit ako. Nagdilat ako ng mata dahil tila kanina pa nakahinto ang tricycle. Nahintakutan ako nang makita ko si Atlas na nakayuko sa bubungan. “Hey there, little p***y!” Nakataas ang sulok ng kanyang labi kaya nakaramdam ako ng panganib. “Nasaan ako?” Nahintakutan ako nang mapuna ang kalsada na hindi pamilyar sa akin. Panay ang lingon ko sa paligid. Nasaan ang tricycle driver? Hindi ko siya makita sa paligid. “Shhh…” May sumilip sa tricycle na nagpalundag sa puso ko. Ang kasama niya sa basketball team na si Barry. “Bring her in!” ani Atlas. “No!” Ngunit bago pa ako makatili ay ikinulob na nang mahigpit ni Barry ang bibig ko at saka walang hirap akong nailabas mula sa loob ng tricycle. Limang pulgada at apat ang taas ko, ngunit walang-wala ito sa mga taas nila na mahigit sa anim na talampakan at makikisig na katawan. Dinampot ni Atlas ang bag ko na naroon sa paahan ng pasahero sa loob ng tricycle. “Ehhmmm!” Pinipilit ko na makakawag, ngunit hindi man lang sila natinag. Hawak ni Barry ang torso ko habang inipit ni Atlas ang magkabila kong binti para hindi ako makakilos. Ipinasok nila ako sa bahay kung saan huminto ang tricycle. Isang bahay na walang kagamitan bukod sa lamesa at isang sofa ang napansin kong naroon sa loob. Ipinasok pa nila ako sa loob ng isang silid kung saan naroon ang malapad na kama. Inihagis nila ako roon. Nagkikiskis ang ngipin ko na tumayo. “Abduction ito! Alam n’yo ba na pwede kayong makasauhan nang walang piyansa?!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Naninigkit ang mata ni Atlas na lumapit sa akin matapos na basta ihagis sa kung saan ang backpack ko. Mabilis niyang nahawakan ang magkabila kong kamay at saka ipininid ang mga iyon sa pader sa itaas ng ulo ko. Sinubukan kong makalaya na hindi ko magawa. “You know what, little p***y? Walang katuturan itong ginagawa mo. You’re so weak!” “Don’t call me ‘little p***y’, g*go!” Kulang na lang ay duraan ko siya sa mukha. Nagbukas ang pintuan at pumasok ang isa pang miyembro din ng Net Rippers, si Hades. “Ang ingay n’yo!” Napalunok ako dahil wala siyang suot sa kasalukuyan. He was bare! Basa pa ang kanyang buhok na para bang galing siya sa pagligo. Ngunit hindi iyon ang tanong, bakit parang balewala sa kanya kung makita ng lahat ang kanyang hubad na katawan? Alam ba niya na hindi pa ako nakakita ng hubad na katawan ng lalaki? Ang sabi ni Mrs. Morales, ang professor ko sa Psychology 101, kapag ganito ang tao, masyadong mataas ang kumpiyansa sa sarili. He loves himself too much. A narcissistic! Though most women in the school love Hades. Tinapangan ko ang sarili ko. Pinaningkitan ko sila ng mata. Itinuon ko ang tingin ko kay Atlas. Bakit ko sila kilala? Popular sila sa school. Wala yatang hindi nakakakilala sa kanila. “We have a little p***y here,” ani Atlas, nakangisi. Bumabalot sa akin ang kaba ngunit hindi ako nagpatinag sa kanila. Ang tao kapag nakitang mahina ka, lalo silang matutuwa sa ‘yo. “Bitiwan mo ako!” asik ko kay Atlas na pinilit na makaalis sa pagkakahawak ng kanyang kamay. Nabigla na lang ako nang dumampi sa dibdib ko ang kanyang palad. Doon ako nagsimulang panlamigan. Minasahe niya iyon. “Tsk! Akala ko pa naman ay masarap sa pakiramdam itong s**o mo, wala man lang mahawakan.” “Bitiwan mo ako!” galit kong sigaw sa kanya. “You were jealous of Sanya. Gusto mo rin mapisil ni Atlas?” ani Barry na naaaliw. Nahuli ko si Atlas ilang linggo ang nakalipas na kinukulit si Sanya sa isang classroom. Kaklase ko ang huli sa Science, Technology and Society. He’s harassing her. Ang pagkakaalam ko ay nagkaroon sila ng saglit na relasyon pero nahuli ni Sanya si Atlas na nambabae kaya nakipaghiwalay ito. Hindi iyon nagustuhan ng lalaki kaya pineste nito si Sanya. I must do something. Ang problema ay humingi sa akin ng saklolo si Sanya. Binuksan ko noon ang camera ng cellphone ko at ipinanakot ko iyon sa kanya. Isinumbong ko si Atlas sa guidance. Sinabi ko ang mga nakita ko at nakita sa camera. Ang rason ko ay para hindi na niya ulitin pa ang ginawa niya. Akala ko ay ayos ang ginawa ko ngunit nakatanggap ng kakaiba at mapanuring tingin si Sanya. The students and his other girlfriend harassed Sanya. Naging dahilan iyon para umalis ng bayan ng Santa Monica si Sanya at ipinadala ng magulang nito sa Maynila para doon ito mag-aral dahil hindi maganda ang karanasan nito rito. “Bitiwan mo ako!” Ngunit nanlamig ang katawan ko nang pumisil pa lalo ang isa niyang kamay sa dibdib ko. Kita ko ang paglalaro sa mata ni Atlas. Napangiwi ako sa sakit ng ginawa niya. “R*pe! Tulungan n’yo ako!” sigaw ko. Sigurado na naririnig ako ng kapitbahay, hindi ba? I feel violated! Unang beses na may gumawa nito sa akin! “Tsk! Tsk! Walang makakarinig sa ‘yo rito, little p***y,” ani Barry. “You must know it's a pleasure being r*ped by the Net Rippers,” madilim na sabi ni Hades. Nanlamig ang balat ko sa sinabi niya. No, hindi nila gagawin! They are Net Rippers! Kita ko ang naglalaro na kakaiba sa kanyang mata. Are they going to do that? “Feel her t**s,” udyok ni Atlas kay Barry. “Bakit n’yo ginagawa ‘to?!” Iniikot-ikot ko ang katawan ko habang hawak ni Atlas. Hindi ako papayag na magpatuloy ito. “Isusumbong ko kayo sa coach n’yo! Isusumbong ko kayo sa guidance!” “Oooooh, I’m scared,” ani Hades na halatang hindi man lang natinag. May naglalaro na kakaiba sa kanyang mata. Sa palagay ko, sa kanilang tatlo, pinakadelikadong tao si Hades. He’s the mayor’s son. Kita ko sa kanyang mata ang pagpasada niya sa pagkatao ko. Nagsimulang gumapang ang takot sa balat ko habang pinararaanan niya iyon. I must do something.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD