CHAPTER SEVEN- THE OFFER

2002 Words
MARA Mula nang bumalik si Mara, mula sa club na dalawang araw na ang nakakalipas ay patuloy pa rin itong kumikilos nang kakaiba. Umakyat ako sa silid nito at kumatok. Bukas na rin naman ang pintuan kaya pumasok na ako. “Mara, okay ka lang ba?” Tanong ko dito. "O-Oo ayos lang ako, bakit?” Sagot naman nito. "Mukhang hindi ka ayos. May nangyari ba sa club noong isang gabi” tanong ko pero na nahimik lamang ito. “Kausapin mo ako Mara, nagtanong ako sayo? Kung may problema ka puwede ka namang mag share sa akin?” malumanay kong saad dito. “P-posibli bang magkagusto ka sa isang tao, kahit isang beses mo pa lang siyang nakakaharap?" tanong niya kaya natawa ako. "Ano! Iyon lang pala! Akala ko kung ano na, okay kanino ka naman nagkagusto, aber?” tanong ko. "Iyon ang problema Nora, hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko nga nakita ang mukha niya,” Buntong hininga nito at nakapangalumbaba pa. "‘Wag mong sabihing multo iyon?” Ako habang natatawa pa. “Hindi, siguradong hindi siya multo o kaluluwa. Kasi naramdaman ko siya. Pagkatapos kung sumayaw sa club ay umakyat ako sa itaas upang magbihis sana ng biglang namatay ang ilaw at pagkatapos noon ay may bigla na lamang isang kamay ang pumigil sa akin at isinandal niya ako sa pader at sinimulan niya akong hawakan.” tulalang usal nito. “Nababaliw na ata ako Nora, dahil lumalakas ang t***k ng puso ko kapag naaalala ko siya, kahit hindi ko sigurado kung totoo siya o katahang-isip ko lamang dahil nakainom ako ng alak that time!” paliwanag niya sa akin. “Naku, patay tayo diyan. Seryoso ka ba talaga diyan?” sabi ko kaya tumingin ito sa akin at tumango. “Paano ka magkaka-gusto sa kanya?Dahil lamang sa hinawakan ka niya? Ganoon lang?” dagdag ko pa at napatampal sa noo. "I know Nora , I think I'm going to crazy, maybe kailangan ko munang magpalamig,” sabi nito at pumunta sa kanyang aparador. Naglabas ito ng short skirt and a crop top at sinuot iyon. "At Saan ka naman pupunta? 'Di ba day off mo ngayon?” Nagtatakang tanong ko dito. "Sa bar na malapit lang dito, babalik lang ako agad," She said and picked up his phone and wallet then he left me in her room. Kaya lumabas na rin ako sa kwarto nito habang na iiling pa rin ako sa inaakto ni Mara. Lalaki lang nagkaganyan na siya jusmiyo. Sambit ko bago ako pumasok sa sarili kong silid. Lasing ako ng maka-umuwi ako sa bahay ni Nora kagabi, hindi na muna ako umuwi sa amin at nagpaalam ako kay nanay na kina Nora muna ako mag-e-stay nang ilang araw. Pumayag naman si nanay na kasalukuyan pa ring nasa ospital dahil hindi pa tapos ang pagtitreatment kay kambal, matapos itong ma-operahan kaya lalong nadadagdagan ang bayarin ko sa ospital. tumayo ako mula sa aking kama at nagtungo sa banyo, matapos kong makapag hilamos ay bumaba ako upang ihanda ang aming agahan at alam kung pagod si Nora kagabi gunit nasa kusina na ito at nagluluto na. “Good morning,” Bati ko rito at pumunta sa lababo upang maghugas ng maruming mga pinaglutuan nito. "Good morning bebs, I hope you have a fun last night?” sagot naman nito sa kanya saka ngumiti. “Masaya naman,” sagot ko at sinuot ang guwantes sa kamay ko at nagsimulang maghugas ng pinggan. Matapos maghugas ng pinggan nilinis ko ang basurahan at inilagay sa basurahan ang mga balat ng gulay, pagkatapos ay nagtungo na ako sa hapag at sinabayan ko si Nora na mag-agahan. Nagkwentuhan kami nito sa nangyari sa club at marami raw agad naghanap sa akin kahit isang gabi lang naman akong hindi na kapasok iba na raw ako, wala raw makakapantay sa performance ko kapag nasa intablado ako, pero imbis na ikinatuwa ko ito ay umirap lang ako sa mga narinig ko at kailanman hindi ko maikakaproud ang ganitong uri ng trabaho. Pagkatapos mag agahan ay umakyat na ako upang maligo at magbihis. Kailangan kong bumisita sa ospital upang makita si Mira kung ano ng lagay nito ngayon. Bumaba ako at nakasalubong ko si Nora na maliligo ata sa swimming pool dahil na kabikini ito. “Oh, maaga ka yata ngayon, saan ka pupunta?” Tanong nito. "Pupunta ako sa ospital dadalawin at kukumustahin ko lang sana si Mira, babalik din ako agad bago mag gabi.” sabi ko sabay halik sa pisngi nito bago ako lumabas sa bahay niya. Hiniram ko ang isang sasakyan ni Nora, at pumyag naman halos kalahating oras lang ay nasa hospital na agad ako. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa parking lot at pumasok sa loob ng ospital. Pumunta ako sa ward nito at nakita ko siya na may kasamang isang nurse. "Mara?” tawag niya sa aking nang makita niya ako. “Hi, Bal,” bati ko rito ng may ngiti sa labi. "I-ikaw na ba 'yan?” tanong niya na gulat ang mukha. “Syempre ako ito, ano bang nararamdaman mo ngayon?” Tanong ko dito at lumapit ako, hinawakan ko ang kamay nito. “Gumagaling na siya,” sagot ng nurse kaya tumango ako. Umalis na ang nurse kaya humarap naman sa akin si Mira. "Anong nangyari sa iyo?” Tanong nito na nagtataka pa rin. "A-anong ibig mong sabihin na nangyari sa akin, syempre walang nangyari sa akin, ayos lang ako,” sagot ko naman. "I mean ang iyong panabamit, ang iyong buhok lahat ay nagbago na sa'yo. Alam ko na nagtrabaho ka bilang waitress tuwing gabi, sinabi na sa akin ni nanay tungkol dito. Kaya na pagamot mo ako, pero bakit nag-iba na ang ayos mo?” tanong nito sa akin sa paraang nagdududa. Kaya nangangahulugang wala ka nang pera ngayon para magpaganda kaya saan mo nakuha ang lahat ng iyan?” Tanong niya na may pagtataka. "Grabe ka naman nandito ako upang makita ka Mira at hindi para interbyuhin mo ako!” natatawang saad ko upang gumaan ang atmosphere sa loob ng kwarto kaya lang nakakunot lang ang noo nito. Kaya kinabahan ako. "Sorry, pero nagtataka lang ako ang dami nang nagbago sa'yo?” nagtatakang tanong niya sa akin. "Okay, ganito iyon. Pinahiram ako ni Nora 'di ba kilala mo naman si Nora? ‘Kaya tumango ito’ at kailangan kasi sa restaurant na maayos ang mga waitress doon kasi puro mayayaman ang kumakain doon. Kaya ito minake-over ako ni Nora para naman hindi daw ako mukhang dugyot sa harap ng maraming tao,” pagpapaliwanag ko kay Mira, kaya tumango at ngumiti na ito sa akin, nawala rin ang pagkakakunot ng noo nito at umaliwalas na ang kanyang mukha na parang nakahinga ng maluwag. "Nasaan nga pala si nanay?” pag-iiba kung tanong dito. "Umuwi muna siya upang kumuha ng mga gamit at extrang damit ko," sagot naman nito. "Salamat nga pala kambal sa mga sakripisyo mo sa akin, ako ang panganay, pero ikaw itong nagpapakandahirap para lamang sa amin, sorry kung itinago ko ang sakit ko sa inyo,” naluluha nitong paghingi sa akin ng tawad. "Ssshh! ‘Wag ka nang ma-guilty diyan, siguro kung ako ang nasa katayuan mo gagawin mo rin ito para sa akin at kay Nanay hindi ba?” Kaya tumango ito ng sunod-sunod. Kaya ‘wag mo nang sisihin ang sarili mo ang gawin mo na lang ay magpagaling ka at magpalakas ka para makabawi ka sa sarili mo, Ah! I love you kambal ko kahit kailan ay hindi ako magsasawang tulungan ka,” Naluluha kong sambit dito kaya, nagyakapan kami habang umiiyak at nagsabihan ng mga katagang lagi naming kinakanta sa tuwing may problema kami at pinapalakas ang loob ng isa't isa. "Kambal tayo magkamukha at iisa. Ikaw ay ako, ako ay ikaw. Kaya walang iwanan, peksman, batman, superman ma—Hindi na namin natuloy ang sasabihin namin sa isa't isa ng biglang sumingit si nanay na kadarating lang. "Walang mamatay, batukan ko kayo diyan, eh!” Si nanay na nakasimangot sa amin. Kaya nagkatawanan na lang kami ni kambal sa pagpuputol ni nanay sa sasabihin namin na –mamatay man mahal kita magmahalan tayong dalawa?– Nananatili ako roon hanggang gumabi at mayamaya ay umalis na rin ako, kasi sabi ko ay may pasok pa ako, ayaw pa sana ako payagan ni Mira, pero wala na itong nagawa dahil kailangan. Kaya nangako ako na bibisitahin ko ito muli sa mga susunod na araw. Nakauwi na ako sa bahay ni Nora pero wala siya doon. Baka may pinuntahan? Humiga ako sa sopa, para makapagpahinga, mamaya pa namang mga 11:00 ng gabi ang pasok ko sa club. Ilang minuto lang ay nakaramdam na ako nang pagka-inip kaya nagpasya akong maglakad-lakad muna sa kalye ng subdivision nila Nora. Nang biglang tumunog ang phone ko, kaya kinuha ko ito. Isang hindi kilalang numero ang nakarehistro sa screen ng phone ko, pero kinuha ko parin ito at sinagot ang tawag. “Hello?” simula ko. “Hello! this is Mara or Ara?” tanong ng isang boses lalaki sa kabilang linya. “Yes, who is this please?” I asked him. Pero iba ang sinagot nito sa akin. "Puwede ba tayong magkita ngayon. Mayroon akong e-o-offer na trabaho para sa iyo,” sabi nito kaya nagtaka ako. “A job? What kind of Job is it? Where do we meet? Bakit naman kita pagkakatiwalaan?” sunod-sunod na tanong ko rito. "Dahil alam kung kailangan mo pa ng mas higit na maraming pera, para sa kapatid mo, tama ba ako?” sagot ng lalaki sa kabilang linya. Napahinga naman ako ng malalim, “Bakit mo alam ang tungkol diyan?” nagtatakang tanong ko sa kabilang linya. “I have connections, kaya madali na lang malaman iyan.” sagot naman nito sa akin kaya napahinga ako ng malalim. “Okay, saan naman tayo magkikita?” pagpapayag ko sa lalaking ka-usap ko. “Magpapadala ako sa iyo ng mensahi ngayon, aasahan kitang makikipag kita ka sa akin!” sabi nito bago namatay ang kabilang linya. Anong kayang uri na trabaho ang offer niyon? Pagkalipas lang ng ilang segundo ay nag-beep ng aking phone. Nabasa ko ang text nito kung saang restawran kami magtatagpo. Kaya dumeritso na ako roon nagcommute na lang ako kaysa bumalik pa sa bahay ni Nora, okay pa naman ang ayos ko. Nakarating ako sa isang restaurant na hindi ito kalayuan sa kinaroroonan ko. Nang makapasok ako sa restawran kung saan niya ako pinapunta ay agad kong hinanap ang lalaking tumawag sa akin, nakita ko ito malapit sa casher sa mesang bilog na pandalawahan tao lamang ang puwede. Gwapo ang lalaki na mas matanda yata sa akin na limang taon or pataas nakaupo ito na nakaharap sa akin. Kung ganoon ay kilala niya ako? Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti ito at kumaway sa akin kaya lumapit na ako rito. He look so familiar? Nang makalapit na ako sa kanya ay binati niya ako. “Hi pretty, good evening. Salamat at dumating ka!” anito sa 'kin. “Nag-aalinlangan ako kanina, pero na curious ako kung bakit mo ako kilala, kaya pumunta pa rin ako dito. Ngayon sabihin mo sa akin kung anong trabaho ang e-a-alok mo na pag-uusapan natin?” deritsahan kung tanong dito. “Okay pero bago iyan ay magpapakilala muna ako sa iyo. I'm Uno Villareal ako iyong nakita mo noong una mong mag performed sa R & E Club,” anito kaya pinakatitigan ko ito kaya pala parang pamilyar ang mukha nito, siya pala iyong lalaki na atat mahipuan ako at gustong magpakilala sa akin. "Oh! Na alala ko na ikaw iyong unang umakyat sa stage na gusto akong matiyansing,” madiin na sabi ko rito na namumula ang mukha. “Yes, but split that. Mabuti at hindi ka makakalimutin. Good 'yan para sa e-o-offer ko sa iyo na trabaho. I need you to do a job for me, ay mali for my brother pala,” He said at sumeryoso ang mukha. "Anong klasi naman 'yang i-a-alok mo sa aking trabaho?” sabi ko. “Gusto kong magpanggap ka na kasambahay sa kapatid ko at pagkatapos ay pa-ibigin mo siya hanggang sa matuto na siyang magmahal ulit! Sa loob ng anim na buwan! Kaya mo ba?” paliwanag niya sa akin. “M-Magkano naman ang ibabayad mo?” tanong ko. "Babayaran kita ng Isang milyon. Pero ngayon ay babayaran muna kita ng kalahating milyong piso, pagkatapos ng trabaho mo. Ay makukuha mo ng buo ang isang milyon, basta magawa mo lang maayos ang pinapagawa ko.” anito kaya napalaki ang mata ko sa gulat. Damn it! Isang milyong piso at may kalahating milyon pa. Kapag nagawa kong mapa-ibig at matuto na ulit magmahal ang kapatid nito? Kaya ko kaya iyon? Saka pagkakataon ko ng makawala sa marumi kong trabaho sa club. “Bakit ako ang napili mo, alam mo naman ang uri ng trabaho, hindi na ako malinis na babae?” tanong ko dito. "Yes, I know that, pero dahil sanay ka nang makisalamuha sa mga lalaki at malakas ang karisma mo ay alam kung hindi ka katulad ng ibang babaeng pera lang talaga ang habol sa mga lalaking may pera. Alam kung napilitan ka lang dahil sa kapatid mong may sakit, so kaya alam kung makakaya mo ang trabahong iyon. Ano papayag ka ba?” paliwanag nito sa akin. “S-sige g-gagawin ko, basta hindi mo ako bibiguin sa ipapasuweldo mo sa akin. Kailangan ko ang pera at para hindi na ako bumalik sa club,” sagot ko na hindi na nagdalawang isip. "Yes, Of course. Kaya kailangan mong maging handa! Kailan ka magsisimula?” Tanong nito na mababakas ang saya sa mukha. “Bigyan mo ako ng tatlong araw,” sabi ko naman dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD