bc

Patikim Shirley

book_age18+
2.1K
FOLLOW
6.3K
READ
bitch
sweet
female lead
cheating
intersex
like
intro-logo
Blurb

Ang kwentong ito ay walang katotohanan sadyang ginawa lamang para sa mga taong gusto magpatupad ng oras sa kanilang buhay at maging masaya.. wag masyadong dibdibin baka matigas ka.

Sa bawat kwentong akin e upload ay may makamandag na damdamin na dapat kontrolin ng bawat mambabasa.. kaya ingatan ang bawat sarili para hindi manikip ang dibdib mo

chap-preview
Free preview
Patikim Shirley (Intrada)
PATIKIM SHIRLEY [Intrada] ----- Friday night, sa isang bar. Madalas maparito ang isang grupo ng mga estudyante ng ANETS Square kasama teacher nilang si sir Jonas. Malapit si Jonas sa mga estudyante. Pogi sya kaya magaan din ang loob ng mga babae. Magaling naman din syang makisama sa mga lalakeng estudyante dahil nga sa hindi gaano kalaki ang gap ng edad nila. Kapag lumalalim ang inuman ay kung anu-ano nang trip ang nagagawa ng mga kabataan. Nakikitawa lang si sir Jonas at hindi sya sumasali. Kahit umabot minsan sa puntong mga wild na sila lalo ang magsyosyota. May videoke sa bar at habang may kumakanta ay may nagsisimula nang maging "naughty". May mga naglalaplapan na sa tabi. Si Shirley, may hindi sya nagustuhan sa kanyang nakita. Ang kaklase nyang si Tina at Frank ay naghahalikan kahit hindi naman magsyota. Hindi na nya mapagsabihan ang kaibigan nya dahil sa kalasingan at sa ingay pa ng sound ay hindi sya maririnig nito. Kaya lumabas nalang sya nang dahil sa pagkadismaya. "Ano bang klaseng mga taong 'to? Di ko sila maintindihan" Bulong ni Shirley sa kanyang sarili. Natayo sya sa ligid ng kalsada. Iniisip nya kung papara na sya ng taxi at uuwi na. Minsan lang sya makasama sa mga ganitong gimikan kaya hindi sya sanay makakita ng mga naghaharutan. "Shirley, uwi ka na?" Lumingon ang dalaga at nasa tabi na nya si sir Jonas. "sir? uhm, di pa naman. Nag. . . papahangin lang" sagot nya "haha may aircon naman sa loob. Di ka ba natutuwa tingnan mga kaklase mo?" pambobolang salita ni Jonas "Actually hindi" "oh, bakit?" "Si Tina, bakit nya nagagawa makipag. . ." "Bakit ba? ano si Tina?" "Hindi naman nya boyfriend si Frank, bakit nya sya hinahalikan ng ganoon?" Pag-oopen up nya kay Jonas "hahaha ganyan talaga. Masarap eh" "Masarap ba talaga?" Mahinang boses ni Shirley At saglit sila nagtinginan ni Jonas. Maliban sa nakita ni Shirley kay Tina ay hindi rin sya komportable pakinggan ang mga usapan ng mga kaklase nya. Mga tungkol sa s*x, at mga babae pa ang malalakas makipagbiruan dito. Nasasabi nya ito lahat kay Jonas dahil close sila. Madalas silang magkatext at magkabiruan sa eskwela. Ganito si Jonas kalapit sa mga estudyante. Mayamaya ay sumunod pala kay Shirley si Kenneth. "Shirley, akala ko umuwi ka na" Lumapit si Kenneth sa dalawa "Sir. . . uwi ka na rin?" "Di pa naman. Sinanasamahan ko lang si Shirley mong magbantay ng sasakyan" Lumapit si Kenneth kay Shirley, gumitna sya sa dalawang nag-uusap. "Shirley, ayos ka lang? Baka umulan oh" "Ayos lang ako Kenneth. Ayan na yung taxi. . . mauna ako sa inyo. See you on Monday hehe. Bye" At sumakay na nga ang dalagita "Tawag ako mamaya" Bilin ni Kenneth "Sir tara, pasok na tayo. Nakakatuwa na mga lasing dun haha" tugon nya kay Jonas "Oh sige haha" Si Kenneth ay kababata ni Shirley, na may gusto sa kanya ngunit iba ang gusto ni Shirley. Si Arman. Kaklase nila. -ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.3K
bc

His Obsession

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook