Chapter 14 - Breath

2153 Words

BUMUNTONG hininga ako habang nasa whiteboard ang tingin. Hindi ko alam kung anong mayroon ngayong araw, pero pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko. Sa totoo lang ay tinatamad akong pumasok kanina, pero baka makarating kay Papa ang magiging pag-absent ko kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok. Nabuhayan ako nang marinig ko ang pagtunog ng bell senyales na oras na para sa break. Nang magpaalam ang huli naming subject teacher ay isa-isa nang tumayo ang mga kaklase ko. Bahagya pang nagkasalubong ang kilay ko nang mapansin ang tingin sa akin ng kaklase kong lalaki na mabilis nag-iwas nang mahuli ko siya. Mabilis niyang nilagpasan ako dahilan para tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. I let out a sigh and put my head on my desk. Ginamit ko ang braso para maging unan ko. Sa halip na lum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD